CHAPTER 33: PĂĢ-ŚÏ§ÎŞİ

265 26 0
                                    

AUTUMN P.O.V.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin kanina... hindi ko alam kung bakit na lang kumirot ang aking puso at sobrang sakit nito. Hindi ko alam ngumit alam kung may mangyayaring hindi maganda.

"Nasa paaralan natin sila!" Sigaw bigla ni Math.

"Ano pang hinihintay natin tara na!" Sigaw naman ni Daniel kaya pumunta na kami sa mas lalong madaling panahon at mas lalo pa akong nanghina dahil ang dami ng mga nilalang ang namatay mapa Teacher, Estudyante, mga Mamamayan ng kani-kanilang palasyo.

"Autumn ano na yung gagawin natin!?" Tanong sa akin ni Lamia.

Ngunit mas nagulat ako dahil biglang lumapit silang lahat sa pinaka centro ng paaralan at ang nakakagulat doon. May mga namatay sa kanilang pamilya.

"Ang ating Pananggalang!" Hiyaw ng isang babae.

"YIBO, SEAN, TALULLA, ATHENA AT HYUN LABAS!" Pag kasabi ko noon ay biglang lumabas ang aking mga Guardian at alam kung marami ang nagulat sa nakitang iyon.

"Tulungan nyo ako para mas mapatibay ang ating Barrier!" Utos ko sa kanila at umupo nasa lupa at pinikit ang aming mata at nag hawak hawak.

"GREATEST BARRIER OF THE PHOENIX!,

GREATEST BARRIER OF DRAGON!,

GREATEST BARRIER OF UNICORN!,

GREATEST BARRIER OF DARKEST!,

GREATEST BARRIER OF LIGHT!,

GREATEST BARRIER OF POWERFUL SON!"

Hiyaw naming lahat at umikot kami agad paitaas at nag karoon ng napaka-tibay na Barrier sa aming paaralan.

"KUNG HINDI MO KAMI SINAMA! SANA NA PROTEKTAHAN NAMIN SILA!" Sigaw bigla sa akin ni Daniel.

"Mamaya na tayo mag talo talo ang mas mahalaga dapat matalo na natin sila para tumigil na ang kalukohan nila." Sabi naman ni Ruth at alam kung kagagaling lang nito sa kakaiyak.

"Ako na ang bahala." Sabi ko sa kanila.

"Sa tingin mo mag titiwala pa kami sa iyo! Faggot!" Sabi naman sa akin ni Lamia at nasaktan ako sa tinawag nya sa akin at okay lang sa akin yun dahil kasalanan ko naman ehh.

Marami pa ako narinig galing sa kanilana masasakit na salita ngunit hindi na ako sumagot sa mga ito.

"Sorry sa sinabi nila sa iyo." Alam ko sa boses ni Lea ang pag hingi ng sorry sa akin.

"Okay lang yun! Ako naman ang may kasalanan at ako din ang tatapos." Sabi ko sa kanya at tumalikod na ngunit hinawakan nya ang aking mga kamay.

"Ngunit hindi mo ito kaya ng mag isa at baka ikaw naman ang mapano!?" Sabi nya sa akin pero ngumiti lang ako sa kanya.

"Kaya ko!" Sabi ko sa kanya at nag laho na lang na parang hangin sa kanyang harapan at lumabas sa aking ginawang Barrier kasama ang aking mga Guardian.

"TUMIGIL NA KAYO! HABANG NAKAKAPIGIL PA AKO!" Hiyaw ko sa mga kalaban.

"Sa tingin mo matatakot mo kami!?" Sabi ng babaeng parang espasol.

"Okay!" Walang kagana gana kung sagot sa kanya.

"GUARDIAN'S MASTER FORMATION!" Hiyaw ko kaya biglang nag anyong Puting liwanag si Yibo at Itim na liwanag naman si Sean at pumalibot sila sa akin habang si Athena naman ay naging Phoenix, si Talulla naman ay naging Unicorne, at si Hyun naman at naging Dragon.

"Talulla! Tumawag kapa ng ibang Unicorne at pagalingin ang mga sugatan sa loob ng University."

"Hyun! Tumawag kadin ng mga Dragon para umikot sa buong Anatolia at iligtas ang mga nangangailangan."

[COMPLETE] THE MYSTERY OF ANATOLIA [M2M]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora