Chapter 15

511 33 3
                                    

Walang tigil parin yung pag-iyak ko. Pilit akong nilalapitan ni Zero pero lumalayo ako sa kanya.

"Val please stop crying I can explain" pagmamakaawa niya. Diko ko alam kong ano pa kayang explanation ang gagawin niya upang maintindihan ko siya. Halata namang di edited yung photo. Bat sila magkasama? Gosh naguguluhan na ako.

"No you can't" sabi ko sa kanya. Diko na kayang humarap pa sa kanya.
"I want to go home, please lang Zero wag mo akong sundan." mahinahon kong sabi. Tumalikod ako pero hinawakan niya yung kamay ko.

"Please Val lets talk" pagmamakaawa niya, this time umiyak na siya. Mas lalo pa akong umiyak. Inalis ko yung kamay niya at humarap ako sa kanya.

"Promise kakausapin kita pero not now, okay" tumango siya. Kaya umalis na ako. Nagpasundo nalang ako kay Manong pero inayos ko na muna yung sarili ko para hindi halatang umiyak ako.

Pagdating ko sa bahay wala pa sila Mom, kaya dumiretso agad ako sa kwarto ko. Panay vibrate yung phone ko. Kaya binuksan ko, tadtad ako ng text ng mga barkada ni Zero. Saying na mag eexplain daw sila, but I still ignore them.
Tinignan ko ulit yung photo. Si Zero at isang babaeng diko kilala magkasama sa isang bar. Sobrang lapit nila sa isa't isa. Tumulo na naman yung luha ko. Ang sakit lang, sa dalawang taon naming magkasama never akong nakakitang may kasamang babae si Zero except sa family niya. Never din siyang pumunta ng bar ng hindi nagpaalam sa akin. Pinapayagan ko kasi siyang mag bar basta sila Eon yung kasama niya. Alam ko na naman kasing babantayan niya si Zero. Mga loyal yun sa akin kaya magsusumbong yun pag may ginawang mali si Zero. Pero ngayon silang lahat naglihim sa akin.

"Princess, hey wake up" dinig kong sambit ni Kuya Light. Hala nakatulog pala ako sa kakaiyak.
"Umiyak ka ba? " patay nahalata niya ano bang idadahilan ko?

"Oo ang sakit kasi ng puson" pagdadahilan ko.

"masakit parin ba? " tanong niya.

"hmmm hindi na, uminom na din kasi ako ng pain killer" sagot ko.

"okay that's good, baba na tayo kakain na" tumayo na ako at sabay kaming lumabas ng kwarto. Ilang hours din pala yung tulog ko. Mabuti nalng at naniwala si Kuya. I'm sorry Kuya but I promise sasabihin ko din ang lahat very soon.

***

Andaming bulong bulungan ang narinig ko sa campus. Puro curious kung sino raw yung kasama ni Zero sa bar. Medyu natawa nga ako may nag sabing parang bakla daw yung babae, medyu malaki kasi yung braso niya.

Bago ako pumasok sa first class ko ay pumunta muna ako sa locker para kunin yung book ko. Balak ko sanang pumunta sa office pero wag nalang alam ko kasing nandun si Eon. Ayaw ko na munang makita sila. Sa dami ng text at tawag nila ni isa wala akong sinagot.

"Sino kayang nagbura ng picture nila, sayang maniniwala na sana ako kung nakita ko lang ang picture ang galing kasi ng hacker ni isang litrato walang natira." dinig kong sabi ng isang babae. Ano kayang picture yung tinutukoy niya? Awat na nga mukhang ang chismosa ko na ngayon.

Napahinto ako ng nakasulubong ko sila. Isang tao agad ang hinanap ng mata pero wala siya. Akala ko ba gusto niyang mag-usap kami bakit parang wala siya. Sayang handa na sana akong makinig sa kanya.

"Skynie were sorry" mahina nilang sabi. Ang lungkot nilang lahat. Malapit na namang tumulo yung luha ko.
"Di namin sinasadyang masasaktan ka pala sa picture na yun" Naguluhan ako sa sinabi ni Eon.

"Kung gusto mong malaman ang lahat may senend kaming video sayo, mamaya mo nalang tingnan pag wala na kami" natatawang sabi ni Kris. Lalo akong na curious, kanina ang lungkot nila pero ngayon parang natatae sila sa kakapigil nila sa pagtawa.

"Please Skynie wag mong ikalat yung video maawa ka" pagmamakaawa ni Eon.

