CHAPTER 5: Àphŕó Śťèíń

895 57 2
                                    

DANIEL P.O.V.

Napaka saya ko sa araw na ito dahil mamumuhay na ako nang katulad kanila Blaze, Rinse, Welkin at Lea na isang normal na mamamayan ng Anatolia. Kahit kailan hindi ako nag tanim o nagalit sa kanila dahil alam kung kaligtasan ko lang ang kanilang pinangangalagaan. Oo, na iinggit ako sa kanila dahil sila nakaka punta kahit saan at nakakasalamuha ang ibang tao samantala ako nasa iisang kwarto lang namamalagi ngunit kahit ganon palagi naman nila akong pinupuntahan at matatalik talaga kaming lima na mag kakaibigan.

Pero laking pasasalamat ko kay Autumn sa ginawa nya sa akin at ngayon may sarili narin akong Guardian nasi Thunder.

Simula ng makita kusi Autumn kanina may iba akong nararamdaman parang nakita kuna sya dati ngunit hindi ko alam kung saan at kung kailan yun pero ang malaking pinag tatakahan ko dahil hanggang bata ako hanggang sa ngayon ay hindi ako nakakalabas pasa aking kwarto kaya yun ang isang malaking katanungan sa akin isip.

KNOCK! KNOCK! KNOCK!

"Daniel! Lumabas kana dyan dahil kakain na tayo tuloy pupunta tayo sa paaralan para kuhanin ang iting Kasuotan para sa ating pag aaral." Sabi sa akin ni Autumn kaya tumayo ako ng ubod ng bilis dahil may tatanungin ako sa kanya.

"Paano tayo pupunta sa paaralan kung kararating mo palang dito at kakalabas ko pa lang din galing sa aking silid." Sabi ko naman sa kanya.

"Mag tiwala ka sa akin." Sabi nya sa akin sabay alis at tumuloy sa hapag kainan.

Pero nagulat ako dahil hindi ko man lang alam kung ano ang aming kakainin ngayon dahil sa edad kung ito ay ngayon pa lang ako nakakita nito.

"Alam kung hindi mo pa alam yan Daniel, ang tawag dyan ay Adobo at Fried Chicken tikman mo upang iyong masubukan." Sabi sa akin ni Inay.

~~FLASHBACK~~

"Simula ngayon ay Inay o Ina ang iyong itatawag sa akin para walang mag tanong kung ano ang relasyon natin at mag kapatid kayong dalawa." Sabi sa akin ni Ina.

"Sege po." Sagot ko naman sa kanya.

~~END OF FLASHBACK~~

Kaya kumuha ako nito at nilagay sa aking plato at sa tagal tagal kunang namumuhay ngayon lang ako nakakain nito ay masasabi ko ito na ang pinaka masarap ng ulam ang aking nakain sa tanang buhay ko.

"Hindi halatang nagustuhan mo." Sabi sa akin ni Autumn at ang sama ng tingin nya sa akin.

"Bakit ang sama ng tingin mo sa akin Autumn." Sabi ko sa kanya sabay pa cute.

"Pana ako hindi magagalit hindi mo man lang kami tinirhan ng aking Inay ng pag kain." Sabi nya sa akin kaya nakaramdam ako ng hiya.

"Autumn!" Bawal sa kanya ng kanyang Ina. "Wag mo syang pansinin meron pa doon sa kaldero ng pag kaing aking niluto kaya kung gusto mo pa ay pwede ka pang umulit." Sabi sa akin ni Inay.

"Shit! Mesherep sye!" Rinig kong bulong ni Autumn ngunit hindi ko alam kung ano ang ibigsabihin non ngunit pinag sambahala kuna lang.

"Ito na!" Sabi ni Inay at inilagay nasa gitna nang aming lamesa.

Hindi nag tagal ay natapos narin kaming kumain at nag handa patungo sa paaralan namin.

AUTUMN P.O.V.

Nandito na kami ni Daniel sa harap nang APHRO STEIN UNIVERSITY at masasabi kung maganda ito at nalilibitan ito nang napakataas na Pader.

"Tara na!" Aya sa akin ni Daniel.

