CHAPTER 42: §åð øŕ Ĥáppƴ

131 10 2
                                    

AUTHOR'S NOTE:
                  Ang chapter 41 and 42 is ngayon ko lang nasulat May 28,2023 pag katapos kung masutat, pinublish ko na sya agad para mabasa nyo agad Rectzleians :)

THIRD PERSON P.O.V.

Pag kahiyaw ng malakas ni Autumn biglang lumitaw sa loob ng ginawa nyang barrier sila Math at nagulat ito ng biglang buhat buhat ni David si Lamia na para ng walang buhay kaya nag alala ito kaya nilapitan nya ito at pinulsuhan.

Ngunit nagulat sya ng wala na itong pulso at hindi nag tagal lumabas nadin sila Lea at ganon din ang pangyayari buhat buhat ni Welkin si Blaze at para din itong wala ng buhay.

"Mag babayad sila!!!" Nagulat ang iba ng biglang sumigaw Lea.

"Panginoon! Tumigil nadin po ang tibok ng puso ni Daniel!" Nagulat si Autumn sa binanggit ni Talulla.

"Nag bibiro ka naman Talulla!" Mababakas sa boses ni Autumn ang Lungkot kaya napatakbo sya bigla dito.

"Daniel! Gumising ka please!" Sigaw nito at kasabay nito ang pag labas ng sobrang lakas na aura.

"MASAKIT BA AUTUMN!" Biglang may nagsalita sa labas ng barrier na ginawa ni Autumn at sabay sabay silang napatingin sa taong ito.

"Walang hiya ka Ruth!" Sigaw ni Lea at biglang sumugod ito sa gawi ni Ruth.

Ngunit nagulat na lang sila ng biglang tumurit si Lea at pag kalaglag nito sa lupa ay durog na ang mukha nito at hindi na makilala dahil sa lakas ng impact ng pag kakahagis nito.

Suaugod pa sana si Welkin ngunit pinigilan sya ni Autumn.

"Somusobra kana Ruth! Tinuring kang mga kaibigan, ngunit walang kasing sama ang ginagawa mo sa kanila!" Sigaw ni Autumn kay Ruth.

"Kaibigan!? Kasalanan ko bang mga b*bo kayo at mga uto uto!" Sagot naman nito kay Autumn. "Paano ba yan Autumn? Kayo na lang ang natitirang mga buhay!? Siguro kaya na din ang isusunod namin!"

"Sa tingin mo natatakot kami sayo!" Sabi naman ni Math.

"NIDDLE OF EVIL!" Pag kasigaw ni Ruth ng spell na ito ay biglang may pumunta sa gawi ni math na mga niddle na maliliit at napapalibutan ng itim at violet na usok at bigla na lang ito natumbal.

Susugot lalang si Raven ng sya naman ang sumunod na natumbal.

At hindi nag tagal mag isa na lang ni Autumn ang mag isang nakatayo.

"Sumusobra kana Ruth!" Pag kasigaw ni Autumn nito ay biglang may lumabas na puti at may halong gintong usok sa buong lugar at unti unti ding nawawala ang kalaban.

"Alam mo kung gaano kalakas ang spell na ginawa mo Autumn! Ngunit napaka tanga mo nga talaga... kaya mo naman palang gumawa ng ganyang kalakas na spell ngunit bakit ngayon mo lang ginawa. Wala kang silbi para maging anak ng diyos at dyosa!" Pang mamaliit ni Ruth kay Autumn.

"DEVIL SMOKE!" Pag kasigaw ni Ruth ng spell na yun ang unti unting nawala ang usok na pinakawalan ni Autumn kanina ang puti at gintong usok ay napalitan ng Itin at Purple na usok.

"Napaka tanga mo din pala ehhh! Hinintay mo pang mamatay ang alagad mo bago mo ginawa ang spell na yun!" Sabi naman ni Autumn sa kanya.

Ngunit hindi alam ni Autumn unti unti ding nabubuhay lahat ng mga nilalang na kapanalig ni Ruth na namatay na kanina sa digmaan.

"Bakit hindi mo tignan ang mga nasa likudan mo your Majesty." Pag kasabi ni ruth dito ay napatingin din si Autumn sa bandang likudan at nagulat nga sya sa mga nangyayari ngayon.

"Nagulat kaba!?" Tanong sa kanya ni Ruth. "Patayin sya!" Pag kasigaw ni Ruth ay sinugod na si Autumn ng mga kasamahan ni Ruth.

Kahit gaano kagaling si Autumn at kahit gaano kalakas ang kapangyarihan nya ay wala syang binatbat sa mga kapanalig ni ruth dahil kahit anong gawin nya ay hindi man lang namamatay ang kalaban nya.

Madami ng sugat si Autumn ngayon, may mga nabali nading buto sa kanyang katawan at lalong naubusan nadin sya ng mana dahil sa mga ginawa nyang napakalalakas na spell. Wala syang nagawa kung hindi sumuko ang kanyang katawan at natumbal sa lupa.

Pag kabagsak ni Autumn sa lupa inutusan ni ruth ang kanyang tauhan na itigil na dahil wala ng kalaban laban si Autumn.

