Chapter 6- What Now?

2.1K 13 2
                                    

Chapter 6

“Sorry.” Bulong niya sa akin.

Hindi ko na kayang tiisin na hindi siya makita. Humarap ako sakanya at niyakap ko siya ng mahigpit. Naiyak ako ng hindi ko alam.

“You don’t have to.” Sabi ko. “Wala ka namang kasalanan e, masyado lang talaga akong naging apektado. I should be sorry.”

“Shh, shh. Tama na.” Habang pinapatahan niya ko.

Ang bango niya talaga. Hindi ko na napansin na nabasa na ang shirt niya dahil sa mga luha ko. Pinunasan ko, na kala mo naman matatanggal ang bakas nung basa.

“Ayan, nabasa na tuloy shirt mo. Sorry.” I said, habang pinupunasan.

“Okay lang yan. Ang ganda mo pala kapag umiiyak.” He smiled.

“So, anong gusto mo sabihin, sana lagi nalang akong umiiyak?” biro ko sakanya.

He cupped my face with his hands and said, “Kahit kelan, hindi ko ginustong makitang masaktan ka, lalo na kung dahil sa akin. I miss seeing you laugh and smile. Yung smile na feeling ko dahil iyon sa akin. Feeling ko lang naman.” Sabi niya.

“Pakipot pa oh. :) Oo naman, dahil sa’yo yun.”

“Talaga?” he said while his face is leaning forward to mine.

“Talaga.” I chuckled.

Hahalikan ako ni Captain?! Grabe. This was beyond my dreams!

When our lips was an inch closer.. someone called from the back.

“Deniseee!” sabi ni Ana.

Captain released me at natawa nalang kami pareho.

“Oh?” sabi ko.

“Tara na. Baka matraffic pa tayo. May klase pa.” Sabi ni Ella.

Naririnig ko silang tumatawa, at alam kong sinasadya nila yun. Pare-pareho nalang kami tumawa.

“Hatid ko na kayo.” Sabi ni Fort.

“Talaga? Go ako jan.” Sabi ni Mitch na game na game kasi atlast makakasakay na siya sa kotse ni Fort.

“Wow ha. Wag na Fort, nakakahiya. Kaya na namin to.” Sabi ko.

“Sige, magcommute ka mag-isa mo, sama kami kay Fort.” Sabi ni Taj.

Ay, grabe talaga tong mga to. Tumawa si Fort at sinabing, “Tara na kasi.”

Ibinaba kami ni Fort sa harap ng building namin. Nagtinginan nung lumabas si Captain sa sasakyan niya, at lumabas ang mga kaibigan ko sa likuran ng sasakyan. Pinagbuksan pa ako ng pinto ni Captain, and seriously, lahat nakatingin samin. Kahit yung guard sa harap ng building namin.

“Thanks Captain!” Sigaw ni Taj, habang papasok ng building at iniiwan na nila ako.

“Uy, thank you ah. Pagpasensyahan mo na mga kaibigan ko. Avid fans lang talaga.” Sabi ko kay Captain.

“Wala yun! See you later?”

“Aalis tayo mamaya?”

“Kung pwede ka.”

“O sige. May practice pa kayo mamaya diba?”

“Mga hanggang 5. Punta ka sa practice, pakilala kita sa team.”

Seryoso ba siya? Am I ready for this kind of situation?

“Kung gusto mo lang naman..” Pagtutuloy niya.

Chasing the Unplanned LoveWhere stories live. Discover now