Chapter 29

407 22 2
                                    

"You stay here, bibili lang ako ng tubig at makakain mo" paalam ni Zero, pero pinigilan ko siya. Tumitig siya sa akin at pinahiran yung luha ko.

"I'll be back, don't worry I won't leave you. Everything will be okay" comfort niya sa akin, tumango ako. Hinalikan niya pa ako sa noo bago siya lumabas ng kotse.

Pagod na pagod na ako sa kaiiyak, kung nauubos lang yung luha siguro wala ng natira sa akin.

Napatingin ako sa upuan ni Zero, napansin kong nandon yung wallet niya. Ano bang ibabayad niya kung nandito yung wallet niya? Kahit na ayaw kong tumayo at lumabas ay napilitan nalang akong puntahan siya. Para akong zombieng lumabas sa kotse. Habang patawid na ako ay nakita kong kumaway si Zero, napangiti ako.

"VALLLL!" para akong nabingi sa sigaw ni Zero dun ko lang narealize kung bakit siya sumisigaw nung may bumanggang sasakyan sa akin.

Parang namanhid yung katawan ko, at amoy ko na yung sariling dugong dumaloy sa ulo ko. Bago ako nawalan ng malay ay nakita kong umiiyak na pinuntahan ako ni Zero. Tumulo yung luha ko, hindi ko alam pero natatakot ako sa kalagayan ko ngayon. Natatakot akong baka maiwan ko siya.

Zero's POV,

Diko nakayanang tingnan siyang umiiyak  kaya nagpaalam akong bumili ng maiinom at pagkain. Pinahiran ko yung luhang pumatak sa aking mata nung nakalabas na ako, ayaw kong makita niya akong umiiyak. I have to be brave for her. Alam kong hindi madali para sa kanya ang mga nalaman niya.

Magbabayad na sana ako ng mapansin kung naiwan ko pala yung wallet ko sa kotse. Nag excuse na muna ako sa cashier at nagpacute siyang tumango. Nakita kong lumabas si Sky ng kotse daladala yung wallet ko. Kumaway ako sa kanya at ngumiti siya. Parang may mali sa ngiti niya diko alam pero kinakabahan ako. Napatingin ako sa sasakyang papalapit sa kanya. Shit.

"VALLLL" sigaw ko, at agad na tumakbo papunta sa kanya. Napahinto ako ng makita ko kung paano siya tumilapon. Kakaibang kaba ang naramdaman ko. I've never been nervous like this, I can't explain it. Kusang tumulo yung luha ko at tumakbo ako papunta sa kanya. Nakita kong tumulo yung luha niya bago siya nawalan ng malay.

Marami ang lumapit sa amin, pero kahit ang dami nila ni isang boses wala akong narinig para akong nabingi. Basta ang alam ko lang ay kailangan kong tumawag ng ambulance. Ni isang tao wala akong pinalapit ayaw kong may gumalaw sa kanya baka kung mapano siya.

"HEY! CAN YOU MAKE IT FAST, IF SOMETHING BAD HAPPEN TO HER YOU'LL PROBABLY REGRET IT!" sigaw ko sa telepono, kanina ko pa sila tinatawagan pero ang tagal nilang dumating. Tinawagan ko na rin yung pamilya niya at pati sina Eon, upang tingnan yung CCTV. Ang gago tinakbuhan lang kami kung diko lang inaalala si Sky baka sinundan ko na yun.

"What happened?" tarantang tanong ng Mom niya, pinaliwanag ko na sa kanila ang nangyari. Muntik na nga akong masuntok ni Slight buti pinigilan ni Tita. Kanina pa ako pabalikbalik sa  paglalakad, hindi ako mapakali. Bakit ang tagal namang makalabas nung doctor.

"Bro relax, magiging okay rin si Skynie" sabi ni Vance. Kung ibang sitwasyon lang to siguro tinawanan ko na si Vance, ang seryoso niya kasi ngayon. Nakita kong paparating si Eon sa amin.

"Nakuha niyo na ba yung plate number ng nakasagasa?" agad kong tanong, nakita kong napatayo yung mga Kuya ni Sky. Halatang hinihintay din nila ang sagot ni Eon.

"Oo, nasa police station na ngayon sila Aston. Wag kang mag aalala di nilang hahayahang di makulong ang gagong yun." seryosong sagot ni Eon. Kating kati na akong puntahan yung nakasagasa kay Sky pero ang malaman ang kalagayan niya ang uunahin ko.

Sabay kaming lumapit sa doctor na lumabas sa ER.

"The patient is still unconscious and we badly want a blood donor as soon as possible." sabi ng doctor. Humahagulhol si Tita at inalalayan siya ni Tito.

"Where can we get a blood donor? Rare yung dugo niya mukhang mahihirapan tayong humanap ng donor" tanong ni Light. Makahulugang tiningnan ako nina Eon. Mukhang alam na nila ang gagawin ko.

"I can be a blood donor" napalingon silang lahat sa sinabi ko.

"Pare sigurado ka ba sa gagawin mo?" nag aaalalang tanong ni Eon. Tumango lang ako.
"Pano kung hi.."

"It's final, her safety is my priority" natahimik silang lahat sa sinabi ko.

Kinunan na ako ng dugo, parang namanhid yung katawan ko. Ngayon alam ko na kung bakit pinipigilan ako kanina ni Eon kasi alam niyang maaalala ko lang yung nakaraan. My past still hunting me even though I tired to let go. 
The past that I thought love can heal.

"Breath in breath out" Mom said.

"Oscar please do something" pagmamakaawa ni Mom kay Dad. Halatang may naisip na paraan ni Dad.

"Babalik ako"

***
"Why did you do it?" Paulit ulit na tanong ni Mom.
"What if something bad happen to you?" galit na sabi tanong niya.

"Mom calm down, no need to worry. I'm perfectly fine" sagot ko.

"Basta wag mo akong sisihin pag nalaman to ng ate mo" sabi ni Mom. Bahala na basta alam kong magiging okay na si Sky.

"Di naman yun uuwi dito" sagot ko.

"Sigurado ako pag nalaman niya, talagang uuwi yun" sabi naman ni Mom. Napakamot ako sa noo ko, problema to pag nalaman niya.

"Mom balik na ako sa hospital, baka nagising na siya" paalam ko kay Mom.
Tumango lang si Mom at tuluyan na akong umalis.

"Okay, just don't forgot your health. If something bad happens to you I'll surely send you to your sister and your not coming back here" kinabahan ako sa sinabi ni Mom. Alam kong seryoso siya sa sinasabi niya. Kung mangyari man yung sinasabi ni Mom papayag lang ako pag si Sky na ang magpapaalis sa akin.

Officially His Property [COMPLETED]Where stories live. Discover now