Chapter 33

362 18 0
                                    

"Ma'am nandiyan na naman ho sa labas si Mr. Cullen, papasukin ko po ba siya".

"hayaan mo muna siya,baka mamaya aalis na narin siya!." naiinis Kong Sabi sa secretary ko. Nagkamali ako ng inakala, ang alam ko hindi na niya ako guguluhin matapos ko siyang pagsabihan na kailangan ko ng oras Para makapag isip, pero heto na naman siya.Nakakainis!hindi ko tuloy matapos-tapos ang trabaho ko.

Nang mag lunch break na ay lalabas Sana ako Para makipagkita sa isang client kasama ang secretarya ko. Nagulat ako nang  makita ko si Josh  na pa tingin-tingin ito sa relo nito na nakasandal sa pader.

Lumapit ako sa kanya at Pagkakita niya sa akin ay niyakap niya ako. Parang wala talagang asawa ang taong ito. Kaya napangiwi akong tinanggal ang yakap nito.

"Bakit andito ka pa Josh? Wala ka bang company na pinagkakaabalahan?,at palagi ka nalang nandito."

"I just wanna talk to you Rai, baka pwede namang pagbigyan mo na ako ngayon." pagmamakaawa niya sa akin, pero malas siya may I me-meet ako ngayon.

"May ime-meet ako ngayon, sa susunod na araw nalang." napakuyom ang kamao nito sa sinabi ko, galit na naman siya.

"Bakit parang iniiwasan mo lang ako?.hindi ba pwedeng pagbigyan mo naman ako!!", hay, siya na nga lang ang nakiki usap, galit pa ito. Sarap din kutusan eh.

"Sandy, call Mr. Sanchez. Tell him, I can't meet him today."

"So, tara na Para mahulma na 'yang nakakunot na noo mo."hindi nito tinanggal ang pagkatingin niya sa kin Kaya I rolled my eyes on him.

Nauna akong naglakad palabas. As usual,' yong kotse ko na naman ang ginamit namin. Kasasabi ko palang Kay adnerr ang tungkol sa gusto nitong kotse. By next week naman daw ay makakarating na dito sa Pinas. Hindi ko naman binanggit Kay adnerr na si Josh ang bumibili n'on. At tungkol naman sa pag babalik Italy ko ay hindi ako pinayagan ni bakla. Miss ko pa naman na ang anak ko uhhhmfff.

"Saan ko gustong kumain".

"Anywhere!", tipid Kong sagot sa kanya na kinalingon naman nito sa akin.

Tatanong pa kasi eh alam naman niya ang gusto Kong kainin.

Napatingin ako sa kanya nang mapansin Kong sa bahay nila ang tinutungo namin. Nakangisi lang naman siyang napatingin  sa akin.

Bwisit!! Nakakainis ang lalaking ito. PA fall masyado. Kung hindi ko lang alam na may asawa na ito ay iisipin ko
talagang hinaharot niya ako.

"'Bat dito tayo pumunta? Baka ano pang sabihin ng asawa mo. Pagkamalan pa akong kabit mo."

"your my stepsister, parang nakalimutan mo na yata ang bagay na iyon".

Sinundan ko siya Papasok at ang tahimik ng sangka bahayan.parang wala naman naninirahan dito.at dahil dati na akong nakatira dito ay umakyat ako sa dati Kong kwarto.

Pagka bukas ko ay Malinis ito,Nagulat ako nang may mga pictures  ko na nakasabit sa halos lahat ng parte ng kwarto ko.

"I made this for you", Nanigas ako nang niyakap ako ni Josh sa likuran.inaamoy nito ang Buhok Ko at mas pinahigpit pa nito ang yakap niya sa akin.

"Everytime I missed you ay dito ako tumatambay, lahat ng gamit mong naiwan ay nandiyan lahat. Hindi ko binago ang kwarto mo, maliban sa mga nakikita mo ngayong pictures mo.

" Bakit mo ito ginagawa Josh, 'di kana nahiya sa asawa mo. Baka ano pa sa- sabihin niyon kung makikita niya ang mga ito."

