Chapter 37: Right Timing

1.7K 19 16
                                    

Author's Note: Hi guys! <3 Sorry kung medyo matagal yung update, prelims week is coming kase, sobrang busy. Hope you'd understand, still, thank you for the unending support. :""> 

Try reading this too! http://www.wattpad.com/10771719-the-one-that-got-away

Love you guys, enjoy reading! :-) :""> <3

CHAPTER 37

DENISE’S POV

I never heard from Jeron since then. I may have offended him, pero I guess it’s for the better. I still text him simple greetings like goodmorning, ingat ka, pero parang niloloko ko lang sarili ko. Hindi naman siya nagrereply, feeling ko nga nagpalit na yun ng number at iniiwasan na talaga ako.

One afternoon, I got home early from school. Wala naman kasing traffic kaya less than an hour yung biyahe ko.. which is a good thing.

“Hi Ma.” Bati ko, pagdating ko sa bahay.

“O, ang aga mo ah?”

“E, walang traffic e. That’s a miracle. Ayaw mo ata eh?”

“Hindi naman. Oh, kakain ka ba?”

“Merienda lang siguro.”

At, guess what. May bagong lutong turon sa bahay. I just love my mom so much. I’m her princess talaga. Kaya, I am so lucky to have her. Sinabayan na rin niya ako kumain sa mesa.

“Kamusta na nga pala kayo ni Jeric?” bigla niyang tanong.

Muntik ko ng mailuwa yung turon na kinakain ko. Nasamid na ako, kaya bigla bigla akong uminom ng tubig. Ang ganda naman ng timing nito, bakit kaya ngayon pa niya naisipan itanong yan.

“Bat ganyan naman reaksyon mo?” tanong uli niya.

“Wala naman, it’s just weird na tinanong mo siya. That’s so not you, Ma.” Biro ko. Siyempre diadivert ko nalang yung attention niya sa iba.

“I’m just concerned about you.”

“Hala ma, okay lang ako. Living and still kicking.”

“E ‘yang puso mo, living and still kicking pa ba or 50-50 na?” sabi niya.

Hindi ko alam kung nangaasar ba si mommy or hinuhuli lang niya ako para magkwento. Siguro nga sadyang malakas lang ang mother’s instincts kaya natanong niya yun. Pero, I guess wala na naman akong dapat ikwento, unless alam na niya ang buong kwento at gusto niya lang marinig ang side ko. Ilang ulit na ba naging isyu tong samin ni Fort recently. Sana naman alam niyo na masakit rin na paulit ulit lumalabas sa bibig ko yung mga nangyari.

“Ma, ano bang gusto mong malaman?” I finally asked. Okay, I lose.

“Hindi naman sa nangengealam, pero I know there’s something wrong with you.. with you and him to be specific.”

“Okay, sige, may something wrong. Well, ganun talaga eh, love come and go. If it’s not for you, maybe it’s really not.”

“Mahal mo pa siya?”

I suddenly stopped with that question. Parang ang layo naman nung sagot niya dun sa sinagot ko eh. Bakit biglang parang tumalon kami ng ilang tanong at biglang yan ang lumabas ng bibig ni Mommy. My heart suddenly skipped a beat. Yung tanong niya parang nageecho sa isip ko.. Mahal mo pa siya? Mahal mo pa siya?  Parang pag tiningnan ang dali lang sagutin. Dalawang choices lang yun.. oo o hindi. Pero parang mas mahirap pa sa mathematical problem habang iniisip ko yung sasabihin ko. Then finally, I found the answer.. and I’m sure I found it in my heart.

Chasing the Unplanned LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon