Chapter 34

385 21 0
                                    

Maaga akong umalis ng bahay. Alam kong magtataka sila kung bakit hindi ako dun nag almusal. Siguro naman gets na nila na nagtatampo pa ako sa kanila.

Ilang weeks nalang December na, 3rd year anniversary na namin. Tapos Christmas break na agad. Mukhang magiging busy na naman kami nito para sa year end party.

Papasok palang ako sa gate ng campus ay tanaw ko na agad si Zero sa unahan nakangiti. Bakit parang feeling ko malapit na siyang mawala sa akin, hindi naman siguro niya ako iiwan mas lalong hindi siya mamatay. Basta hindi ko alam pero kinakabahan ako.

"Good morning" inunahan ko na agad siya, lagi nalang kasi siyang nauunang bumati sa akin pag nagkikita kami.

"I love you" bulong niya, natigilan tuloy ako sa sinabi niya. Ang lapad ng kanyang ngiti.
"Inunahan na kita baka mauna ka na naman"

"Baliw" sita ko sa kanya.

"I love you too" sabay kaming napalingon sa nagsalita.
"Corny niyo, sinisira niyo hairstyle ko" sabi pa ni Eon at agad na tumakbo papalayo sa amin. Kanina pa ba sila sa likod namin?

"Ako ng bahala dun pare" sabi ni Vance. Nag nod lang si Zero.

"Hoy anong gagawin niyo kay Eon?" Agad kong tanong.

"Walang Skynie biro lang" sagot ni Vance.

"Una na ako" malamig na sabi ni Kris. Bad naman ata yun.

"Hayaan niyo na, ganyan talaga pag broken hearted" sabi ni Liam.

"Si Kris broken?" tanong ko. Sabay silang nag nod. Ang pagkakaalam ko inlove siya sa pinsan niya. Patay lagot nag confess na ba siya?

"Bumalik na kasi yung pinsan niya galing France tapos may kasamang fiancee" sabi ni Vance. Ouch sakit naman nun. Mukhang mahal na mahal niya talaga yung babae, bakit ba kasi kailangang sa pinsan niya siya ma inlove andami namang babae diyan. Sayang ang gwapo pa naman ni Kris.

"Tama na yan, para kayong babae kung mag chismisan diyan" sita ni Aston. Natawa tuloy ako, ang daldal kasi ni Vamce yan tuloy sinabihan ng bakla. Tiningna ko si Zero, ang sama ng tingin niya kay Aston. Patay lagot kayo pala yung sinabi niya so damay si Zero. Mukhang dalawa talaga ang mababangasan ni Zero ngayon, joke para naman akong supportive girlfriend nito.

"Tara na nga" andami na kasing nakatingin sa amin. Hinatid pa nila ako sa department ko bago sila pumasok sa first subject nila.

"Let's talk" napalingon ako. Ngayon palang ulit ako kinausap ni Aliasa, ano kayang sasabihin niya.

"Anong bang pag-uusapan natin?" Tanong ko. Imbes na sagutin niya ako hinila niya ako papunta sa likod ng room.

"Alam ko kung saan nakakulong yung suspect sa pumatya sa ate mo" nagtaka ako sa sinabi niya.

"Pano mo nalaman na hinahanap ko sila, stalker ba kita? Sino ka ba talaga?" tanong ko.

"Basta alam ko lang" sagot niya.
"Tutulungan kita" dagdag niya.

"Hindi ko kailangan ng tulong mo." Halatang nasaktan siya sa sinabi ko.

"Z talaga bang hindi mo na ako naaalala?" Kumunot yung noo ko sa tanong niya. Ang alam ko kababata ko siya may litrato nga kami nung bata pa pero ni isang memories namin wala akong maalala.