"alis na kami, sorry ulit" paalam nila sa akin.

Dahil sa 30 minutes pa bago mag simula yung klase ko ay naisipan kong tingnan muna yung video na tinutukoy nila, kagabe pa pala nila ito senend sa akin.

"ang sagwa wag mong kapalan yung foundation"

"Ooohh ang ganda mo na Pare, pwede na kitang maging Yaya. HAHAHAHA"

"Shut up, pag talagang may makakilala sa akin na ako tuh papatayin ko talaga kayo. Aagawin ko talaga si Skynie sayo."

"Kapalan niyo pa yung make up"

Naguguluhan ako kung tatawa ba ako o iiyak, yan kasi di ko kasi siya pinakinggan. Si Eon pala yung nasa picture. Pero naguguluhan parin ako kung bakit nila ginawa yun. Trip lang ba nilang saktan ako? Hayyss ang gulo.

Nagvibrate yung phone ko, nag text si Vance.

"sorry again Skynie kung naguguluhan ka parin you can ask Zero. He'll gonna explain everything. By the way he's in his condo. LOVESICK😂"

Narinig kong nag bell pero bahala na gusto kong makita ngayon si Zero. Kailangan ko siya alagaan malamang ako ang dahilan kong bakit siya nagkasakit. Nagpabaya na naman yun sigurado.

Nandito na ako ngayon sa door niya. Kanina pa ako nagdodoor bell pero wala pa ring bumubukas. Kaya tinype ko nalang yung passcode 1210** which is our anniversary.
Kahit may sakit siya ang linis parin ng condo niya. Mas maarte pa nga sakin yun. Pinuntahan ko agad siya sa kwarto niya.

Nakita kong nakahawak siya sa phone niya habang natutulog. Hinawakan ko yung noo niya. Grabe ang init niya.

"Val hey wake up" niyogyog ko siya ng mahina. Napadilat siya, tinitigan niya ako.

"Am I dreaming?" tanong niya.

"uminom ka na ba ng gamot?" tanong ko. Hindi parin siya kumibo.

"Epekto siguro tuh ng lagnat ko" sabi niya at tinalikuran ako.

"Val tinatanong kita" niyogyog ko siya ulit. Lumingon siya sa akin.

"Your real?" hindi na ako nakasagot dahil niyakap niya ako. Sobrang higpit ng yakap niya tapos ang init niya pa. Mukhang di talaga tuh uminom ng gamot.

"Kunin ko na muna yung gamot mo" sabi ko at inalis ko yung kamay niyang nakahawak sa akin. Pero hinila na naman niya ako ulit. Hayys ang kulit.

"Dito ka lang" parang batang sabi niya.

"babalik ako kukunin ko lang yung gamot mo, bitaw na Val" paliwanag ko. Pero di parin siya bumitaw sa halip ay niyakap ako ng patalikod.

"sama nalang ako" seryoso ang lapit lang kaya ng lagayan ng gamot tapos sasama pa siya. Hayyss mukhang kailangan ko ng masanay ganito kasi si Zero pag may lagnat parang bubble gum kung maka dikit sa akin.
Hindi nalang ako nagreklamo at hinayaaan ko nalang siyang nakayakap habang patungo kami sa lagayan ng gamot. Pagkatapos ay pinaupo ko siya sa kama. Wala siyang imik at panay titig niya sa akin. Tumalikod ako upang kumuha ng tubig sa kusina pero hinawakan na naman niya yung kamay ko.

"Kukuha lang ako ng tubig, diyan ka lang" umayaw siya.
"Val" awat ko. This time hinayaan niya nlng ako.

"Val I'm sorry" paghingi niya ng tawad sa akin. Tumabi ako sa kanya, humarap ako at niyakap ko siya.

"Ssssshhhhh bukas na natin pag-usapan yan pag okay ka na. Ngayon kailangan mo munang kumain para makapagpahinga ka na" sabi ko.

"Kakain lang ako pero di ako matutulog, baka paggising ko wala ka na. Please don't leave me Val" napangiti ako sa sinabi niya.

"Mamaya pa naman ako aalis, kaya matulog ka na muna. Okay? " sa wakas tumango rin siya.

Pagkatapos niyang kumain ay inayos ko yung kama niya para makatulog na siya.

"Sana di nakakahawa yung lagnat" mahina niyang sabi.

"bakit?" tanong ko. Tumayo siya at nilapitan niya ako.

"coz I want to kiss you"

Officially His Property [COMPLETED]Where stories live. Discover now