Chapter 35

397 13 0
                                    

Napatulog ko na ang anak ko at katabi nito si adnerr. Dahan-dahan akong lumabas sa kwarto namin.

Pagkalabas ko sa hotel ay walang Josh na aking naabutan.

Gino-good time lang 'ata ako.

Pinalipas ko muna ang ilang oras na paghihintay sa kanya.

Nakailang balik na ako sa palakad-lakad dito sa labas pero wala parin talaga siya.

Naiinis akong Papasok sa hotel ng Biglang may humila sa akin.

"Ano ba Josh! Dahan-dahan naman sa pag hila sa akin." binagalan naman niya ito hanggang Sa pumasok kami sa isang kwarto. Ito yata ang tinutuluyan niya dito sa boracay.

"Umupo ka muna, kukuha lang ako ng wine".

"Juice lang sa akin, ayaw Kong uminom ng wine. Baka mapahamak pa ako." nakita ko ang pagsilay ng kanyang mga mata sa sinabi ko.

Parang totoo nga ang nasa isip ko.

May asawa na nga kasi, nambubulabog pa ng ibang Tao.

NAGLAGAY ito ng wine sa isang baso at Para sa akin ay orange juice.

"Josh, sabihin mo na Kung anong gusto mong sabihin. Baka magising yung dalawa sa kwarto namin."

"Tsk!! Katabi mo ba matulog ang lalaking iyon?". Parang nagseselos siya sa itsura nya ngayon,Playboy talaga.

"Eh, ano ngayon. Fiancee ko naman siya."Sabi ko sabay inom ng juice.

" Siya ba ang tatay ng anak mo?", napaubo ako dahil nabulunan ako sa narinig ko.hindi ko tuloy siya agad nasagot sa tanong nito.

Anong sa-sabihin ko?.

" Tinatanong kita!!".

" Bakit ka ba magagalit sa akin?.Kung ayaw mong mag kwento ay babalik nalang ako sa kwarto namin."pinakatitigan niya ako ng matagal Kaya pinairal ko naman ang pagka best actress ko, Nang kunwari akong galit ako sa kanya.Baka kasi Kung saan pa mapunta ang usapan naming dalawa.

" OK! Listen Rai,ngayon ko lang ulit uungkitin ang nangyari noon. Masakit Para sa akin ang mga pangyayari sa nakaraan. Kaya nasasaktan ako pag naaalala ko ang mga ito."hindi ako sumagot at seryuso lang akong nakaupo sa tabi nito.

"Naaalala mo ba noong last na nag bakasyon sila tita at papa?." tumango naman ako sa kanya.

"Lahat ng Ginawa natin noon sa bahay ay may photo copy si papa. Hindi ko alam na gumagana Pala lahat ng cctv sa bahay. Kaya lahat ng masasaya at masasarap naging tagpo noon ay nakita niya."halos kainin ako ng lupa sa hiya nang marinig ko ang mga sinabi niya.

"Ginamit ni papa iyon Laban sa akin, gusto niyang hiwalayan kita kasi ika mamatay daw ni tita pag nalaman niya ang tungkol sa akin. Forgive me princess, if sinunod ko ang gusto ni papa. Ayaw ko lang na mapahamak kayong dalawa ni tita. Kung hindi ako ang aalis sa bahay ay ikaw daw ang paaalisin nito. Hindi ko naman kayang mawala ka sa akin, paano Kung ilayo ka niya sa akin?.kaya mas ginusto Kong saktan ka sa mga iba't ibang Paraan upang kamuhian mo ako. "hindi ko kinakaya ang mga naririnig ko, parang nanghihina ako na ewan  ngayon.

"Oo buntis si pressy noon pero hindi ako sigurado na sa akin, Nung malapit na ang kasal namin ay pinag tapat nito sa akin, na anak ng isang opisyal sa government ang pinagbubuntis nito. Nasiyahan naman ako at naawa ako sa kanya.kung hindi ko daw siya papakasalan ay itatakwil siya ng mga magulang nito, that was the time na alam Kong nasasaktan din kita. "Nanligid ang luha ko sa revelasyon ni Josh.Hinawakan nito ang kamay ko saka hinalikan.

