Chapter 34: It will be Fine

1.7K 14 28
                                    

CHAPTER 34

DENISE’S POV

Message from: @jericfortuna

Napatigil ang mundo ko after I saw that notification. Hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan or ma-excite sa message na un. I really can’t predict what would be the message.

Awkward pero, huminga muna ako ng malalim before clicking the Direct Message button.

Message from: @jericfortuna

Even I have hundred reasons to leave you, I’d still look for that one reason to fight for you.

Note: I really miss you.

 

 

My world suddenly stopped. There’s this sweet feeling pero laging bumabalik yung mga masasakit na pangyayari—na I’m not good enough for him. Why do he always insist na I’m the one for him kahit nasasaktan na siya? Hindi ba siya naaawa sa sarili niya? It took me a long pause before deciding that I should reply.

Pero.. ano bang irereply ko. -__-

Message to: @jericfortuna

If something is meant to be, it will happen—in the right time, with the right person, and for the best reason. :-)

 

Minsan, mahirap na lang tanggapin yung mga pagkakataong hindi talaga ikaw ang para sa kanya. But I would forever be stuck in that situation kung hindi ako magmomoveon. Paano ko mahahanap ang sarili ko if I can’t leave him behind.

It was another day. A new beginning, should I say. It was a regular school day, but what makes it special is magkikita kami ni Alex. Frankly, excited ako sa mga update niya sa pangyayari sa buhay nila ni Kiefer. Pero, ayoko rin namang madaliin yun, baka kase hindi pa sila okay, tapos eto ako dada ng dada. Siguro nga nakakapagtaka na ganito ang mood ko ngayon, I want to kick off the negative vibes. Life’s beautiful, don’t waste it. Hindi pa naman siguro katapusan ng mundo if ever he’s not really for you... or I’M NOT REALLY FOR HIM.

I was in class when my phone vibrated. Buti nalang talaga naka-silent phone ko, kase patay talaga ako pag tumunog to at terror pa naman ang prof. Palihim kong binasa yung text sa phone ko.

From: Alex

Meet me @ QPav. Papunta na ako.

Ang demanding talaga nito.

I was about to go to QPav, when someone called me.

“Denise! Samahan mo naman ako sa Cerelicious oh. Ibibigay ko lang ‘to kay Ate.” Sabi ni Mitch.

“Hala, e may pupuntahan pa ako.”

“Sige na, please? Please?”

Hindi ko talaga mahindian tong kaibigan ko. Ang drama na, ang arte pa. Pasalamat siya mahal ko siya.

“O sige na nga, bilisan lang natin ah.”

Habang naglalakad kami papuntang carpark, napansin ko na ang bagal nitong maglakad, na tila bang gusto niyang i-cherish yung moments na magkasama kami.

Chasing the Unplanned LoveWhere stories live. Discover now