Chapter 2 - Meeting the Captain

2.9K 20 0
                                    

CHAPTER 2

Bumaba na ako sa hagdan ng KFC at naglakad papuntang Mcdo. As usual, ang daming tao sa carpark. Lagi naman eh.

Nang makarating na ako sa Mcdo, hirap na hirap pa rin ako magdecide kung anong kakainin ko.

Sige na nga, chicken fillet with rice. (Nagtitipid kase.)

Mabilis naman ang service sa Mcdo, unlike sa KFC. That’s a fact. Nung pabalik na ako sa KFC.. biglang may nakabangga sa akin sa sobrang pagmamadali niya. Natapon tuloy iyong coke ko.

Shet talaga. Ang swerte ko nga naman.

“Ay sorry Miss! Sorry talaga. Nagmamadali kasi ako.”

Okay, nakita ko nga yun. Kaya mo nga ako nabangga diba?

“Sorry talaga, babawi nalang ako next time. Sorry, sorry.”

Tapos bigla na siyang kumaripas ng takbo. Nagmamadali nga.

Hindi man lang ako pinagsalita? Grabe nga naman oh.

“O, anong nangyari sayo?” Tanong ni Taj.

“May nakabangga sa akin at kesyo nagmamadali siya. Sorry daw. At babawi siya next time. Wow ha. 40,000 students ang nasa UST tapos babawi siya? Sira ba siya? I doubt it kung maalala nga niya ako e.”

“Kalma lang girl!” Natatawang sabi ni Ana.

Okay sige. Kakalma na ako.

Martes na. Ang tagal naman ng araw.

Habang naglalakad kami at nagiisip kung saan kakain.. may napansin silang mga naka-commerce uniform sa may QPav. Patay na oras, kaya wala masyadong tao sa may court.

“Uyyyy, baka mga players yung andun oh!” Sabi ni Ella.

“Oo nga, Tara silipin natin. Daan tayo kunwari.” Plano naman ni Mitch.

Mga kaibigan ko nga naman. E di, sumunod nalang ako sakanila.

Nung medyo malapit na kami..

“Sila ngaaaaaa!” Bulong ni Taj, na kala mo hihimatayin sa kilig,

“Papicture tayo?” Sabi ni Ana.

“Sige sige wala namang tao eh.” Sagot ni Ella.

Nakakatawa talaga sila magusap, kahit hindi nila ako pinapansin.

“Pwede po papicture?” Tanong ni Mitch.

Tumango lang iyong tatlong naka-commerce uniform. Sorry na, hindi ko talaga sila kilala. At as usual, ako iyong kukuha ng picture, kasi nga ako lang naman ang hindi magpapakuha.

“Thank you po!” Sabay sabay na sabi ng mga kaibigan ko na kilig na kilig.

Nang papaalis na kami..

“Uy!” Tawag nung isang naka-commerce uniform.

Siyempre lumingon kaming lahat.

“Diba ikaw yung nabangga ko kahapon?”

At tinuro niya ako. Inanalyze ko mabuti ang itsura nga. POSITIVE. Siya nga yun. Hay nako, naalala ko nanaman yung panira nya ng araw sa akin.

Wala akong masabi. Ayoko namang maging rude, lalo na’t nalaman kong player pala siya. I’m dead.

“Sorry talaga kahapon a, malelate na kasi ako sa practice e. Babawi nalang ako ngayon. May klase ka ba?” sabi niya.

“Wala, tatlong oras po break namin ngayon. Wala siyang klase!” Sigaw naman ni Mitch sa likod.

Ano naman kayang trip nitong mga kaibigan ko? Ipapahiya ba nila ako? Kita mong hindi ko nga sila kilala e. Tiningnan ko sila ng masama. Bumubulong naman sila ng, “Go na! Si Jeric Fortuna yan!! Sayang yan! Text nalang!”

Tapos unti unti na silang nawala. Wow ha. Tunay na kaibigan.

Ibinaling ko na ulit ang tingin ko sa tatlong naka-commerce uniform na mga lalaki.