"Don't cry princess, ano hindi ko nalang Itutuloy baka mas umiyak ka pa"Umiling ako sa kanya.

"Ituloy mo, I want to know farther about what happened years ago." Nginitian niya ako saka pinagpatuloy ang pag kwento.

"Bago ang kasal namin ni pressy ay kina usap niya ako, Alam daw niya na ikaw ang mahal ko. Napansin niya ang lahat ng iyon 'pag nasa paligid kita. Hindi mo lang alam kung gaano ko pinag sisihan ang lahat,bawat araw na nakikita kitang umiiyak at pag ang cold mo sa akin ay gusto ko nalang magpakamatay. Lahat nalang ng taong mahal ko sa buhay ay iniiwan ako😢😢😢. "pumatak ang mga luha nito sa aking kamay. Inaangat ko ang ulo nito at umiiyak na nga siya.

" 'wag mo nang Ituloy Kong hindi mo kaya",pero pinagpatuloy parin nito.

"Nung araw ng kasal namin ay hindi ko alam ang aking dapat maramdaman. Nang tanungin ako ng pari Kung Kaya ko bang mamuhay sa piling ng na babae ng nasa harapan ko noon  ay hindi ako nakasagot. Kundi lumingon ako sa kinauupuan  mo,pero wala ka na doon. Nag panicked ako at saka lumabas sa simbahan. Buong araw kitang hinanap  pero hindi kita nakita. "Malungkot din Pala siya nung araw na iyon akala ko Masaya siyang naikasal sa babae ng mahal nito.

" hapon na nang may matanggap akong tawag Kay tita na umiiyak. Pagkarating ko sa bahay ay umiiyak na inaalalayan ni papa si tita na hawak ang sulat mo,nahinto lang sa pag iyak si tita nang mawalan ito ng Malay." napahikbi ako sa sinapit ni mama, kasalanan Ko ang lahat na ito.kung Bakit siya nawalan ng ganang mabuhay,It's all my fault.

"Tama na, tapos na iyon. Ang mahalaga ay nandito kana." Niyakap ako ni Josh na hinahalikan sa ulo ko. Hindi parin talaga ako huminto hanggang Sa magsalita na naman siya.

"Nang mamatay si tita ay wala pang isang taon ay sumunod si papa. Kahit wala ka na noon ay ikaw parin ang patuloy nitong binabangit. Bilin niya sa akin na hanapin ka at magpaka Saya tayong dalawa dahil wala ng magiging hadlang."pinaharap niya ako sa kanya saka hinalikan ako sa noo hanggang Sa narating nito ang labi ko.

Huminto siya." Ilove you princess, hindi nawala iyon, Ikaw lang at wala ng iba."hindi ako nakasagot dahil hinalikan na niya ako ng banayad. Tinugon ko naman ang mga matatamis  nitong labi. Hindi ko na iniisip ang ibang bagay maliban sa amin ni Josh,I want to feel his love again.

Hindi naman din kasi siya nawala sa puso ko. Siya lang ang lalaking minahal ko at aking mamahalin.

Huminto ako sa paghalik sa kanya ng malala ko ang isang bagay.

"Josh, hindi ba talaga kayo magkasintahan man lang ni pressy ngayon", ngumiti ito saka mabilis na hinalikan ako sa labi.

"Hindi princess, at Kung bibigyan mo ako ng pagkaka taon ngayon ay ikaw na ulit ang magiging gf to after 5 years." labis ang Aking pagkangiti nang marinig ko sa kanya iyon.

Hinalikan ko siya at hindi naman ako nabigo dahil tinugon naman niya ito.

may nangyari sa amin ni Josh nung gabbing iyon, at hindi ko pinagsisihan. Ang problema ko nalang ay hindi ko pa nasabi sa kanya ang tungkol Kay Joshua.





My Stepbrother is a jerk. Where stories live. Discover now