"Alam mo Aliasa kung totoo mang kababata kita noon wala akong pakialam, kahit pa masasagot mo lahat ng katanungan ko wala parin akong pakialam. Uulitin ko lang hindi kita kailangan kaya pwede ba tantanan mo na ako. Ayaw ni Zero na nakikitang magkasama tayo, ayaw kong mag away pa kami dahil sayo." Pagkatapos kong sabihin yun ay umalis na agad ako. Alam kong nasaktan ko siya sa sinabi ko. Mas mabuti nayun kesa makita pa kami ni Zero na magkasama. 
Kasi kung totoong kababata ko siya idi sana sinabi na niya agad sa akin ang lahat hindi yung pinapahirapan pa niya ako.

***
"Val may lakad ka mamaya?" Tanong ko kay Zero habang kumakain kami ng lunch.

"Wala, may pupuntahan ka? Samahan na kita" agad niyang sabi. Tumango lang ako.
"Pero kailangan nating mag paalam sa pamilya mo" dagdag niya. Tumango nalang din ako.

Kanina pa text ng text sila Mom sa akin pero ni isang text nila wala akong ni replayan. Nakokonsenya na tuloy ako.

"Your brother is calling" sabi ni Zero sabay na pinakita yung phone niya. It was Kuya Slight.


"Sagutin mo" tipid kong sagot at nagpatuloy sa pagkain.

"Where's Queen?" rinig kong sabi ni Kuya, bat ba kasi naka loudspeaker pinagtitinginan na tuloy kami dito.
"I want to talk to her" dagdag niya.


"Kumakain pa ako, mamaya nalang Kuya" agad kong sabi at pinatay na yung tawag. Pipigilan pa sana ako ni Zero pero wala siyang magawa.

"Diba si Slight yun" rinig kong bulong nung nasa likuran namin. Lagot na, wala kasi silang alam na ako yung kapatid ni Kuya. Hindi nga din nila alam na may kambal si Kuya.

"Oo, bat kuya tawag ni Pres sa kanya?" Tanong pa nung isa. Nagulat si Zero ng tumayo ako bigla.

"San ka pupunta?" Tanong ni Zero.


"Alis na tayo" sagot ko, mukhang na gets naman ni Zero na gusto kong umiwas, baka kasi tanungin nila ako kung ka ano ano ko si Kuya Slight.

"Here" inabutan ako ni Zero ng Yakult.

"Thanks" umupo kasi sa damo, mabuti naman at hindi masyadong mainit. Nilagyan ni Zero ng bag yung lap ko para hindi ako masilipan naka palda kasi ako.

"Galit ka pa rin ba sa pamilya mo?" Tanong niya.

"Hindi naman sa galit, nagtatampo lang" sagot ko.
"Wag na kaya tayong pumasok" pag iba ko ng topic. Halatang hindi makapaniwala si Zero sa sinabi ko.

"Cutting tayo" dagdag ko.

"Sigurado ka?" Tanong niya.

"Oo, tara tulungan mo akong umakyat dun sa dating daanan mo" sabi ko sabay hila sa kanya.

"San ba kasi tayo pupunta?" Tanong niya nung nasa labas na kami ng campus.


"Sa kulungan may kakausapin lang ako" nagulat si Zero sa sinabi ko.


"No we're not going" awat ni Zero sa akin.
"Hindi ka pupunta dun, delikado dun" dagdag niya.

"Pero kailangan, hindi naman nila tayo mahahawakan. May itatanong lang ako sa taong pumatay sa ate ko" sagot.


"Pano mo nalaman kong nasaan sila nakakulong?" Tanong niya.


"Tutulungan mo ako" tipid kong sagot. Napakamot si Zero sa ulo niya.



"Wala akong maitutulong sayo" sabi pa niya.



"Meron, alam kong alam mo kung nasan sila ngayon. Alam mo nga na hindi lang isa ang pumatay sa ate ko kahit hindi ko naman binanggit na dalawa sila." mas lalong nagulat si Zero.


"Gaano mo ba ako kakilala?"


"In the first place bat mo nga pala ako niligawan?"

Officially His Property [COMPLETED]Where stories live. Discover now