"Alam mo ba kung saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"Ay! Hindi pala." Sabi nya sa akin sabay kamot sa kanyang batok.

"Tsk!" Sabi ko sa kanya. "Sundan muna lang ako." Sabi ko sakanya sabay punta kami sa ASTROID (Regestired sa mundo ng tao).

Marami din kaming nakitang mga estudyante baka sila ay mga dati na dito.

At pag katapos ay binigyan kami ng Card (para syang ATM para sa pag babayad sa Canteen) tapos binigyan kami ng kulay Asul na kasuotang pamasok at bawat kaharian ay may kanya kanyang kulay.

ORIENTE: kulay Asul

PONIENTE: kulay Dilaw

MANIOLAS: kulay Pula

LIGHT EMPIRE: kulay Puti

OPHIR: kulay Itim

At bawat isa ay may sinusuot na Pin sa bandang dibdib para ito sa palatandaan kung saan ka nabibilang na section. Ang mukha nito ay hugis bilog ito at sa gitnang parte nito ay may nakaukit na Korona at kung ano man ang dekorasyon nito ay doon malalaman kung saan kang silid.

DIAMOND: Unang Section

GOLD: Pangalawang Section

SILVER: Pangatlong Section

BRONZE: Pangapat na Section

Dahil bago pa lang kami ni Daniel ay napunta kami sa huling section ngunit pwede kaming malipat kung mapapanalo namin ang JEKYLL o labanan ng bawat estudyante tuwing huling linggo ng buwan.

Kaya pag katapos namin ay umuwi na kami ni Daniel at kinausap ko sya.

"Tandaan mo! Wag mong ipapakita na kaya mong Manipulahin ang Apat na elemento dahil malalaman ng Ophir na huwad ang kanilang binabantayan." Sabi ko sa kanya.

"Makakaasa ka sa akin." Sagot nya naman sa akin.

"Ano sa apat na elemento ang hindi mo pa gaano gamay manipulahin." Tanong ko sa kanya.

"Wala, dahil lahat ay kaya kunang manipulahin kahit pag sabay sabayin ko pa ito." Sabi nya sa akin.

"Kung ikaw ang papapiliin ano ang gusto mong gamitin?" Tanong ko sa kanya.

"Wala na lang." Sabi nya sa akin kaya nagulat ako ng sobrang taas. Charot!

"Bakit!?" Sabi ko sa kanya.

"Dahil tinuruan din naman akong humawak ng kahit anong sandata at kaya ko din gumawa ng Engkantasyon o ang Ancient Magic." Sabi nya sa akin.

"Ngunit kung yan lang ang gagawin mo mag tataka ang ibang lahi lalo na ang mga Ophir kung wala kang kakayahan na gumamit o mag manipula nang kapangyarihan ng kahit na isa sa Apat na elemento dahil tandaan mo Oriente ang iyong lahi kaya kaylangan mong mamili sa Apoy, Tubig, Lupa at Hangin dahil yun ang nararapat." Sabi ko sa kanya.

"Sege, Tubig na lang ang aking Gagamitin." Sagot nya sa akin. "Ngunit ano ang kapangyarihan ang iyong gagamitin." Tanong nya sa akin.

"Malalaman mo din." Sabi ko sa kanya.

Kaya lumabas na ako sa kanyang silid at pumunta ako sa silid kung nasaan si Inay dahil napag pasyahan naming mag katabi kami dahil baka daw mag basketball kami ni Daniel sa Kwarto kaya nya ito ginawa.

May mga nakaintindi naman ba sa Basketball.

"Matulog na kayo ng maaga dahil bukas na bukas din ay mamamalagi na kayo sa inyong paaralan. Sinambit kuna rin kasi sa inyo na ngayon na kayo mag simulang mamalagi doon ngunit nag matigas kayong dalawa kaya bahala kayong mapagod." Sabi sa akin ni Inay.

Author Notes:
             Sana magustuhan nyo guys, Maraming salamat sa patuloy na nag babasa, nagsusuport, nag cocoment, navovote sa story ko at mga nag follow sa akin. Thank you talaga Rectzleians. FIGHTING! JIAYOU!

[COMPLETE] THE MYSTERY OF ANATOLIA [M2M]Where stories live. Discover now