"Hindi ko akalaing ganyan lang kadali matalo ang anak ng mga diyos at dyosa!? Ganyan kaba talaga! Wala kang silbi. Kahit ang taong pinakamamahal mo hindi mo naligtas!" Hiyaw sa kanya ni Ruth.

Hindi pa nakuntento si Ruth at inapakan ang kamay ni autumn kaya napalipit sya sa sakit at dinuraan pa sya nito sa mukha.

"Ano kaya mararamdaman mo kung patayin pa ulit natin ang mahal mo!?" Habang sinasabi ni Ruth ang mga salitang ito nag lalakad na sya papalapit sa pwesto ni Daniel habang pinapadulas sa lupa ang kanyang espada.

"W---wag m--mo ng ta---tangka---ing ga---ga-win y--yannn!" Galit na galit na sigaw ni Autumn kay Ruth kahit na nahihirapan sya

"Natakot naman ako!"

Pag kalapit na pag kalapit ni Ruth sa katawan ni Daniel sinaksak nya ito ng ilang beses at pinag sisipa.

"Somosobra kana Ruth!" Buong lakas na sigaw ni Autumn at tumayo at ginamit ang buong lakas upang makalapit kay Ruth para patigilin sa ginagawa nya kay Daniel, ngunit bago pa man sya makalapit sinaksak naman sya ni Ruth sa kanya puso tagos sa kanyang likudan.

"Isa ka lang basura Autumn! At walang kalaban laban sa akin!" Sabi sa kanya ni Ruth at dinuraan nanaman ni Ruth sa kanyang mukha si Autumn. "Sa labanang ito pamilya ko padin ang panalo... katulad ka lang din ng mga magulang mong mahihina!" Pag kasigaw na iyon ni Ruth ay bigla na lang lumiwanag ang buong katawan ni Autumn.

At biglang tumaas sa kalangitan ang kanyang katawan ilang sigundo lang ang makalipas ay biglang nag pakawalan ng isang malakas na Aura ang katawan ni Autumn na pinag halo halong kulay at ang mag nakakabighani sa nilabas nitong aura ay nag sibagsakan sa kalangitan ang iba't ibang mga Diyos at dyosa na nababalot ng mga rosas na kulay ginto at puti...

"Hindi kami papayag na matalo ang kabutihan ng mga masasamang nilalang!" Galing sa lalaking nag ngangalang Zeus.

Habang nalalaglag ang mga Rosas sa kalupaan na galing sa kalangitan, ang sino mang madampian nito ay bumabalik ang kanyang buhay.

Hindi din nag tagal nabuhay lahat ng mga kapanalig nila Autumn at kasabay din nito ang liwanag na nakapalibot sa katawan ni Autumn at kahit na sinong makakakita sa kanya ay mabibighani dahil lumabas na ang Goddess Form nito.

Kulay Puti ang kanyang kasuotan na may halong kulay ginto at asul na may pula... napaka ditilyado nito at kapansin pansin din ang koronang nakasuot sa kanyang ulo at may mga hiyas ang nakalagay dito na nag sisimbolo sa mga elemento.

"Para sa Anatolia!" Biglang sigaw ng panginoon nasi Zeus kaya nabalik sa realidad ang lahat kaya nag patuloy ang labanan ngunit ngayon nabaliktad ang kaninang pangyayari, wala ng nasasawi o nasusugatan sa pangkat nila autumn samantalang sa pangkat nila Ruth ay madaming ng nasawi.

Tatakas pa sana si Ruth ngunit nagulat na lang ito nang nasa harapan nya na si Autumn.

"PAY BACK TIME!!" Pag kasabing pag kasabi ni Autumn ng mga salitang iyon namayani sa katawan ni Ruth ang takot.

"Patawarin mo na ako Autumn! Pangako mag babago na ako!?" Sinabi ito ni Ruth habang nakaluhod at mamumutawi sa kanya ang takot na baka mamatay sya.

"Lahat ng nilalang, deserve ang second chance Ruth." Mahihimigan sa boses ni Autumn ang sinsiridad kaya inakay nya si Ruth na tumayo.

At nag akapan silang dalawa ngunit may binabalak palang kasamaan si Ruth at sinaksak nya si Autumn at likudan.

Hindi nag tagal tumulo ang mga dugo sa bibig ni Autumn.

"Hindi ako ganon kadaling sumuko Autumn! Napaka tanga mo padin talaga!" Hanggang sa huli miniliit padin ni Ruth si Autumn.

At hindi nag tagal natumba nasi Autumn sa lupa.

AUTHOR NOTE:
               Napaka bait mo naman kasi Autumn kung ako yan pinatay ko na yan nong simula pa lang hahha.
               Maraming salamat sa patuloy na nag babasa ng story ko at palaging nag hihintay ng aking Update. Thank you sa patuloy na nag babasa, nag cocoment, nag vovote at nag follow sa akin sa wattpad account ko. Thank you talaga Rectzleians. Keep always safe and have a beautiful day. FIGHTING! JIAYOU!


[COMPLETE] THE MYSTERY OF ANATOLIA [M2M]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon