CHAPTER 12: Ćŕúśh

520 42 0
                                    

Lea P.O.V.

Nandito kami ngayon sa Office ni CITIPOINTE Rem dahil ilang araw nang hindi gumigising si Autumn at hindi naman alam kung anong dahilan noon pero ang sabi nang nakakita bago mawalan ng malay si Autumn nakarinig daw sila nang ibang lingwahe na hindi nila mawari dahil seguro iba ito.

Pero isa lang ang aking iniisip!? Galing ba sya sa mundo ng mga tao. Dahil diba kung nandito sya lumaki hindi sya makakapag salita nang ganong lingwahe.

"Bakit kayo nandito Prinsipe at Prinsesa?" Tanong sa amin ni Citipointe Rem.

Dahil kung hindi nyo pa alam nandito kami nila Blaze, Rinse, Welkin, Daniel at ni David hindi ko alam kung bakit nandito si David pero maniwala kayo hindi naman kasama ang Prinsipe nang Ophir papunta dito bigla na lang yan sumulpot.

"Anong pong nangyari kay Autumn?" Tanong na agad ni Daniel.

"Bakit hindi pa sya nakakagising, Rem!" Sabi ni Daniel at nakakangilabot yung boses nya dahil sobrang lamig, baka Yelo yung kapangyarihan nito.

"Hindi ko alam kung anong nangyari kay Autumn ngunit tinutugunan na nang mga Babaylan ng ating Paaralan kung ano ba talaga ang nangyari sa kanya!" Sabay tingin nya kay Daniel. "Bakit mo sa akin tinatanong yan 'Prinsipe David' kung hindi naman ako Babaylan ng Paaralang ito!" Sabi tingin naman ni Citipointe Rem kay David pero bakit ganon na lang ang paraan ng kanilang pag uusap na dalawa.

"Wag na tayong mag lukuhan Rem! Ikaw ang 'Citipointe' ng paaralan na ito kaya alam kung meron kang alam!" Sabi nanaman ni David at kung kanina malamig ngayon negative one million na yung lamig dito sa aming kina lalagyan.

"Basta pag gumising na sya pag kaukulang parusa ang kanyang ginawa dahil sa pag labag nang isang patakaran sa ating Mundo." Sabi ni Citipointe Rem.

"Mawalang galang na po Citipointe Rem, ano po ba ang parusang kakaharapin ni Autumn?" Tanong ko.

"Ang UNTAMED!" Pag kasabi ni Citipointe Rem ang katagang yun ay parang tumaas na yung kaluluwa ko.

Ang UNTAMED ang isang pinaka mahirap na kaharapin sa parusang ibinibigay sa mga taong nag kasala dahil ilang tao palang ang nabubuhay pag katapos isagawa ito. Dahil may tatlong pag subok kang kaylangang kaharapin. Una, kaylangan mong labanan ang kinakatakutan mong bagay o nilalang sa paraan ng iyong panaginip. Pangalawa, kaylangan kalabanin mo ang mga nilalang galing sa Bundok Madre hindi lang basta basta ang Bundok na ito dahil dito makikita ang mga mababangis na hayop, mga kaluluwang hindi tinanggap sa EUPHORIA at mga ibang Diyos at Dyosang masasama. Pangatlo, kakalabanin mo ang mga Hari at Reyna nang Limang kaharian at hindi yun madali dahil tatlo sa Hari't Reyna ang iyong kakalabanin at ang isang paraan upang manalo ka, kaylangan mong makuha ang mga kwentas nang bawat isa.

Sana malampasan mo ito Autumn!

AUTUMN P.O.V.

Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon. Dahil puro kadiliman lang ang aking nakikita hindi ko alam kung sasaya ba ako o hindi dahil kung ganto naman ang iyong makikita bago ka gumising tignan lang natin kung sino ang hindi matatakot. Oo, natatakot talaga ako sa mga oras na ito.

"AUTUMN!" Nagulat ako dahil sa boses na tumawag sa aking ngalan pero hindi ko pinansin dahil baka guniguni ko lang iyon.

Marami pag sunod sunod na tumatawag sa aking pangalan at ang nakakatakot doon ay iba't ibang tao ito nanggagaling.

Kaya ang ginawa ko pumikit ako at inisip ang pangarap kung mangyari sa mundo ng Anatolia. Oo, alam kung sino nga ba akong nilalang? Ako, lang naman ang anak ng Diyos at Dyosa na pinatay nang hindi pa kilalang mga Tao. Oo, hindi pa segurado kung pinatay ba ang aking magulang ng Ophir.

[COMPLETE] THE MYSTERY OF ANATOLIA [M2M]Where stories live. Discover now