Chapter 39: Group Date

1.6K 15 15
                                    

CHAPTER 39

DENISE’S POV

“Eh yun naman pala!” biglang sigaw ni Aljon sa likod.

OMG. Kanina pa kaya sila nanonood sa mga kadramahan namin. As in nakasilip silang lahat sa may locker area. -___- Kala ko ba may meeting kayo guys? Nakakahiya.

“Kanina pa kayo diyan?” tanong ko kay Aljon.

“Hindi naman, mga.. simula dun sa Matatanggap mo pa ba ako? Hahaha.” Sabi niya sakin.

Binato ko siya nung folder na hawak ko, nakakainis talaga yun, sobra kung mang-asar. Pero, parang ako pa rin lugi, pinagtawanan pa nila ako. Pati naman tong si Captain ngiting ngiti.

They let me stayed for their practice. Hindi rin naman kasi hard yung practice nila, kaya sandali nalang rin sila natapos. Sabay sabay na rin kami bumaba habang nagkekwentuhan.

“Alam mo, may tinanong sakin si Alex.” Sabi ni Captain sa akin.

“O, ano naman yun?”

“Sabi niya kung mahal daw ba kita.”

“Anong sabi mo?”

“Alam mo na yun.”

“Eh, ano nga?” pangngulit ko.

“Uyyyy, gusto niya malaman.” Pang-aasar niya.

“O sige, wag na nga lang, ayaw mo eh. :))”

“Hahaha. Sabi ko?  Sabi ko mahal na mahal na mahal na mahal kita.”

Ngiting ngiti naman ako nung narinig ko yun. Namiss ko ring marinig yun sa kanya, after a long long time. Pasalamat talaga ako na hindi napagod tong si Captain na mahalin ako, napakaswerte ko sakanya, I can’t thank Lord enough.

Habang naglalakad kami sa campus, hawak niya yung kamay ko. Lahat nalang ng babae, kulang nalang kuyugin ako, sa bawat paglakad namin. Pero, ayoko na lang ring pansinin.

“Saturday bukas ah.” Sabi ni Captain.

“Hmm, oo nga noh.”

“Kung wala ka gagawin, labas sana tayo.”

“Wala naman.. basta libre mo, go ako. Joke lang.”

“Ay, wag na pala. Joke. So, okay ka bukas?”

“Oo.”

“Ayyy, pwede kong isama si Alex? Feeling ko lang I really owe her. Kung hindi niya pa pinagnuknukan sa mukha ko na I shouldn’t give up.. well, di ko na alam kung san tayo pupulutin.”

“Oo naman.. so Saturday it is?” Captain told me.

I nodded to confirm.

Bigla kong naalala yung scenario kanina, na kausap niya si Teng. Hindi ko na dapat itatanong sakanya about dun pero bigla akong na-bother. May kinalaman kaya yun kay Jeron at ganoon nalang ka-seroius yung usapan nila. Alam kong isa lang makakasagot nun.

“I have something to ask, medyo kanina pa ako nabobother eh.” I told him.

Natigilan naman siya at biglang tumingin sa mga mata ko.

“Why? Is there something wrong?” sabi niya.

“Wala naman.. si Teng kase yung nakita kong kausap mo kanina before I entered..”

He was silent, parang inaantay pa niyang matapos yung sasabihin ko.

“..medyo serious ata usapan niyo, okay lang ba kayo?” I continued.

Chasing the Unplanned LoveWhere stories live. Discover now