CHAPTER 6: Màśťéŕ

746 55 0
                                    

AUTUMN P.O.V.

Nandito na kami ni Daniel sa paaralan at hinahanap nanamin ang aming silid dahil napag alaman naming mag kasama kaming dalawa kaya nang matutun na namin ito ay binuksan na namin ngunit nagulat kami dahil may kasama kaming dalawa, bali apat kaming mamamalagi dito sa iisang silid aaminin kung maganda ang aming silit dahil may apat ng Double Deck na higaan at sa taas nito kami matutulog habang sa ibaba naman ay nandoon lagayan ng damit namin at sa tabi nito ay may lamesa at kung hindi ako nag kakamali dito ang Study Area.

"Magandang Umaga sa inyong dalawa ako nga pala si Autumn." Sabay lahat ko nang aking kamay.

"Ako naman si Raven galing sa angkan ng Bampira." Sabi nya sa akin sabay ngiti. I smell something para syang kalahi kong sirena.

"Ako naman si Daniel." Sabay lahad din nang kamay ni Daniel kay Raven at ganon din naman ito.

"Ako naman si Math galing sa angkan ng mga Lobo." Sabi nya sa amin kaya nakipag kamayan din kami dito.

"Saan kayo nabibilang na Pangkat?" Tanong sa akin ni Raven.

"Sa huling pangkat dahil kami'y bago palang na mag aaral dito." Sagot ko naman sa kanya.

"Mag kakamukha pala tayong apat dahil ganon din si Math." Sabi nanaman ni Raven.

Nang biglang tumunog ang Speaker.

"Ako nga pala si Rem ang inyong CITIPOINTE (head master o principal) hinihingi na lahat ng estudyante ay  tumongo sa ating EL DORADO (gym) upang sa isang gaganaping pag pupulong."

"Sabay sabay na tayong puma roon." Aya sa amin ni Raven kaya pumayag nadin kami at makalipas ang ilang sandali ay narating nanamin ito at masasabi kong napaka lawak ng El Dorado.

"Magandang umaga sa lahat ng mag aaral ng APHRO STEIN UNIVERSITY hindi na kami mag tatagal dahil simula sa araw na ito ay tinupad na nang Ophir ang kasunduang magagamit ang buong kapangyarihan dito sa loob ng paaralan ngunit sa oras na kayo'y lumabas ay mababalik ito sa dati at sa oras na ito'y gamitin sa kahit anong marahas na gawain patungo sa Ophir ay may mangyayari sa inyong parusa at ang mas malala ay pwede nyo itong ikamatay." Sabi ni Gem na aming CITIPOINTE hindi ko alam kung magiging masaya ba o hindi dahil sa nalaman kung magagamit na ang buong kapangyarihan ng bawat isa ngunit nakakalungkot dahil may nakaabang na parusa ang sino mang mamayan nang Anatolia na gumamit nito sa kahit na sino mang Ophir kaya hindi alam kung sasaya o matatakot ang mga mamayan ng Apat na Kaharian.

"Wag kayong mabahala dahil papayagan kayong masaktan ang kahit na sinong Ophir sa pakikipag laban sa gaganaping JEKYLL tuwing huling linggo ng buwan at wala itong nakaakibat na parusa." Sabi naman ng isa pang lalaki na hindi ko alam kung sino.

Author Notes:
             Ang OPHIR ang may hawak o namumuno sa APHRO STEIN UNIVERSITY kaya Ophir din ang CITIPOINTE dito nasi Rem.

"Maligayang pag salubong sa lahat ng mga bagong mag aaral na piliin ang paaralang ito." Sabi naman ulit ni Gem. "Maari na kayong bumalik sa mga silid nyo dahil bukas na simula nang inyong mga klase." Pag dagdag nya pa kaya yun nga ang ginawa namin.

"Autumn!" Tawag sa akin ni Raven.

"Bakit?" Sagot ko naman sa kanya.

"Ano nga pala ang iyong kapangyarihan?" Tanong nya ulit sa akin.

"Malalaman mo din hehe." Sagot ko naman sa kanya.

"Sege sege! Ikaw naman Daniel ano nga pala ang kapangyarihan mo?" Tanong nya naman kay Daniel.

"Kaya kung manipulahin ang Elemento ng Tubig." Sagot naman ni Daniel.

"Wow!" Sabi bigla ni Math kaya nagulat ako dahil palaging napaka tahimik.

[COMPLETE] THE MYSTERY OF ANATOLIA [M2M]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon