Chapter 47

307 14 4
                                    

A moment of silence, hindi ako makaimik sa sinabi niya. Dun lang ako nakagalaw ng biglang kumidlat. Napasigaw ako sa sobrang lakas. Buti naman hindi to Pilipinas siguro kanina pa nawala yung kuryente.

Lalapitan sana ako ni Zero pero lumayo ako, pumasok nalang ako sa guest room at nilock yung pinto. Ang lakas ng tibok ng puso ko at naluluha na ako. Katok ng katok ni Zero sa labas pero hindi ko pinapansin.

"Hey, are you okay?" Tanong nito, nalilito ako kung para saan ba yung tanong niya, dahil ba sa kidlat kaya niya ako tinatanong or dahil ba nakita niyang naiiyak na ako kanina. I don't get him, nung dumating siya parang hangin lang ako sa kanya. Ni hindi nga niya ako kinakausap except kung about sa project. Tas sasabihin niyang nagseselos siya?

"Open the door, let's talk" sabi na naman niya.
"Namimiss ka na nila" mahinang sabi niya pero narinig ko parin. Lumapit ako sa pinto at umupo doon. Si Zero umiiyak.

"I don't know where to start, I've been following you since I've recovered from the operation. Nung nagising na ako ikaw agad hinanap ko, pero wala ka." Walang tigil na sabi niya.

Umiiyak na din ako. Akala ko pag iiwas ako sa kanya titigilan na din niya ako. I don't deserve this man. Dapat kasi galit siya sa akin kasi iniwan ko siya eh.

"Alam kong anlaki ng kasalanan ng Dad ko sa ate mo at habang buhay ko yung pagdudusahan. Galit ka pa din ba sakin?" Nag crack yung boses niya.

"Val Imissyou" iyak niyang sabi. Ilang taon ko na palang hindi naririnig yung cs namin. Ganon pa din yung effect nito sa akin. Mahal na mahal ko parin tung lalaking to.

Hindi ko na mapigilan yung sarili ko. Binuksan ko na yung pinto at naabotn ko siyang umiiyak habang nakaupo sa sahig. Umupo nadin ako at niyakap siya.

"I'm sorry" yan lang tanging nasabi ko sa kanya. Pareho kaming humihikbi. Ito yung yakap na matagal ko ng hinahanap.

Kumawala siya sa pagyakap sakin at tinitigan ako, pinunasan niya yung luha ko at hinalikan yung forehead ko.
Napapikit ako sa ginawa niya.

"Iloveyou" sabi niya bago hinalikan yung labi ko. Pareho kaming naghabol ng hininga ng matapos yung halik. Tinulongan niya akong tumayo. Niyakap ko siya ulit.

"Iloveyou" sabi ko dito. Umabot ata ng ilang minuto kaming magkayakap. Miss na miss ko na talaga siya.

Sabay kaming tumawa ng tumunog yung tiyan ko, kanina pa pala ako nagugutom. Magkahawak kamay kaming pumunta sa kitchen. Pansin ko lang ang daming pagkain dito, eh wala naman to dati.

Malakas parin yung ulan sa labas, tiningnan ko yung dagat kanina baka kasi lumaki eh, mabuti naman at hindi.
Simula pala nung gumaling si Zero gulay na palagi niyang kinakain, kaya gulay yung niluluto niya ngayon. Marunong na din pala siyang magluto. Nalungkot ako bigla, sana kasi andun ako sa panahong yun.

Pagkatapos naming kumain ay sabay kaming nag ikot sa buong rest house, para eh check yung mga pinto baka hindi na lock.

Ayaw parin niyang bitawan yung kamay ko. Tas panay tawag niya sa akin ng Val kahit wala naman siyang sasabihin. Ang kulit lang.

At yun na nga lock yung ibang room dito, yung isang room lang yung bukas. 

"Sa sofa nalang ako matutulog Val" sabi nito.

"Kasya naman tayo sa kama, tabi nalang tayo" sabi ko dito, namula si Zero sa sinabi ko. Ngayon ko lang realize yung sinabi ko kaya pati ako nahihiya na.

"Sige" mahinang tugon niya. Naunang humiga si Zero. Wala na akong magagawa, yaan mo na malaki naman yung kama.

Pareho kaming nakatingin lang sa kisame.

"Should I turn off the lights?" tumango lang ako. Nagulat ako ng bigla akog niyakap ni Zero.
"Relax, I just wanna hug you." Sabi nito, kaya hinayaan ko nalang ito.

"Val" tawag ko sa kanya, baka tulog na ito, nakatalikod kasi ako sa kanya habang yakap yakap niya ako. Walang sumasagot kaya humarap ako sa kanya.

"Wag mo na akong iwan ulit Val" sabi nito, tumango lang ako at niyakap nadin siya.



***
Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may pumipisil sa pisngi ko.

"Good morning my Sunshine" bati nito sa akin at hahalikan na sana niya ako pero tinalikuran ko siya. Nakakahiya ang baho ata ng hininga ko.

"Don't worry Val kanina pa kita hinahalikan" nang aasar na sabi niya. Humarap ako sa kanya pero ayun ang lapit na pala ng mukha niya sa akin. Mas lalo pa siyang lumapit at hinalikan na ako.

"Good morning, ang aga mo atang nagising" bati ko sa kanya at tumayo na ako papuntang cr.

"I can't sleep, baka paggising ko wala ka na sa tabi ko. Natatakot ako na baka panaginip ko lang to" sagot niya.

"I won't leave you again, I promise" sagot ko dito bago ako pumasok sa cr, ngumiti siya sa akin.



Para akong tangang nakangiti sa salamin ngayon. Iba talaga yung epekto ni Zero sa akin. Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako, uuwi na kasi kami ngayon ni Zero kukunin yung kakailanganin tas babalik lang kami mamaya para ipagpatuloy yung trabaho.

"Hey are you okay?" Tanong ko dito, para kasing may bumabagabag sa kanya. Nag nod lang siya at sumakay na kami sa kotse. Buong byahe wala siyang imik pero panay tingin siya sa akin tas nakangiti, parang timang lang.

"Iloveyou" rinig kong sabi niya.
"Thank you" dagdag nito.

"Para saan yung thank you?" Tanong ko.

"Kasi hindi ka naghanap ng iba, akala ko kasi may pamilya ka na"sabi nito.



"Akala ko nga din may anak ka na" natatawang sabi ko.


"Wala pa, hinahanap ko pa kasi yung magiging ina nila" seryosong sabi niya.
"Pwede ka ba?" Tanong nito, hindi agad ako makaimik sa tanong niya.
"Val, I'm serious. Are you willing to spend your life with me? To be exact will you marry me?" Dagdag nito. I'm speechless. Kagabi pa kami nag kaayos ah tas tinatanong na niya ako nito.

"Hey, ayaw mo?" Kinakabahang tanong niya.

"Gusto" mahina kong sabi.

"Ano? Lakasan mo"utos niya.

"Yes I will marry you Val" sagot ko, huminto yung kotse at niyakap niya ako.

"Thank you, di masasayang yung preparation" nagulohan ako sa sinabi niya. Pagkapasok namin sa mansion ay nagulat ako, para saan ba yung mga decorations?


"See you later Val" sabi niya tas umalis na siya. May lumapit sa aking babae diko kilala at pinapasok niya ako sa isang room.  Pinaupo niya ako at sinimulang ayosan ako.







"Congratulations in your wedding Mrs. Swertel"

Officially His Property [COMPLETED]Where stories live. Discover now