“Fort, una na muna kami ni Kim.” Sabi nung isa.

“Sige bro.” Sabi naman ni Fort.

And then we we’re alone. Ano ba itoooooo.

“Uy, sorry uli kahapon ah.” Sabi ni Fort.

Paulit ulit? Unli?

“Hindi, okay lang. Tapos na yun.”

“Sabi naman sayo, babawi ako e.”

“Hindi naman na kailangan e.”

“Andito ka na e, kumain ka na ba?”

“Oo, tapos na.” Kahit hindi pa talaga. Nakakahiya naman kasi. Coke lang naman yun.

“Ah, ganun ba. Dito nalang pala tayo. Wala namang tao eh. Tara, upo tayo.”

Umupo kami sa isang bench sa court. Ang awkward talaga kasi kaming dalawa lang. Tapos feeling ko nagdisappear lahat ng studyante sa campus.

“Jeric Fortuna nga pala.” Iniabot niya ang kamay niya sa akin.

“Denise.” Pagkuha ko naman sa kamay niya.

“Pwede magtanong?” sabi niya.

“Ano yun?”

“Napansin ko lang, ikaw lang hindi nagpakuha ng picture kanina sa inyo magkakaibigan?”

Ang out of this world naman ng tanong niya. Pero, ano nga naman kasing paguusapan namin. Lalamunin na kami ng katahimikan pag hindi pa siya nagopen ng topic.

“Uhm.. Wag ka matatawa ha?” sagot ko.

Ngumiti siya. Sabi ko wag nga tumawa eh.

“Kasi, di ko naman kayo ganun kakilala lahat e. Kung alam ko sanang si JERIC FORTUNA ang nakabangga sakin kahapon, e di sana tuwang tuwa pa ko.”

“A mistake is a mistake. Hindi naman yun mababago kung gaano pa kasikat yung nakagawa nung kasalanan.” Sabi niya.

Wow. Deep.

“Diba, team captain ka ngayon?” I changed the topic.

“Yup. Uy, sige na, hayaan mo na ko bumawi sayo. Saan mo gusto kumain?”

“Ikaw na bahala.”

Naglakad kami papuntang carpark. Ang buong akala ko, sa carpark kami kakain. Iyon pala, pinuntahan naming sasakyan niya.

“Saan tayo pupunta? Kailangan ko bumalik by 3 ah. May klase ako.” Sabi ko.

“Opo! Andami kasing tao dito e. Sa labas nalang tayo kumain.”

Binuksan nya ang pintuan sa harap at pinapasok ako.

“Sigurado ka?” sabi ko.

“Bat naman hindi?” ngumiti sya.

Seryoso ba ito? Nasa loob ako ng kotse ni Jeric Fortuna? Baka mapatay na ako ng mga kaibigan ko sa inggit.

Hindi ko alam bakit at home ako pag kasama siya. Parang, ang tagal na naming magkakilala. Totoo nga yung sinasabi nila, may sense of humor si Captain at sobrang bait.

Matapos naming kumain, as promised, ibinalik naman niya ako before 3pm sa UST.

“Thank you ah.” Sabi ko.

“Wala yun. Ang saya mo nga kasama e. Buti naman hindi ka nailang kasama ako. Nung una kasi, di ka makapagsalita e.”

“E siyempre, Captain ka. Studyan—“ Bago pa ko matapos sa sinasabi ko, tinakpan niya ang bibig ko at siya na ang tumapos ng sinasabi ko.

“Studyante tayo pareho.” Tuloy niya.

Hinatid pa ako ni Fort sa building naming, at habang naglalakad kami, feeling ko mapapatay na ako ng mga babaeng nakatingin samin.

“Uy, alam mo kung ang tingin nakakamatay, ilang beses na ko namatay.Grabe mga tingin nila satin e. Ay joke, sayo lang pala.” Binulong ko sakanya habang tumatawa.

“Hindi ko naman sila masisisi e, ang ganda kasi ng kasama ko eh.”

Chasing the Unplanned LoveWhere stories live. Discover now