CHAPTER 35: §ÊŘƏŇĐĮPÏŢÝ

249 26 5
                                    

LEA P.O.V.

Hindi ko alam kung ano nang gagawin ko dahil alam ko sa sarili kung malapit na talagang maubos ang aking lakas at kung si Autumn naman ang inyong tatanungin nandito sya sa aking tabi at wala nang malay. Sinasabi ko sa kanya na palabasin na ang kanyang mga Guardian ngunit ang nakakapag taka ay hindi nya ito mapalabas sa hindi alam na dahilan.

"Autumn! Wag mo naman akong takutin please!" Sabi ko sa kanya. Dahil kanina pa sya talaga walang malay at ako naman hindi kuna din magamit ang aking Trasportation dahil nanghihina na ako.

"Kataas taasang Dyosa ng Lupa ako ay humihingi ng tulong na bigyan mo pa ako nang unting lakas upang makatakas sa nag hahanap sa amin dahil nararamdaman kunang malapit na sila sa aming kinalalagyan." Pag dadasal ko dahil alam kung papatayin kami ng mga nag hahanap sa amin.. kasi hello! Hindi paba obvius kanina na muntikan na kaming mamatay. At ang nakakainis pa doon hindi ko man lang napansing meron palang saksak si Autumn sa mag kabilang tagiliran.

"Autumn!" Biglang sigaw nang kung sino man at ang nakakatakot wala naman akong nakikita.

"Sino ka! Bakit mo tinatawag ang aking kaibigan!" Sabi ko sa kanya na kahit nag mumukha na akong tanga.

"Kumapit ka sa kamay ni Autumn! Alam kung malapit na ang mga nilalang na nag hahanap sa inyo." Sabi nanaman nito kaya wala na akong nagawa kung hindi sundin ito dahil kahit hindi naman ako sumama sa kanya ay mamamatay padin ako kaya Chuta! Bakit ba ang daldal ko ngayon.

Pag kakapit nang aking mga kamay sa kamay ni Autumn ay bigla na lang kami naging liwanag at kung hindi ako nag kakamali kulay Green ito at kahit kailan ay hindi pa ako nakakakita nang gantong kapangyarihan.

At ilang sandali lang tumigil kami sa lugar na ito.

"Mag pakita kana!?" Utos ko sa nilalang na ito.

"Ako nga pala si Park Baek!" Sabi ng isang lalaki sa harapan namin ni Autumn.

✅ Matangkad
✅ Maputi
✅ Hot
✅ Malakas ang dating
✅ May Dimple
✅ Gwapo

Chuta! Hindi ko alam kung ano yung gagawin ko pero chuta! Talaga ang gwapo nang lalaki na ito. Pero hindi ko alam kung bakit kami nito tinulungan dahil unang una hindi ko sya kilala at alam ko din sa sarili ko na hindi ko alam kung meron bang gantong lugar sa Anatolia.

"Alam kung madaming mga tanong na nabubuo sa iyong isip. Wag kang mag alala masasagot lahat ng yan pag nakapunta na tayo sa taas." Sabi nya sa akin.

"Sino kaba!?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Tsk!" Yun lang ang narinig ko at binuhat na ni Park Baek si Autumn na pang kasal at kung nandito lang kayo maiingit kayo dahil kung susumahin bagay silang dalawa.

"Bahala ka pag hindi kapa sumunod sa akin! Hindi kana makakapasok." Sabi nya sa akin pero nag lalakad naman ako kung hindi lang naman kasi sobrang tangkad ng lalaki na ito!

"Sisihin mo mga magulang ko!" Sabi ko sa kanya at ang tanga lang hindi nya na gets yung Joke ko.

Nakakapagot pala ang pag akyat dahil 1,500 steps lang naman ang lalakadin nyo and take note paakyat pa ito ng bundok ehh sa oras na ito nakaka 849 palang kami.

"Bakit ba ang dami namang step na lalakadin para lang makaakyat sa tuktok!" Sabi ko sa kanya.

"Dahil bawat baytang na nilalakadan mo ay may karapatang kahulugan na para lang sa aming angkan." Sagot naman nito sa akin.

"Bakit mo nga pala kami tinulungan?" Tanong ko nanaman sa kanya.

"Atat! Naman ito masyado!" Sabi ni Park Baek. "Dahil ako lang naman ang nag iisang kaibigan ni Autumn sa mundo ng mga tao." Sagot nya bigla sa akin kaya napatingin ako agad sa kanya.

[COMPLETE] THE MYSTERY OF ANATOLIA [M2M]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon