Chapter 36- Worth it

1.7K 21 33
                                    

Miss na miss na miss ko na si Kiefer, nilunok ko na pride ko para sa kanya at ngayon gusto kong tumakbo palapit sa kanya at yakapin siya, pero hindi na lang, nevermind. Baka maging complicated lang ang mga bagay. Baka kasi nagaassume nalang ako ng love story namin, eh wala na pala. Baka mag gugoodbye siya kaya siya nandito. Shet, ang nega mo Alex.

There I was again tonight forcing laughter, faking smiles

Same old tired, lonely place

Walls of insincerity

Shifiting eyes and vacancy vanished when I saw your face

All I can say is it was enchanting to meet you

“Hi.” Bati niya

I just nod, di ko ata feel magsalita ngayon.

“Can we talk?” sabi niya

“Yeah sure, pasok ka sa loob.” Sabi ko naman

“In private?”

Eto na naman si ‘in private’. Yang mga ganyang linyang yan, may pinanghuhugutan eh.

Naglakad ako palayo sa bahay namin, hindi ko rin actually alam kung saan ako pupunta pero bahala na, kasunod ko lang siya at hindi niya ako sinasabayan maglakad. I decided to stop sa may park napagod na rin yung paa ko eh tsaka isa pa, dumidilim na rin. Tahimik yung lugar, konti nalang yung mga batang naglalaro. Nagtatawanan sila, pero may isang batang umiiyak mukhang nadapa. Hayyy, kung alam lang niya na skinned knees are better to heal than a broken heart. Okay, ang drama. Umupo ako dun sa isang bench nun, nakatayo lang siya tapos dun siya sa kabilang dulo umupo.

“Si Trish.” Simula niya “Siya yung first playmate ko, siya ung first bestfriend ko, first love ko, first girlfriend. Bata pa lang kami ni Trish magkakilala na kami. Magkaibigan kasi yung family namin, bestfriend ni Mommy ung Mom ni Trish.  Alam mo ba, 10 years old pa lang ako, gusto ko ng pakasalan si Trish.” Sabay tawa

Bakit ba kelangan pa niya sabihin yung mga ganyan? Oo na tanggap ko na, mas mahal niya si Trish. Okay na Kief. Tama na.

“Noong bata ako, ang alam ko siya lang ang babae na pwede kong makilala kaya niligawan ko siya, then sinagot niya ako. I’m the happiest and luckiest guy out there. Dinaig ko pa yung nanalo sa lotto.”

“Everything started out fine, Masaya, walang problema. Until narealize ko, na parang bestfriend lang tingin niya sakin. Nawalan siya ng time sakin, pero sinasabi niya ako daw yung nawawalan. At may nagsabi sakin na may minimeet daw siyang lalaki, syempre hindi ko pinaniwalaan pero iba na nung si Trish na yung nagsabi. Sinabi niya na he’s falling out of love. May mahal na siyang bago, someone who’s better than me.”

Tinignan ko kaagad yung mukha niya, seryoso na siya and I can feel kung gaano talaga siya nasaktan. Napaka bitch naman nung Trish na yun kung sino man yun.

“Why are you telling me these?” tanong ko.

“I tried every possible way to win her back. Dumating sa time na hindi na ako nagtetraining, pero sabi ko hindi dapat tumigil ang ikot ng mundo ko dahil sa kanya. Hindi agad ako nakamoved on, pinilit kong maghanap ng iba pero wala pa rin. Hindi pa rin siya mawala sa isip ko. Pero one day, may nakilala akong babae. Akala ko isang ordinaryong babae lang siya pero hindi pala. Iba siya, ibang iba. Kahit napaka clumsy niya, at ininuman niya ung frappe ko nung nagkakilala kami, at sobrang totoo niya sa sarili niya kaya siguro minahal ko siya.” Then he chuckled

“ Magkaibang magkaiba sila ni Trish. Sobrang simple lang niya. And I was so stupid para deadmahin lang siya nung huli kaming nagkita. I’m too stupid. I’m too stupid Alex. ”

Chasing the Unplanned LoveWhere stories live. Discover now