Chapter 41

277 13 0
                                    

"thanks bro" sabi ni Zero kay Aliasa. Himala at hindi siya nag selos.

Matapos kong sabihin sa kanya ang lahat ay sasamahan niya raw ako sa bahay. Tama uuwi na ako ngayon. Hawak hawak ni Zero ang kamay ko na kanina pa nanginginig.

Pagpasok namin sa bahay ay ni isang tinig wala kaming narinig, sobrang tahimik.

Pumunta ako sa kitchen at dun ko nadatnan sila kumakain. Lahat sila napalingon sa akin. Nakauwi na pala si Kuya Light. Walang emosyon ang bumungad sa amin.

"Bat ngayon ka lang?" cold na tanong ni Kuya Light.
"Alam mo bang kahapon ka pa namin hinahanap. Sky ilang beses ba dapat naming sabihin sayo na magpaalam ka sa amin" dagdag niya. Sky na yung tawag niya sa akin, galit siya.

Hindi ako makasagot sa tanong niya. Tiningnan ko lang silang lahat. Hindi ko alam kong san ako magsisimula, kung anong sasabihin ko.

"Alam mo ba kung san pa galing yang boyfriend mo, agad siyang umuwi dito para hanapin ka. Hindi mo ba alam na"

"Light" awat ni Mom.

"Matanda ka na Sky dapat alam mo na yung tama at mali." this time napaiyak na ako.

"Oo nga eh matanda na ako, pero b-bakit hindi niyo magawang sabihin yung totoo sa akin." Hikbi na sabi ko sa kanila. Napatayo si Mom at agad na lumapit sa akin.

Lumayo ako sa kanya, bumitaw ako sa pagkakahawak kay Zero.

"Kuya Slight tell me minahal mo ba talaga yung ate ko?" Tanong ko dito, natigilan siya.

"Oo Queen" sagot niya.

"NO!" sumigaw ko.
"Your lying, kung mahal mo sana may ginawa ka, sana inalam mo kung anong totoong nangyari sa kanya" sabi ko dito.
Lahat sila nagulat sa sinabi ko.

"Tama ang iniisip niyo alam ko na kung bakit namatay yung ate ko. Bakit hindi niyo kinasuhan ang punyetang pumatay sa ate ko." nakita kong tumulo ang luha ni Kuya Slight.

"Mom tell me bakit?" Tanong ko, napaiyak na din siya.

"I'm sorry" tanging sabi ni Mom.
Napaluhod ako habang umiiyak.

"Dahil ba sa hospital niyo nangyari ang krimen, ayaw niyo bang madamay ang hospital? Ang selfish niyo" Sabi ko.

"Oo". Tipid na sagot ni Kuya Light.

"Light" awat ni Dad.

"No Dad wala siyang alam" sabi ni Kuya Light.
"Oo hindi namin kinasuhan yung Doctor na yun pinatanggal lang namin sa trabaho, alam mo ba kung bakit? Sa tingin mo ba yung punyetang Doctor lang na yun ang makukulong? Hindi Sky damay dito sa Dad kasi siya ang may-ari. Makukulong siya kahit wala siyang alam sa nangyari ang mga empliyado mawawalan ng trabaho. Ngayon sabihin mo kung sino ang selfish. At wag mong questionin ang pagmamahal ni Slight sa ate mo kasi hindi mo alam kung gaano siya nagdusa sa nangyari."

"Bro enough" awat ni Kuya Slight.

"Hindi mo alam kung ilang beses sinubukan ni Slight magpakamatay dahil lang sa nangyari. Halos araw araw sinusugod siya sa hospital dahil kung ano ano nalang ang iniinom niya. He even tried to hang himself buti nalang at may nakakita. "

"Ang pamilyang iniingat ingatan ni Dad muntik ng masira dahil lang sa punyetang Doctor na yun."

