Chapter 33

368 16 0
                                    

Pagdating ko sa bahay halatang ako nalang ang hinihintay nila. Si Zero nakasandal sa gilid halatang ang lalim ng iniisip niya, hindi nga niya napansin na nakauwi na ako.

"Where have you been?" Tanong ni Mom. This time napalingon na si Zero sa akin. Tiningnan niya ako ng makahulugan, na parang sinasabi niya na wag akong magsinungaling.

"May pinuntahan lang po ako" sagot ko.

"Sino?" Tanong ni Dad.

"Kakilala ng ate ko" halatang nagulat silang lahat sa sinabi ko. Natagalan pa bago sila magsalita.

"Pano mo nalaman na may kakilala pala yung ate mo? Pati nga kami hindi alam kong sino bang mga kakilala ng ate mo" sabi ni Kuya Slight. Kunting tiis nalang malapit ng tumulo yung luha ko. Bakit sila ganto, bakit nag papanggap parin sila na wala silang alam.

"May nagsabi sa akin" sagot ko. Napakamot si Kuya sa noo niya.

"So all this time nagsisinungaling ka pala sa amin. Akala namin kasama mo si Zero yung pala umaalis kang mag isa. Pano kung may masamang mangyari na naman sayo." Sermon sa akin ni Kuya Light.

"Bakit ako lang ba ang sinungaling dito?" sarkastiko kong tanong. This will be the first time na sumagot ako ng pabalang sa kanila.
"Kayo kailan niyo balak sabihin sa akin lahat?" dagdag ko. Walang pigil ang patak ng luha ko. Nilapitan ako ni Zero.

"Val enough" awat niya.

"No, hindi niyo ako naiintindihan. Kailangan kong magsinungaling sa inyu kasi gusto ko lang namang malaman lahat. Kung pano namatay yung ate ko, kung anong naging buhay niya. Wala ba akong karapatan malaman yun lahat?"
sabi ko.

"Andaming gusto kong itanong pero ni isa sa inyu walang sumagot. Ang sabi niyo hindi niyo alam kong bakit namatay yung ate ko. Hindi niyo ba talaga alam o nagsisinungaling na naman kayo sa akin. Please I want to know the truth" dagdag ko. Naghina na yung katawan ko sa kakaiyak, inalalayan na ako ni Zero paupo sa sofa.

Halatang nagdadalawang isip silang magsalita.

"Queen, stop crying" concern na sabi ni Kuya Slight.

"Kuya bat ka naglihim sa akin" hikbi kong sabi. Para na tuloy akong bata nito.
"Bat di mo sinabi sa akin na girlfriend mo pala dati si Ate" matapos kong sabihin yun ay sorbang nagulat si Kuya. Lumapit siya sa akin.

"Who told you that?" tanong nito.

"Hindi na mahalaga kung san ko nalaman. Gagawin ko ang lahat malaman ko lang lahat ng mga nililihim niyo. Kaya wag niyo akong pipigilan" pagkatapos kong sabihin yun ay pumasok na ako sa elavator at pumunta sa kwarto. Susundan pa nga ako ni Zero pero pinigilan siya nila Kuya.

Hanggang ngayon wala paring tigil yung pagpatak ng luha ko. Nasasaktan parin ako sa mga nalaman ko. Na disappoint ako sa kanila.

Kanina pa ring ng ring yung phone ko, ni isang tawag ni Zero ay wala akong sinagot. Alam kong wala siyang kinalaman dito pero kasi wala ako sa mood na makipag usap sa kahit kanino.

Napatayo ako sa gulat ng may parang nalaglag sa terrace ng room ko. Hala baka magnanakaw to, kung kailan wala ako sa mood ngayon pa to mangangambala. Wala akong maisip na ihampas sa kanya kaya pepper spray nalang ang kinuha ko. Dahan dahan akong sumilip, at binuksan yung pinto.

"WAAAHHHH MAGNANAKAW!" sigaw ko. Kita kong basang basa na siya at panay daing nito dahil sa ang anghang nalagyan ata yung mata niya.

Huminahon ako at dahan dahang sinilip yung mukha niya.

"Zero?" tawag ko dito.
Inalis niya yung kamay sa pagkakatabon sa mukha niya. Hindi na masyadong maibuka yung mata niya dahil sa pepper.

"Val tubig" sabi niya. Confirmed si Zero nga. Hinila ko agad siya papunta sa banyo. Agad naman itong naghilamos.

"I'm sorry, masakit pa ba?" tanga malamang masakit, wala parin kasi siyang tigil sa paghilamos.
"Val what's wrong kulang nalang inumin mo lahat ng tubig . Kanina ka pa diyan" sabi ko.

