CHAPTER 26: Hąbã Ńğ Häįř Ğűŕł!

382 33 0
                                    

RUTH P.O.V.

Papasok na sana kami sa Lagusan ng biglang natamaan si Lea ng Dark Spear at alam kung hindi lang ito basta basta na Dark Spear dahil nararamdaman kung malakas ang enerhiyang nanggaling dito.

"Ruth protektahan mo si Lea!" Sabi ni Autumn at bigla na lang may lumabas na Tatlong lalaki at Dalawang Babae at nararamdaman kung hindi sila basta basta.

"Talulla puntahan mo si Lea para mapagaling ang kanyang Sugat." Sabi ni Autumn.

"Blaze, Welkin, Rinse at Daniel gumawa kayo ng Barrier na proprotekta sa atin ngunit pwede tayong makapag palabas nang kapangyarihan ngunit hindi naman tayo tatamaan ng kapangyarihan ng mga Chutang mga kalaban na ito." Sabi ni Autumn ngunit bago palang magawa ng Barrier sila Daniel, nag karoon na nang sobrang lakas na pag sabog sa aming pwesto kaya tumurit kami at nag hiwalay hiwalay sa bawat isa.

"Hindi kayo pwedeng makaalis sa Paaralan na ito ng ganon kadali." Sabi ni H.M. Cathrine at meron ding mga Guro sa kanyang likudan.

"Wag kayong mag dadalawang isip na saktan sila dahil nasa loob sila ng THE UNTAMED SPIRIT na ang ibig sabihin ay nasa loob sila ng isang mahika at alam ko ding kaya rin nilang utusan sila H.M. Cathrine na saktan tayong lahat." Pag papaliwanag ni Autumn.

"SEAN, YIBO, HYUN Dahin nyo sila Ruth dito sa aking pwesto sa mabilis na panahon." Ngunit wala pang isang segundo nasa tabi na kami ni Autumn.

"Ito ba ang Gusto nyo." Sabi ni Autumn ngunit nakakatakot ang kanyang pag kakasabi dahil pati ako nangilabot.

"Autumn ano bang nangyayari?" Tanong ni Welkin kay Autumn.

"Mahihirapan tayong makapunta sa pupuntahan natin dahil minapula sila upang hindi tayo makapunta sa ating pupuntahan kaya isa lang ang nasa isip ko." Sabi nya at biglang tinignan si Lamia.

"Bakit mo ako tinitignan?" May halong pag tatakang tanong ni Lamai kay Autumn.

"Tawagin mo ang iyong Guardian na tulungan tayo." Sabi sa kanyang ni Autumn.

"Paano naman tayo tutulungan ng Guardian ni Lamia!?" Sabat naman ni Rinse.

"Kaylangan na nating umalis sa madaling panahon Master dahil hindi kaya nang aking mahika na pagalingin ito dahil nararamdaman kung may basbas ng Diyos at Dyosa nang kamatayan ang sandatang ginamit sa kanya." Sabi ni Talulla kaya napatingin ako sa kanya. "Ngunit may isang bagay na makakapag pagaling kay Lea ito ay..." Pag puputol nya.

AUTUMN P.O.V.

"Ano yun Talulla?" Tanong ko naman.

"Ang Dugo mo master." Sagot naman nito agad.

"Ngunit mawawalan ka nang higit sa kalahati ng iyong lakas kung gagawin muna ito ngunit kung hindi mo naman ito magagawa ay pwede nya naman itong ikamatay." Sabi naman ni Talulla.

"Master paki bilisan dahil pwedeng kahit nasa anong oras mawala ang Barrier na ginawa namin." Sabi ni Hyun.

"Diba pwede mo namang ibalik agad sa akin Talulla ang nawalang lakas ko pag ginawa ko ang iyong sinasabi?" Tanong ko sa kanya.

"Nag kakamali ka Master dahil kaylangan mo nang Mahigit na isang araw pa pahinga upang manumbalik ang iyong lakas ngunit kung matututunan mo itong gawin ay hindi muna kaylangan ng mahigit na isang araw na pag papahinga." Sabi sa akin ni Talulla.

Isip isip Autumn!? Isipin mo kung paano kayo makakaalis dito.

"Palabasin mo yung Guardian mo Lamia at gumawa ka nang malakas na Spell na mag papakita ng isang Illusyon at mas palakasin pa ito sa tulong ng iyong Guardian." Pag uutos ko kay Lamia.

[COMPLETE] THE MYSTERY OF ANATOLIA [M2M]Where stories live. Discover now