Chapter 15: Oh No

1.9K 9 1
                                    

CHAPTER 15

My phone alarmed at around 5:00 am. Oh diba hindi na ako late. Dahil ba to sa kadahilanang bati na kami ni Captain? Oh well, papel. Naligo na ko.. and I noticed I’m such a slow mover today. Yung tipong nilalasap ko pa ang “Me Time” ko. When I got dressed, I quickly left my room and headed to the dining area to have my breakfast.

Bakit ganon ang goodvibes ko talaga ngayon?

“Gooooodmorning mommy! Goodmorning daddy!” With high pitch voice pa yan. Ang saya ko talaga today. What is wronggg. Nababaliw na ata ako.

Pagkabati ko sakanila, nakita ko sina mommy at daddy na nakaupo sa dining.. and there’s another guy. Hindi naman siya kapatid ko kasi malamang tulog pa yun ng ganito kaaga.

Nung lumingon yung guy, si Captain yun.

Bigla akong nagworry na kinilig na hindi ko maexplain. How sweet of him naman na puntahan niya ko dito sa bahay.. but.. patay talaga ako sa magulang ko. This has been the first time na dinalaw ako ng guy sa bahay namin. At malamang, they would really conclude na boyfriend ko siya.

Patay talaga ako.

“Oh, Denise, andiyan ka na pala.” Sabi ni Mommy.

Tumango lang ako at ngumiti sakanila. All eyes on me.

“Oo nga, kanina pa nag-aantay to si Jeric.” Sabat naman ni Dad.

“Ahhhh... oh, talaga? Bat ka pala andito, Jeric?” Painosente kong sabi. My heart is really pumping. Rinig na rinig ko na ang puso ko.

“Diba.. sabi ko naman sayo sunduin kita, sabay tayo papasok? Tapos papakilala kita sa parents ko mamaya. Ipinagpaalam na kita.” Nakangiti niyang sabi.

Diyos ko naman Jeric Marco Gray Fortuna, makisakay ka naman! They don’t know about you, about us, about everything! Para mo kong ipinapain kay kamatayan nito. Napatulala nalang ako.

“Ah, sige mauna na muna ako sa labas. Papahangin lang. Tapos alis na rin ako. Bye Ma, Bye Pa.” Pagpapaalam ko sakanila na tila hindi ako apektado. Masasabon ko talaga to si Captain eh.

Lumabas na ako ng pinto namin at nakita ko ang sasakyan niya. Naramdaman ko na nagpaalam na rin siya sa loob at dali-dali niya akong sinundan palabas ng bahay namin.

“O, tara na?” Sabi sakin ni Captain.

Kalma. Kalma. Kalma.

“Gusto mo na ba talaga ako patayin sa tension kanina? Bat ang aga mo nandito? Kala ko pa naman magtetext ka. Pano ka nakapasok sa bahay? Anong alam nina Mommy at Daddy? Anong sabi nila sayo? Ano sabi mo sakanila?”

“Ang dami namang tanong nito. Wala man lang ba munang goodmorning diyan?” sabay halik niya sa buhok ko.

“Okay, goodmorning.”

“Ang sungit talaga. Hahahaha. O sige ganito, wag ka na kasi kabahan. Alam na nila, okay?”

“Anong alam na nila?”

“Alam nila na mahal kita. At, I had their approval for courting you. Okay? :)”

ANO DAW. KINAUSAP NIYA PARENTS KO? KALA KO SA MOVIES LANG NANGYAYARI YUN EH.

“Magreact ka naman.” Sabi sakin ni Captain.

“Really? No joke?” sabi ko.

“Grabe naman kung joke na pupuntahan kita sa bahay niyo at magpapakilala ako sa parents mo diba.”

Chasing the Unplanned LoveNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