Chapter 32

349 18 0
                                    

Pilit kong pinipigilan ang maluha sa harapan ni Zero. Nasasaktan na naguguluhan, nakayuko akong pumasok sa bahay at agad na nagkulong sa kwarto. This time hinayaan ko nalang na tumulo yung luha ko.

"What do you mean?" Kunot noong tanong niya.

"From that love and effort is there any hidden agenda?"

Natagalan pa bago makasagot si Zero. Halatang iniisip niya kung ano ang isasagot. Kilala ko si Zero, pag alam niyang gusto kong malaman ang totoo ay talagang hindi siya magsisinungaling.
Magsasalita na sana siya pero pinigilan ko.

"You don't have to answer, I'm just kidding Val" sabi ko, hindi ko alam pero natatakot ako kung ano ang isasagot niya .

"If ever naguguluhan ka sa mga sinasabi ng iba just always remember that I love you. Walang magbabago dun Val."

Yung feeling na gusto mong malaman yung totoo pero natatakot ka na baka ang katotohanang yun ang makakapagbago ng lahat. Alam kong may tinatago pang sekreto si Zero, but still I trust him.

Mali bang magtiwala parin ako sa kanya?

Dali dali kong pinahiran yung luha ko ng marinig kong may kumatok sa pinto. Isang napakalaking ngiti ang bumungad sa akin. Anong meron? Bakit ang saya saya ni Kuya Slight.

"Kain na tayo" sabi niya, inakbayan niya ako at sabay kaming bumababa.

"Ang saya mo ata ngayon Kuya, anong meron?" tanong ko.

"Masyado bang halata?" Nakangiting tanong niya. Tumango lang ako.

"Si Ate Eel ba dahilan niyan?" Panunukso ko sa kanya. Napahinto siya at namula. Sabi ko na.



***
Napag alaman ko na nililigawan na pala ni Kuya Slight si Ate Eel kaya pala ang saya saya ni Kuya. Syempre masaya ako para sa kanila.

Matutulog na sana ako ng biglang may matanggap akong text. Akala ko si Zero pero hindi pala. Unknown number yung nag text.

"If you're curious you can ask this lady" sabi sa text at may kasama pa itong photo. Glaiza Soli? Sino ba to? Binigay niya lahat ng personal information ng babaeng to. Dati pala siyang nurse noon.

Wala naman sigurong mawawala kung pupuntahan ko to bukas. Pero sino ba tung nag text sa akin? Mukhang alam niya ang lahat.




****
Uwian na ng magpaalam ako kina Dad at Mom na matatagalan pa ako sa pag uwi sa bahay dahil may pupuntahan pa ako. Mabuti naman at hindi na sila nagtanong pa kong saan ako pupunta.

Hindi na ako nag paalam kay Zero kasi alam kong hindi yun papayag. Mukhang akala nila Dad kasama ko si Zero ngayon. Bahala na, uuwi naman agad ako. Malapit lang naman ang pupuntahan ko.

Kanina pa ako nagdodorbell pero walang tao sa loob.

"Anong kailangan mo Ija?" napalingon ako ng may magsalita sa likod ko. Isang mid-60's na matanda ang bumungad sa akin.

"Kayo po ba si Glaiza Soli?" tanong ko.

"Oo bakit?" Tanong niya.

"May natatandan po ba kayong Cloud Mufranco ang pangalan?" Tanong ko.

"Bakit ka ano-ano mo ba siya?" Tanong niya.

"Kapatid niya po ako" nanlaki ang mata niya sa sagot ko.

"Sa loob tayo mag usap Ija, pasok ka" yaya niya sa akin. Ang laki ng bahay niya, siya lang ba ang nakatira dito?

"Maupo ka" sabi niya.

"So kilala niyo po yung ate ko?" sabi ko. Tumango siya.
"Paano niyo po siya nakilala?" Tanong ko.

"Taga linis kasi siya ng hospital noon sa tina-trabohan ko noon. Madalas kaming nag kwewentuhan pag break time. Lagi ka nga niyang binabanggit sa akin nun. Sabi pa nga niya kunting tiis nalang makakaalis ka narin sa bahay amponan at kaya ka na niyang buhayin" masayang inaalala niya ang nakaraan.

"Alam niyo po ba kung bakit siya namatay?" ang dating masayang expression niya ay napalitan ng lungkot. Halatang naiiyak na siya.

"Na holdap kasi siya tapos nanlaban kaya ayun tuloy bugbog sarado" malungkot niyang sabi. Matapos niyang sabihin yun ay naiyak na ako.
" Brain dead ang kinalabasan, nakakapagtaka nga dahil ni isang galos sa katawan niya ay wala tanging sa ulo lang niya ang meron." Kawawa naman pala ang dinanas ng ate ko.

"Hindi po ba nahuli yung gumawa nun?" Tanong ko.

"Kinabukasan ay kusa silang sumuko sa kapulisan" nagulat ako sa sinabi niya, nakakapagtaka bakit kaya sila sumuko ng ganon ganon lang. Kung tutuosin wala namang makakatulong sa paghahanap sa kanila dahil wala naman kaming ibang kapamilya.

"Alam niyo po ba kung saan sila nakakulong ngayon?" Tanong ko.

"Hindi ko alam pero siguradong alam ng lalaking to kung nasan sila" sabi niya, tumayo ito at may kinuhang album. Natagalan pa bago niya makita ang kanyang hinahanap habang ako kinakabahan na baka kilala ko ang tinutukoy niya.

Dahan dahan niyang hinarap sa akin ang larawan. Sobra akong nagulat sa pinakita niya. Hindi ako makapaniwala.

"Kilala mo ba siya?" tanong nito, tumango lang ako sa kanya.

"Paano niya po ba nakilala ang ate ko?" Tanong ko.

"Boyfriend siya ng ate mo" wala na atang mas nakakagulat sa nalaman ko ngayon. Hindi ko alam kong pano ko siya kakausapin ngayon, baka magsisinungaling na naman siya sa akin.

"Kung alam mo na kung nasan nakakulong ang pumatay sa ate mo sabihin mo sa akin, dahil may gusto akong itanong sa kanila" sabi niyo. Tumango lang ako.

Palabas palang ako sa bahay nila ay hindi ko na halos maigalaw ang paa ko.
Natauhan nalang ako ng mag ring yung phone ko.

Si Zero tumatawag. Nanginginig akong sinagot ang tawag.


"Where are you?" tanong niya.


"Sa bahay, bakit?" sagot ko. Sana naman maniwala siya.

"Val your lying, nandito ako sa bahay niyo. Nasan ka ba kasi kanina ka pa hinahanap nila Tita" kinabahan ako sa sinabi niya. Lagot na.


"Send me your location, susunduin kita" sabi pa niya.



"No Val, wag na pauwi na ako" agad kong sagot.



"Okay send me the plate number of taxi" sabi niya. Alam kong nagtatampo si Zero sa akin pero iniisip niya parin ang kaligtasan ako. Siguradong papagalitan ako nila Mom at Dad. Pero kailangan kong tanungin mamaya ang lalaking to kung nasan ba nakakulong yung pumatay sa ate ko.

Kahit gaano mo pala kakilala ang isang tao, may mga bagay parin pala na hindi mo pa alam tungkol sa kanya. Ang sakit lang kasi hindi man lang niya sinabi sa akin. Bakit kailangang sa iba ko pa malaman.

Minahal niya ba ng sobra si ate noon?





Officially His Property [COMPLETED]Where stories live. Discover now