"halika kana magluluto tayo ng kakainin natin", sabay hila niya sa akin Pababa, Napailingon ako ulit sa kwarto ko at sobrang napangiti naman ako sa Ginawang efforts ni Josh.

Pinapanood ko lang siyang nagluluto at hindi ko maiwasang mapatingin sa katawan niya. Ang loko! Tinanggal nito ang damit niyang pang itaas at dahil diyan kitang-kita talaga ang  magandang katawan nito. I wish I could still touch those part of his body.

Napailing naman ako sa naisip ko at ibinaling nalang ang atensyon ko sa paglalaro sa cp ko.

Kaysa magkasala pa ako.

"Tapos na akong nagluto, prepare the table at pag balik ko ay kakain na tayo". Sinunod ko naman ang utos nito. Pagka tapos Kong magawa ang utos nito ay bumababa na siya galing sa taas.

Naligo Pala siya. Shit!! Ang messy ng hair niya but it looks so hot. tinanggal ko ang paningin ko sa kanya saka umupo na sa hapagkainan.

Umupo naman ito sa may harapan ko at nakangising sumasandok ito ng pagkain.

Sana Pala hindi nalang ako Sumama sa kanya. Nagkakasala tuloy ako sa asawa nito.

Tahimik kaming kumain at minsan ay natatanong siya sa nangyari sa akin. Sinabi ko naman ang iba sa nangyari at hindi naman na ito nag tanong ulit.

Nahihiya naman akong mag tanong sa kanya, Kung kumusta ang asawa nito. Baka sabihin pa nitong pinagtutuonan ko ng pansin ang buhay nila.

Basta fucos nalang ako sa anak ko at sa magiging future nito.

Bumalik kami sa opisina ko nag matapos kaming kumain, naging tahimik ang aming pag babalik at wala namang problema sa akin iyon.

Nasa labas na ako ng opisina ko nang mapansin Kong wala ang secretary ko.hindi ko nalang pinansin at saka pumasok sa opisina ko.

Nagulat ako pag pasok ko nang may sumigaw.

"SURPRISE!!!" sabay na Sabi ni bakla at ng anak ko. Isinama pa talaga nila ang teacher nito.

"Anong ginagawa niyo dito? Bakit hindi niyo sinabi sa akin. Para nasundo ko kayo sa airport."sabi ko habang  buhat  ang anak ko. Kaya ko pa namang buhatin siya.

"Rai, may----" napalingon ako sa nagsalita at nanlaki ang mata ko ng si Josh ang nakita ko.

"Mama, who is he?", naguguluhang tanong ng anak ko sa kanya habang ang tingin nito ay naka'y Josh.

"ahm, he's your tito Josh anak. Mag bless ka."

"Anak mo siya?",Tumango naman ako sa kanya at nakita ko ang pagka dismaya niya sa akin. Eh parehas lang naman kaming may sarili ng pamilya. Siya nga may asawa na ako anak lang.

"Bakit? Ano nga ulit yung sa sabihin mo?".

"HI! I'm adnerr and I'm Raijah fiancee." bigla naman akong napatingin Kay adnerr. Ang bakla parang gusto lang yatang makamayan si Josh, Isa pa ito eh.

hindi agad tinanggap ni Josh ang kamay ni adnerr kasi nakatingin lang siya sa amin ng anak ko.

"I'm Josh and I'm Rai stepbrother."

"Ah OK! So, you're the step brother", naiinis ako dahil sa akin naman siya nakangiting tumingin.

Mamaya ka lang na bakla! Malalagot ka sa akin!.

"So, mauna na ako Rai at".

"Adnerr"lihim naman akong napapangiti dahil sa ginagawa ni adnerr. Gwapo niya talaga 'pag hindi siya boses bakla haha.

" Bye Rai and nice to see you little  buddy", Nginitian naman siya ng anak ko. At nakahinga naman ako ng maluwag nang makalabas si Josh.

Masama akong napatingin Kay adnerr na ubod ang pagkangiti nito.

"Now I know, why you can't forget him. He's hot and I think I want to snatch him from you", sinuntok ko siya sa sinabi nito.






   TO BE CONTINUED..



My Stepbrother is a jerk. Where stories live. Discover now