"Araw araw umiiyak si Mom at Dad, nasasaktan dahil hindi sila magawang tingnan ng sarili nilang anak. Yung galit ni Slight binuhos niya sa amin. He wasted his life for almost 4 years dahil lang sa nangyari. Supposedly nagtatrabaho na siya ngayon sa hospital as a Doctor, but he choose to be an actor kasi hanggang ngayon hindi niya parin napapatawad ang sarili niya sa nangyari noon."

Lahat kami ay umiiyak, dahil sa kakaiyak hindi ko namalayan na wala na pala si Zero sa tabi ko. Umalis ba siya?

"Kinupkop niyo lang ba ako dahil na nagi-guilty kayo sa nangyari?" Paos kung tanong.

"No" napatingin ako kay Kuya Slight.
"Ikaw yung dahilan kong bakit ko piniling magpatuloy sa buhay. You saved me from darkness." Dagdag niya.

Tumayo at niyakap si Kuya Slight.

"I'm sorry Kuya, I didn't know. I-I'm sorry"

"I'm sorry, hindi ko na protektahan yung ate mo" paghingi ng tawad ni Kuya Slight sa akin habang umiiyak. Mas lalo akong napaiyak, lumapit din si Mom para yakapin kami.

"I'm sorry Sweetie" nakita kong tumayo si Kuya Light at pumasok sa elevator. Galit parin siya.

Lumapit din ako kay Dad at niyakap siya.

"I'm sorry Baby"

***
"Sige na Queen pasok ka na" utos ni Kuya Slight, kanina pa kasi ako nasa labas ng kwarto ni Kuya Light. Alam ko kasing galit pa siya sa akin.

"Baka sigawan na naman niya ako" naiiyak na sabi ko.

"Sinigawan ba kita kanina?" Nagulat ako sa nagsalita, naka bukas na pala yung pinto niya.

"Kuya" ayan umiiyak na naman ako. Yumakap ako sa kanya.
" Sorry" paghingi ko ng tawad.

"Wag mo na uulitin yun, pag may problema sa amin ka magsabi wag sa iba. Hindi tamang hindi ka umuuwi sa bahay sobra kaming nag alala sayo. Naiwan ko tuloy yung trabaho ko dun" sabi niya . Nakakakonsenya naman.

"Sorry" sabi ko.

"Ikaw talagang bata ka, sige na tawagan mo na si Zero umalis kasi kanina ng walang paalam" hala oo nga. Humalik pa ako sa pisngi ni Kuya bago ako umalis.

Bat walang sumasagot? Busy ba siya? Tinawagan ko ulit mabuti naman at sinagot narin niya.

"Val" tawag ko sa kanya.

"Stop calling him" sabi ng isang babae. Sino ba to? Bat hindi si Zero ang sumasagot.

"Who are you? Nasan si Zero?" Tanong ko dito pero hindi siya sumagot at pinatay na niya ang tawag.

Sino ba kasi yun? Tinawagan ko si Eon baka alam niya kung nasan si Zero.

"Yes Skynie" sagot niya.

"Alam mo ba kung nasan si Zero?" Tanong ko dito.

"Nurse nasan ayyy"

"Skynie natutulog si Zero sa bahay nila" sagot niya.

"Nasan ka ba? Bat may naririnig akong may tumawag ng nurse?" Tanong ko dito, sigurado ako sa narinig ko.

"Ay yun nanununod kasi kami ng movie sorry, lumabas nga ako ng kwarto ang ingay kasi." Paliwanag niya.

Natutulog si Zero? So sino yung sumagot? Ay ang gulo.

"Sige Eon salamat, bye"

Tiningnan ko yung messenger ko baka online siya pero hindi. Ay baka nga natutulog siya.

Bakit parang ramdam kong lumalayo na si Zero sa akin. Nakalimutan ba niyang bukas na yung anniversary namin?

Hayyyss

Officially His Property [COMPLETED]Where stories live. Discover now