CHAPTER 18: JÉŚHÚÁ

462 46 0
                                    

AUTUMN P.O.V.

Ilang buwan na simula ng natapos yung parusa ko na dahil lang sa nasabi kung bwiset na salita na yun wala kaming pasok ngayon kaya nandito ako sa kwarto ko dahil tinatamad ako kaya ginawa kuna lang natulog hanggang sa dalawin ako nito.

"AUTUMN! KAYLANGAN MO NANG MAG MADALI, DAHIL HABANG TUMATAGAL MAS LALONG NAGIGING KOMPLEKADO ANG LAHAT!"

"PUMUNTA KAYO SA 'ATLANTIS SEAR CITY' SA LALONG MADALING PANAHON MATAGAL NA KAYONG HINIHINTAY NA DUMATING!"

"KILALA MUNA LAHAT NG TUTULONG SAYO NGUNIT!"

"Autumn okay ka lang ba!?" Nag aalalang sambit ni Lea sa akin.

"Ano bang nangyari sayo? Kanina ka pa namin ginigising ngunit ayaw mong buksan ang iyong silid kaya nasira namin ang iyong pinto sa sobrang kaba!" Sabi naman sa akin ni Rinse.

"May napaginipan ako ngunit." Pag binitin ko. "Ngunit hindi ko pa alam kung nag kita naba kaming lahat!?" Pag sisiwalat ko sa kanila, na kahit ako hindi alam kung ano ang sagot dito.

"Hindi naman maintindihan!?" Gulong sabat naman ni Blaze.

"Lea may marka kabang napansin sa iyong katawan simula nang nag kita tayong dalawa?" Tanong ko sa kanya.

"Hmmmm!" Pag iisip nya muna habang nilagay ang kanyang isang kamay sa bandang parte ng kanyang baba. "Ahh! Oo meron nga sa aking likudan." Sabi nya sabay pakita sa akin ang kanyang likudan at nakita ko dito ang simbolo ng Lupa.

"Ako din meron pero hindi ko segurado." Sabi naman ni Blaze at tinaas ang manggas ng kanyang damit at meron nga din sya at simbolo ito ng apoy.

"Ako din!" Sabat narin ni Rinse sabay pakita ng kanyang simbolo sa bandang dibdib at simbolo naman ito ng tubig.

"Ang duya bakit nandyan sa inyo." Sabi ni Welkin sabay tanggal ng kanyang Pants at pinakita naman nya ang simbolo ng Hangin sa kanyang Hita.

At kung ganon!? Nasa mga Anak ng Royal ang lahat ng aking hinahanap at kung nag kataong tama ang aking hinala lahat ng mga Anak ng Royal nang bawat kaharian ay nakita kuna.

"Samahan nyo akong puntahan ang Prinsesa ng Poniente!" Sabi ko sa kanila.

"At bakit naman namin ito susundin." Taka namang tanong sa akin ni Daniel.

"Nag mamakaawa ako. Kahit ngayon lang." Sabi ko sa kanila.

Kahit alam kung naguguluhan sila ay sumunod na lang sila sa aking sinabi at ilang minuto lang ang nakalipas nasa tapat na kami ng Dorm nito.

TOK! TOK! TOK!

"Saglit lang!" Hiyaw nya kaya tumahimik na lang kami at hinintay na buksan ang kanyang silid.

"Kaylangan mo sumama sa amin." Sabi ko sa kanya.

"At sino ka para sundin ko!" Pag tataray nya sa akin.

"Wala ako sa posisyon pero sana pumayag ka." Sabi ko sa kanya.

"Ayaw ko!" Sabay sara nya nang kanyang pintuan.

Kaya bago nya pa man masara ng mabuti ang kanyang pintuan ay hinarang kuna ang aking mga kamay at sobrang sakit nang pag kakaipit nito pero kaylangan ko itong tiisin. "Nag mamakaawa ako sayo mamaya ko ipapaliwanag pag kumpleto na tayo." Sabi ko sa kanya.

"Mag tiwala lang tayo sa kanya." Sabat naman ni Daniel.

At ang Chuta isang ngiti lang ni Daniel sumunod na at para na syang alinta na dikit ng dikit kay Daniel.

"Ang susunod ang Prinsesa ng Light Kingdom." Sabi ko.

"Autumn kinakabahan na kami." Sabi bigla ni Lea.

[COMPLETE] THE MYSTERY OF ANATOLIA [M2M]Where stories live. Discover now