CHAPTER 41: Ɗëªťĥ

109 11 0
                                    

THIRD PERSON P.O.V.

"Kaylangan ko ng tulong nyo upang mas lumakas pa ang aming pangkat para sa dadating na digmaan." Sabi ng isang nilalang.

"Tutulungan ka namin... ngunit may dalawa kaming kondisyon kapalit ng tulong na ibibigay namin sayo." Sabi ng isang babae sa isa pang nilalang.

"Gagawin ko ang lahat ng kondisyon nyo." Walang pag dadalawang isip na sagot nito.

"Una magiging isa ka sa amin at ang Pangalawa mag dadalang tao ka sa araw ng digmaan." Sabi nya sa akin.

Papayag sana ako sa una nyang kondisyon ngunit nag dadalawang isip ako sa pangalawang kondisyon paano ko ito tatanggapin kung sa araw ng digmaan ay mag dadalang tao ako. At sino ang magiging ama ng magiging supling sa aking sinapupunan.

"Alam kung naguguluhan kapa kung sino ang magiging Ama ng supling na iyong dadalhin." Sagot naman ng isang lalaki.

"Walang iba kung hindi ang iyong natitipuhan na nilalang." Sabi nanaman ng babae.

"Hindi ko alam kung papayag ako dahil sabi ni Author matatapos na itong story natin kaya pag iisipan ko muna." Sabi naman nito.

"Nakakainis kasi yang Author na yan ehh yung ibang story umabot sa 50 tapos ito hindi. Nasaan ang katarungan Author." Sabi naman ng isa pang lalaki.

"Gusto mo bang mamatay sa dadating na digmaan." Sabi naman ni Author.

"Joke lang shempre Author kaya ikaw mag isip kana!" Sabi nanaman nito.

DANIEL P.O.V.

Nandito kaming lahat sa sala ng aming tinutuluyan ng biglang lumabas sa aming harapan ang Guardian ni Autumn na si Hyun.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya.

"Kaylangan ng tulong ni Autumn ngayon dahil sinusugod na sila ng pangkat ni Ruth." Pahayag nito sa amin.

"Alam ko naibigay na ni Maven ang possion sa inyo." Sabi sa amin ni Hyun na Guardian ni Autumn. "Hindi na tayo pwedeng mag tagal dito dahil kahit sa anong oras ngayon ay malalaman nilang nandito ako... kaya kaylangan na nating mag madali papunta kanila Autumn dahil baka mahuli na tayo." Mahabang paliwanag nya sa amin.

Kaya hindi na kami nag dalawang isip na inomin ang binigay ni Maven sa amin. Nang maubos namin ang possion na ito, mas gumaan ang pakiramdam mo. Kaya hindi na kami nag tagal at sumama na kami kay Hyun para matulungan na namin sila Autumn.

AUTUMN P.O.V.

Sa mga oras na ito kinakabahan na ako dahil hindi basta basta ang mga nakakalaban namin parang may komukontrol sa kanila dahil double o triple ang liksi nila sa pakikipag laban at alam ko sa sarili ko mahihirapan akong labanan sila.

"Master!" Sigaw sa akin ni Yibo para mapansin ko sya. "Master madami nasa ating kakampi ang nasasawi at pagod na din ang karamihan sa ating mga kasama." Pag kasabi nya sa akin non ay biglang may sumabog ng sobrang lakas.

Kaya nakatawag ito ng pansin sa amin at sa mga kalaban din namin at nong tignan ko kung saan galing ito walang iba kung hindi kanila Daniel.

Hindi nag tagal nasa tabi ko na si Daniel.

"Paumanhin kung nahuli man kami." Sabi sa akin ni daniel.

"Nag kakamali ka kung ganon... ngunit mamaya na tayo mag usap usap, kaylangan ko ng tulong nyo. Kung pwede mag hati hati tayo... Blaze, Rinse, Welkin at Lea sa bandang hilaga kayo." Utos ko sa kanilang apat na may kapang yarihan sa mga apat na impkrtanteng elemento.

"Mauuna na kami kung ganon." Sagot naman sa akin ni Blaze sa akin.

"Mag ingat kayo!" Sabi sa kanila ni Daniel at tinanguan lang nila ito at nawala nadin agad.

[COMPLETE] THE MYSTERY OF ANATOLIA [M2M]Where stories live. Discover now