CHAPTER 7: Ŕàvèń & Màťh

704 53 0
                                    

AUTUMN P.O.V.

Habang nag sasalita si Master Francis pumasok si Citipointe Rem sa silid namin sa hindi alam na dahilan.

"Magandang Umaga sa inyo Citipointe Rem." Sabay sabay naming bati sa kanya habang nakayuko.

"Magandang umaga din sa inyo. Gusto ko lang ipaalala bukas na bukas ay pupunta kayo sa AMARANTH (practice ground) upang gumawa nang kanya kanya ninyong sandata para sa dadating na JEKYLL." Sabi ni Citipointe Rem.

Pag kasabi ni Citipointe Rem noon ay umalis na sya sa silid namin kaya itong mga kaklase ko naman akala mo nanalo nang Lotto dahil sa sayang pinapakita nila.

"Tumahimik kayo." Sabi sa amin ni Master Francis. "Gusto kung ipaalam na hindi madaling gumawa nang armas dahil kaylangan nang lakas at tiwala sa inyong mga kapangyarihan at para sa inyong bago palang ay mahihirapan kayo sa inyong gagawin kaya pupunta tayo ngayon sa Amaranth upang kahit sa ilang sandali ay makapag insayo kayo." Pag papaliwanag sa amin ni Master Francis.

"Makakaasa po kayo Master Francis." Sabi nang isa kung kaklase.

"Hindi po namin kayo ipapahiya." Sabi naman ng isa pa.

"Tara na." Pag kasabi nya noon ay pumadyak lang sya nang dalawang beses ay napunta na kami sa Amaranth at napaka lawak nito at hindi lang kami ang nandito dahil nandito narin ang iba pang Bronze Class. "Umayos na kayo." Sabi ni Master Francis kaya yun nga ang ginawa namin.

Nag Angel Seat kaming lahat at ginawa nanamin ang NARNIA.

Authot Notes:
NARNIA- isang Engkantasyong ginagamit ang Focus ng iyong isip at Pag titiwala sa iyong sariling kakayahan o kapangyarihan.

Habang naka Angel Seat kami ay iniikot namin ang aming dalawang kamay habang doon sa Centro nito ay may namumuo na isang Bilog na ibat ibang kulay kumporme sa kapangyarihan na gumagawa. Ngunit sa akin ay ginawa ko itong kulay Puti upang itago ang totoong kulay nito sa mga Taong nakapalibot sa akin at upang maitago ang aking tunay na katauhan.

"KAMANGHA MANGHA!" Sabi ni Master Francis kaya minulat ko ang aking mata at nakita kung kakaiba ang nabuo nila Math at Raven.

Hindi nga ako nag kakamali. Kabilang kayo sa Royal Family nang Bampira at mga Lobo. Kaylangan ko silang Protektahan dahil nakakaseguro akong pag iinitan na sila nang Ophir.

"Pero paano ko sila ma proprotektahan kung naipakita na nila ang kanilang Narnia." Sabi ko sa aking sarili.

"DARK DRIVE!" Sigaw nang isang nilalang na hindi ko alam kung saan nanggagaling at bigla na lang may tumamang Itim na Bilog kanila Raven at Math kaya tumilapon sila.

"Sinong may gawa non." Hindi ko alam kung bakit ko nasabi yun nang bigla na lang nag salita ang katabi ko.

"Dilikado ang buhay nilang dalawa dahil matagal nang hinahanap ang Dalawang Royal Blood sa MANIOLAS ngunit nahihirapan ang Ophir na hanapin sila dahil may Diyos ang nag proprotekta sa kanila ngunit ngayon na sisiguro kung mamamatay sila." Sabi nang katabi ko kaya nabigla ako.

"Kaylangan mo sila ma protektahan dahil kasali silang dalawa sa hinahanap mo." Biglang bulong sa akin at alam kung si Diyos Christian yun.

"Paano ko ito magagawa." Sabi ko sa sarili ko.

Masyadong maaga pa upang makilala ang totoo kung katauhan.

"ÆSLUXION HEAVEN SHIELD!" Sabi ko upang maproteksyonan ako upang hindi nila malaman na galing sa akin ang mahika na iyon at para narin hindi nila maramdaman ang kapangyarihang aking nilabas. "ÆSPARATION!" Sigaw ko sabay turo kanila Math at Raven upang mapunta sila sa Mundong aking ginawa. "HEAVEN'S RESTORACTION ENERGY!" Upang hindi nila ako mahanap at pati narin sila Math at Raven.

[COMPLETE] THE MYSTERY OF ANATOLIA [M2M]Where stories live. Discover now