"Kumuha ka ng jacket" utos niya. Naguluhan tuloy ako kung anong gagawin niya sa jacket. Nilalamig ba siya? Ay baka ipupunas.

"Tuwalya nalang Val, wait kukuha ako" sabi ko.

"Sigurado ka? Ayy basta ikaw bahala" ginulo niya yung buhok niya. Namumula parin yung mata niya pati yung tainga.
"Alis na Val" sabi niya. Ang weird ng kinikilos niya hindi nga niya ako kayang tingnan, galit pa ba siya sakin. Kung galit siya bat siya nandito. Hayyyss ang gulo ni Zero.

Natigilan ako ng makita ko yung repleksyon ko sa salamin. Waaahhh! Ngayon alam ko na kung bakit niya ako inutusang kumuha ng jacket. Nakakahiya nakapangtulog pala ako, ang masaklap pa walang akong bra. Dali dali akong nagsuot ng jacket at kumuha ng tuwayla.

Nakalabas na siya ng banyo at naabotan ko siyang tinitingnan yung buong kwarto ko. Napalingon siya sa akin.

"Akin na yung jacket" nanunuksong sabi niya.

"Pervert" sabi ko sabay hagis sa kanya yung tuwalya.

"Sabi mo yan nalang yung ipupunas ko" natatawang sabi niya.

"Bilisan mo na diyan at umalis ka na" sabi ko. Ngumiti siyang lumapit sa akin, napa atras tuloy ako.

"Bat di mo sinasagot yung tawag ko?" seryosong tanong niya. Napalunok tuloy ako, sabi na galit siya.

"Wala ako sa mood, I'm sorry. Bukas na tayo mag-usap" lumungkot yung mukha niya sa sagot ko.

"Hindi mo ba ako namiss?" Tanong niya.
"Nakalimutan mo na ba?" dagdag niya. Anong ibig niyang sabihin?

Magsasalita pa sana ako ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Parang siyang bata.

"Val" bulong niya habang yakap parin ako.

"Oohh" sagot ko.

"Happy Monthsary" sabi niya. Agad kong tiningnan yung oras. 12 am na pala, Monthsarry na namin. Kaya pala siya nandito. Ewan ko dito kay Zero pag Monthsary namin o kaya Anniversary 12 am talaga siya nag gre-greet sa akin. Humiwalay ako sa yakap niya.

"Para kang bata, anong nakalimutan bat ko naman makakalimutan yun. Sadyang hindi ko lang natingnan yung oras." sabi ko. Napangiti siya sa sinabi ko. Pinisil ko yung ilong niya.
"Happy Monthsary Val, uwi ka na" pabiro kong sabi. Nag pout siya. Nakakatawa lang kasi sa akin lang siya ganto. Ang sungit kaya niya sa iba, kaya swerte swerte ko sa kanya.

"I love you" sabi niya. Ngumiti ako.

"I love you" sagot ko.

"Iuwi nalang kaya kita sa amin" pabiro niyang sabi.

"Kung palabasan kaya kita ngayon na" sabi ko.

"Di Val biro lang, how are you? Halatang kanina ka pa umiiyak. Sabi ko naman sayo pag may problema ka nandito lang ako. Hindi yung pati ako tinataboy mo." sabi niya. This time ako na yung yumakap sa kanya.

"Thank you Val. Please wag kang mapagod sa akin" sabi ko. Humiwalay siya ng yakap at hinalikan ako pero smack lang.

"Hindi ako mapapagod sayo, sana ikaw rin" sabi niya. 

"Uwi ka na" sabi ko. Tumango siya. Siguro naman tulog na sila Dad ngayon. Sa hagdan ko nalang siya padadaanin baka magtaka si Dad na may gumamit ng elavator ngayong oras.

Hawak kamay kaming bumaba ng hagdan. Sa likod narin kami ng bahay dumaan. Marunong naman tung umakyat, suki naman to ng pader noong hindi pa kami. Natatawa tuloy ako habang inaalala yun.

"Ingat ka ha" paalam ko sa kanya. Imbes na umakyat na siya ay lumapit pa ito sa akin at hinalikan ako. This time hindi na siya smack. Tumugon ako sa halik niya.

"Nakakadalawa ka na" awat ko sa kanya.

"Pero nagustuhan mo naman, nakulangan kasi ako sa smack kanina. Natatakot akong halikan ka pa sa kwarto mo baka kung san pa mapunta" nasapak ko siya sa sinabi niya. Luko talaga to, ang hilig mang asar.

"Baliw, alis na"

Officially His Property [COMPLETED]Where stories live. Discover now