Chapter 32: Angel

1.7K 19 22
                                    

CHAPTER 32

DENISE'S POV

Gabi na rin nang makauwi ako sa amin. Sinalubong naman ako ni mommy sa pinto but I never spoke a word.

“O, anong nangyare sa game?” sabi niya sakin.

Sinimangutan ko lang siya, and I know she already get it. I don’t wanna talk about it. Pumunta na ako sa kwarto ko, at ayun nga, naiwan ko nga yung phone ko sa table ko.

I checked my twitter at puro Farewell, Thank you Captain ang nakikita ko. Siguro nga isa na ako sa mga magpapaalam kay Captain. Bakit pa ba naming ipipilit kung wala na talaga.

Oo, masakit, pero kailangan tanggapin. Kailangan mag-move on. Hindi naman forever siya lang pagtutuunan ng pansin. Hindi lang siya ang lalaki sa mundo, there’s still billions of guys out there..... Pero siya ang naging dahilan kung bat nakalimutan kong may bilyon pang lalaki sa mundo. :| Hay nako, Denise. Ayaw na nga niya diba? Will you stop?

Please learn to let go. Please learn to let go.

I always check my phone to see kung magtetext siya. Pero parang niloloko ko lang sarili ko sa ginagawa ko e. Bat siya magtetext, Denise? Pagod na nga siya diba? Pagod na sa’yo.

I decided to put my earphones on and started listening to music. I pressed the shuffle button then this started to play..

 I miss screaming and fighting and kissing in the rain and it’s 2am and I’m cursing your name, you’re so inlove that you act insane and that’s the way I loved you. Breakin’ down and coming undone it’s a roller coaster kinda rush and I never knew I could feel that much and that’s the way I loved you.

 

I miss you, Captain. I really do. Napakaswerte nung babaeng mamahalin mo, dahil sobra pa sa sobra ka magmahal, I just failed to show you how much you mean to me and how much I loved you. Hanggang dun nalang siguro tayo, hanggang dun nalang yung lovestory na yun. Wag na nating pilitin na burahin yung mga salitang The End para lang malagyan ng They lived happily ever after. It’s really the end.

I fell asleep unknowingly. Hindi ko rin alam kung ano na ang naging pakiramdam ko pagtulog ko eh. Parang manhid na hindi ko maintindihan eh. I woke up at around 12mn, hindi na ako makabalik sa tulog. Those memories kept on haunting me. Binukasan ko nalang yung twitter and  decided to tweet what I feel. Parang wala talaga akong mapaglabasan ng nararamdaman.

@oohdenise: If I’d love again, I swear I’d love you right. But if the chain is on your doors, I UNDERSTAND.

It’s just emotions overload. Words cannot express them alone.

Suddenly, I noticed, my tweet got a retweet. I checked kung sino naman ang nakakarelate. Probably, one of my friends. I can feel interrogations approaching, malakas rin kase sila makapsychic sa mga ganyang tweets.

 

1 retweet: @jericfortuna

 

WTH. Hindi ko alam kung nang-iinis ba to or what eh. Hindi ko talaga alam. -____- Bakit mo pa kailangan i-retweet kung sa simula alam mo namang ikaw yun eh. Nakakaloka.

I want to unwind, and forget everything for a while. Yung para bang pati ba naman sa networking sites, ipapaalala sakin ang nangyare sa bus. Kailangan ba talagang ipamukha saking, wala na talagang pag-asa?

Lumabas nalang ako ng kwarto, thinking may gising pa sa bahay. I really need someone to talk to. But instead, I found a note sa may ref namin.

Hindi ka na namin ginising kase you seemed depressed at wala sa sarili. Yayayain ka dapat naming magTagaytay, but you went straight to your room. It’s just love my dear. We’ll be back on Sunday. <3

Chasing the Unplanned LoveWhere stories live. Discover now