Chapter 14

532 28 3
                                    

"Bagay talaga sila" yan lagi yung naririnig kong sinasabi ng mga students ng tinawag ko na sila Zero kesyo bagay daw sila. Duh mas bagay kami.

"Hey" nagulat ako ng lumapit si Zero sa akin, tiningnan ko siya ng makahulugan bat ba niya ako nilapitan pano pag mahalata kami hello nandito kaya kami sa stage.

"What are you doing" bulong ko sa kanya.

"Lets take a photo" nagulat ako sa sinabi niya.

"ano kayang binulong ni Zero kay Pres? " dinig kong sabi nung studyanteng malapit sa amin. Hala nahalata kami. Si Zero kasi.

"Zero come here picture tayo ulit" pa cute na sabi ni Dianne. Hindi siya pinansin ni Zero at mas lalong dumikit pa ito sa akin.

"Zero picture daw kayo" sabi ko sa kanya.

"Mag picture siya mag isa" sabi niya at bumaba na siya ng stage. Natawa ako sa kanya, ang cute niya.

Ilang days na ang lumipas pero marami parin akong naririnig na mga students na nag-uusap sa nangyari nung party. I'm happy na nag enjoy sila.

"Ang saya mo ata ngayon" umirap ako ng magsalita si Aliasa sa harapan ko. For the past few days ngayon ko lang siya nakita. Then I felt so relieved, I don't know why maybe I just hate him so much I hate his presence.

"What do you want? " tanong ko sa kanya. Di niya kasi ako pinapadaan pag tuh nakita ni Zero lagot siya.

"You" ngisi niyang sagot. Pinandilatan ko siya napatawa siya sa ginawa ko.

"I'm serious" seryoso kong sabi.

"just kidding, gusto lang kitang eh good luck" nagtaka ako sa sinabi niya. Para saan yung goodluck niya.

"For what?" tanong ko.

"Basta, cge bye. good luck ulit" sabi niya at sa wakas umalis na siya. Bakit parang kinakabahan ako ano kayang ibig niyang sabihin. Hayys bahala siya.

"are you sure na si Pres tuh? " napalingon ako sa nagsalita. Nag-iwas ito ng tingin at tinago yung phone niya. Linapitan niya ako tatanungin ko na sana kaso may humila sa akin.

"san mo ba ako dadalhin?" san ba kasi niya ako dadalhin.
"ano ba Kris may pasok pa ako" hindi siya sumagot patuloy lang siya sa paghila sa akin hanggang sa makarating kami sa parking lot. Ilalabas niya ako sa school. No way.

"Pasok" utos niya. Kaninong kotse ba tuh. Bakit parang di naman tuh sa kanya. Wala akong nagawa kaya pumasok nalang ako. Nagulat ako ng nasa loob si Zero. So kanya tung kotse. Bumili na naman siya ng bago.

"stay here for a while" sabi niya at lumabas siya ng kotse. Linapitan niya si Kris, binuksan ko yung window para marinig ko sila.

"ang sabi ko sayo dalhin mo siya sa akin hindi ko sinabing hilain mo siya" hala pinagalitan niya si Kris. Ang OA talaga. Sinara ko na yung window. Teka san nga ba kami pupunta.

"San mo ba ako dadalhin? " tanong ko sa kanya.

"Kung san mo gusto" ngeee akala ko ba may plano na siya.

"Okay, gusto kong pumasok" sumimangot siya.

"No, except that one" yung totoo ano bang nangyayari ano bang meron bat ayaw niya akong papasukin.

"okay sasama ako, just give me a reason kung bakit tayo di papasok" ngisi kong sabi humarap siya sa akin.

"Am I not qualified as a reason?" pa cute niyang sabi. Ang cute niya talaga umiwas ako ng tingin bago ko pa siya ma ano ayy basta

"okay, ngayon lang ha" napangiti siya sa sagot ko.

"Okay boss" nag salute siya sa akin at pinaandar na niya ang kotse.

Napag-isipan naming pumunta sa Mall pero syempre malayo sa campus baka may makakita sa akin. Dinalhan din kasi ako ni Zero ng damit para di na kami naka uniform.

"Val arcade tayo" sabi niya sa akin habang hawak yung kamay ko.

"Cge, basketball tayo" hinila ko na agad siya. ang lawak ng ngiti niya,

"kung sinong matalo may punishment" masaya niyang sabi. Sumimangot ako syempre mananalo siya ang galing kaya niyang magbasketball.
"I swear you'll gonna like my punishment" pabiro niyang sabi. Sinapak ko siya.

"pervert" nauna na akong naglakad.

"hey its not what you think" dinig kong sabi niya at hinabol niya ako.
"Ang green minded mo Val" panunuksong sabi niya.

"Alam ko" tumawa siya sa sinabi ko.
"Mag start na nga tayo, may naisipan na akong punishment mo"

"ang galing mong mag change topic" sabi na naman niya. Ayan na naman siya panunukso niya.

"kung ayaw mong mag laro edi wag" reklamo ko at aakmang aalis. Tumawa na naman siya at kinusot yung pisngi ko.

"Pikon, tara na" hindi na ako nagsalita at nagsimula na kaming maglaro. Marunong din naman akong magbasketball tinuruan kasi nila ako Pero di parin ako mananalo kay Zero.

Pagkatapos naming maglaro ay sinamahan muna niya ako sa Cr, just like what I've said siya yung nanalo. Ang lawak na nga ng ngiti ng luko. Ano kayang punishment niya.

Lalabas na sana ako ng Cr ng tumunog yung phone ko. Kaya binuksan ko na muna yung message. Nagulat ako sa nakita ko, ngayon alam ko na kung bakit ayaw niya akong papasukin sa klase. Pano niya nagawa sa akin tuh? Naglihim siya sa akin.
Nagdadalawang isip ako kung lalabas ba ako, alam ko kasing nasa labas siya naghihintay. Diko kayang humarap sa kanya.
Narinig kong may kumatok.

"Val are you okay?" dinig kong sabi niya. This time lalong lumakas yung katok niya, parang sinusuntok na niya yung pintuan.

"Sir bawal po yan" rining kong may nagreklamo.

"Yung girlfriend ko nasa loob kanina pa siya nandyan" nag-aalalang sabi niya.

"okay I understand ako ng papasok"
Hindi ko na hinintay pa na makapasok yung babae at lumabas na agad ako.

"I'm sorry" paghingi ko ng tawad sa mga tao, marami na kasing naka kumpol sa labas nakiki chismis. Tiningnan ako ni Zero ng nagtataka alam kong halatang umiyak ako. Hinila ko siya palabas ng Mall hanggang sa nakarating kami sa parking lot.

"Bat ka umiiyak? Masakit ba yung tiyan mo, meron ka ba ngayon? Gusto mo bang bumili ako ng pain killer. Val tell me, God nalilito na ako. magsalita ka naman. Wala ka bang balak sabihin sa akin?" lalo akong umiyak, bat siya ganito, bakit lagi nalang ako ang inaalala niya.

"Ikaw kailangan mo ba balak sabihin tuh? " sabi ko at pinakita ko sa kanya yung message pati yung photo.



Officially His Property [COMPLETED]Where stories live. Discover now