Chapter 39

290 18 0
                                    

Napag-alaman kong sa hospital pala namin siya dati nag ta-trabaho kaya papunta na ako ngayon sa hospital upang magtanong dun.

"Nurse Cha nandito na ba si Dr. Harry?" Tanong ko.

"Wala pa po pero parating na yun, hatid nalang kita sa office niya dun mo nalang siya antayin" tumango nalang ako rito at nag pasalamat. Marami ang bumati sa akin sa daan, akala ko di nila ako makikilala minsan lang kasi ako nandito.

Umabot ng isang oras bago dumating si Dr. Harry nagulat pa nga siya presensya ko. Around 30 na si Doc pero gwapo parin ito parang ang bata parin tingnan.

"What brought you here Ms. Zella? Bat ikaw lang nasan mga Kuya mo? May sakit kaba, sana tumawag ka nalang ako ng pupunta sa bahay niyo" Tanong niya sa akin.

"Wala po akong sakit, may itatanong lang po ako sa inyu" sabi ko. Umupo siya at humarap sa akin.

"Ano yun?" Medyu curious niyang tanong sa akin.

"May kilala po ba kayong Dr. Francis Collin?" Tanong ko.

"Oo dati siyang Doctor dito nung intern pa ako, siya nga hinahangaan kong Surgeon" sagot niya.

"Nasan na po siya ngayon?" Tanong ko ulit.

" Sa pag kakaalam ko nasa ibang bansa na yun di lang ako sigurado kung saang bansa" sagot niya.

"Alam niyo ba kung bakit siya umalis dito?" Napakamot si Doc.

"Hindi eh, pero may kilala akong kaibigan niya baka masagot niya tanong mo" sabi niya.

"Talaga po, salamat po" matapos niya binigay sa akin ang pangalan at address nung babae ay nag paalam na agad ako sa kanya.

Napag-alaman kong dating Nurse pala ito tinutukoy ni Dr. Francis. Binasa ko yung address, sub division to kaya siguradong mayaman. Sana naman makapasok ako.

"Sino po sila?" Tanong nung guard.

"Hinahanap ko po si Ms. Hera Ruya" sagot ko.

"Kamag anak ka ba niya?" Tanong nito.

"Hindi po" sagot ko.

"Pasensya na Ija hindi kami basta basta nagpapasok ng hindi namin kilala." Sabi nung guard. Sabi na hindi ako makakapasok sa sub division nila.

Narinig kong may paparating na sasakyan.

"Umalis ka diyan Ija may papasok" sabi nung guard.

"May problema ba dito Manong?" Tanong nung babaeng na sa sasakyan. Tiningnan niya ako.

"Hinahanap niya Ate mo" nabuhayan ako sa narinig ko, ate niya yung hinahanap ko.

"Anong sadya mo sa ate ko?" Tanong nito.

"May itatanong lang po ako tungkol kay Dr. Francis Collin po" natigilan ang babae.

" Dr. Francis?" Tanong ulit niya.

"Opo" sagot ko.

"Sumakay ka" utos nung babae, salamat naman at kilala niya si Dr. Francis.

Medyu umabot ng ilang minuto bago kami nakarating sa bahay nila ang laki naman ng sub division na to.

"Pasok ka" yaya niya sa akin. Ang laki ng bahay nila.

"Ma'am mabuti naman at nandito na kayo, ayaw niya pong kumain" sabi nung katulong.

Sunod lang ako ng sunod sa kanya hanggang sa nakarating kami sa kwarto ng ate niya.

"Ate bat ayaw mong kumain, ayaw mo pang magpagamot tapos ngayon hindi ka kakain" panenermon niya. Hindi sumagot yung ate niya, nakatingin lang ito sa akin. Halatang malala na ang sakit nito, at ang putla putla pa.

"Cloud" tawag nito sa akin.

"Hindi ako si Cloud kapatid niya ako" sabi ko.

"Ikaw si Z?" Tumango lang ako.
"Lia lumabas ka na muna" utos niya at pumayag naman agad nag kapatid niya.

"Pano mo nakilala ang ate ko?" Tanong ko. Umiwas siya ng tingin.
"Nasan na si Dr. Francis?" Dagdag ko. Napatingin siya sa pangalawang tanong ko.

Nilapitan niya ako at hinawakan ang dalawa kong kamay.

"I'm sorry" sabi niya at humagulgol na siya. Naguguluhan ako kung bakit siya humihingi ng tawad sa akin.
"Patawarin mo ako" ulit niya.

"Bat ka nag so-sorry?" Tanong ko.

"Ako, kami ang dahilan ng pagkamatay ng ate mo" para akong nabingi sa sinabi niya. Napaupo ako sa sahig, diko mapigilang umiyak.

"Bakit anong ginawa niyo sa kanya?" Sumagot ka!?" Lumuhod siya sa harapan ko ng umiiyak.

"Hindi ako pero kasali parin ako kasi tinulungan ko siya" sagot niya, halos hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya dahil sa pag iyak niya. 

"Sinong siya?" Tanong ko.

"Si Dr. Francis, pina dakip niya ang ate mo at binugbog" sagot nito, lalo pa akong naiyak sa sinabi niya. Kawawa namn yung ate ko.  Pano nila nagawa yun.

"Bakit?" Medyu paos kung tanong.

"Match kasi sila ng blood ng anak ni Doc, at kailangan noon ni Doc ng donor para sa anak niyang naghihingalo, may heart problem kasi ito" hindi ko maiwasang magalit sa sinabi niya, ginawang donor yung ate ko para sa anak niya? Mga walang hiya.


"Bat si ate pa ha? Bakit siya? Dahil ba tagapag linis lang siya ng hospital, ha sumagot ka! Yung ate ko pinatay niyo, yung ko ate na nagtatrabaho para lang maialis ako sa bahay amponan. Bakit kayo ganun?" Humagulgol na ako ng iyak. Ang sakit sakit, para akong mamamatay sa sakit. Nanginginig narin ako sa galit.

"I'm sorry, pumayag akong tulungan siya sa operasyon para sa pera" kaya ba mayaman na sila ngayon.

"Masaya ba? Masarap ba yung tulog mo ha!" Sigaw ko dito.

Tumayo na ako at pinahiran ang luha ko.

"Hinding hinding kita mapapatawad pag sisihan mo ang ginawa mo habang buhay" sabi ko dito. Nakaluhod parin siya sa harapan ko. Lumabas na ako ng kwarto hindi ko masikmura ang mukha niya baka masapak ko pa siya.

Walang tigil parin yung pagpatak ng luha ko nung nasa labas na ako ng bahay nila, hinabol ako ng kapatid niya at may inabot itong flashdrive at papel.

"Alam kong hindi mo mapapatawad ang ate ko, pero gusto kong malaman mo na sobra niyang pinagsisihan ang nagawa niya noon. Salamat din at makakapaghinga na ang ate ko, ilang taon siyang nag tiis na labanan ang sakit niya dahil hinihintay ka niya. Kasi gusto niya humingi ng tawad sayo. Salamat" agad itong tumalikod pero nakita kung tumulo ang luha nito.

"MA'AM YUNG ATE MO!"  sigaw nung katulong, agad namang kumaripas ng takbo si Lia.

Nakakatakot pala talaga ang pag-ibig handa kang gawin ang lahat kahit labag sa batas manatili lang sa tabi mo ang mahal mo sa buhay.

Kung ako ba ang anak ni Dr. Francis matutuwa ba ako pag namalan ko ang totoo?

Officially His Property [COMPLETED]Where stories live. Discover now