Chapter 16

550 30 2
                                    

"I'm sorry Val pero hindi ko parin alam kung sino ang nagkalat ng picture mo habang papasok ka sa kotse ko" paliwanag niya. May nakakuha kasi ng litrato sa akin habang papasok ako sa kotse ni Zero kaya gumawa sila ng paraan para mawalan ng atensyon ang mga students sa picture na yun at upang ma delete agad ang litrato.

Naguguilty ako habang nakikinig ako sa explanasyon ni Zero. Ginawa lang pala nila yun para sa akin. Tapos ako pa ang dahilan kung bakit siya nagkasakit.

"I'm really sorry, I don't have any idea na ganun pala ang nangyari" paghingi ko ng tawad sa kanila.

"stop apologizing Skynie, kami dapat ang mag sorry sayo" paliwanag nila.

"let's forget it, gala nalang tayo" suhestyon ni Vance. Nagliwanag yung mukha ko sa sinabi ni Vance. Sabado kasi ngayon pero nandito kami sa campus dahil inayos namin ni Eon yung schedule ng mga students para sa Pre-Lim. Dahil sa ang dami namin ay natapos na agad namin. Ako yung naatasan sa mga Architect students at si Eon naman sa Engineering. Tapos ibang students naman yung sa ibang course. Ewan ko lang sa Mom ni Zero kung bakit sa mga students niya pinapaayos yung mga schedule. If your wondering kung anong mga course nila, silang lahat nag Engineering ang talino kasi nila sa Math sila nga yung tutor ko minsan.

"San ba tayo pupunta?" tanong ko.

"Memorial Park" natawa kami sa sinabi ni Liam. Sinapak siya ni Vance.

"Tanga ano bang gagawin natin dun, magbilang ng patay" natatawang sabi ni Vance.

"huh? Ano bang sinabi ko? " naguguluhang tanong ni Liam.

"Memorial Park" sabay naming sabi.

"Tangna ang sabi ko Amusement Park " Sabi niya this time si Zero na yung sumapak sa kanya.

"watch your words, nandito si Sky" saway ni Zero sa kanya. Pinaka ayaw kasi ni Zero yung nagmumura ayaw niya kasing mahawa ako.

"I'm sorry Skynie" paghingi ng tawad ni Liam. Nagsmile lang ako sa kanya.

"Wag dun para naman tayong bata niyan" reklamo ni Vance. Sinapak siya nila Zero.

"Parang bata o natatakot ka lang" pang-aasar nila. Takot kasi si Vance sa heights.

"Val gusto mo ba dun?" tanong ni Zero sa akin tumango ako. Di naman sa parang bata pero gustong gusto ko talagang sumakay ng mga rides.

"Yun oohh, Papa Zero di mo ba ako tatanungin" maarteng sabi ni Eon.

"Pare kunti nalang maniniwala na talaga akong bakla ka" natatawang sabi ni Zero.

"Tara na nga" pinagtawanan namin si Eon at nag sialisan na kami.

"Bro dito lang ako sa inyu sasakay" sabi ni Eon. Pinandilatan siya ni Zero.

"Dun ka kay Kris" utos ni Zero. Sumimangot si Eon at tumingin siya sa akin.

"Please Skynie dito lang ako" pagmamakaawa ni Eon.
"Ayaw ko kay Kris ang boring niyang kasama" reklamo niya. Sa totoo lang ang boring nga ni Kris minsan lang nga yun nagbibiro, as what I've notice wala siya ngayon sa mood para magbiro.

"Okay" sagot ko. Nakasimangot si Zero sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Dun ka sa likod" utos ni Zero.

"Dito ka narin Skynie" masigla niya sabi. Napalingon si Zero sa kanya.
"Just kidding" dali dali niyang sabi.

"Sa likod ka nalang Val baka umiyak pa yan" napangiti ako sa sinabi ni Zero.
"Val gusto mo bang kumain ng fries?" tanong niya sa akin sabay pinaandar yung kotse. Tumango ako.

"ako rin bro" sabi ni Eon.

"May pera ka diba di bilhan mo yung sarili mo" natawa ako sa sinabi ni Zero.

"Ako ng magbabayad sa kanya Val" mahinahon kong sabi.

"No,wag mo siyang sanayan Val" para namang bata si Eon nito.

"Hayys ako na, nagmukha na akong bata nito" seryosong sabi ni Eon. Mabuti naman at alam niya.

Andaming binili sa akin si Zero na fries. Sa wakas tumahimik narin si Eon basta talaga may pagkain tatahimik siya. Di narin ako kinakausap ni Zero, baka ano pang masagot ko sa tanong niya sa akin. Ganyan kasi ako pagkumakain ng fries ayaw kong madisturbo.

Nagtaka kami ng huminto si Zero kahit wala pa kami sa Amusement Park.

"Bakit Val" tanong ko. Lumingon siya sa amin.

"Uminom ka muna ng tubig" sabi niya sabay abot ng tubig sa akin. Yun lang pala akala ko kung ano na.

"Thank you"

******

"Ano ba bitawan niyo ako, sabing ayaw kong sumakay. Ano ba, Skynie help me" pagmamakaawa ni Vance, kanina pa kasi siya niyayaya nila Eon. Para silang mga batang naghihilaan, nakakapit pa nga si Vance sa upuan para lang hindi siya mahila.

"Ang bakla mo naman bro, tara na. Andami ng nakatinging mga chicks di ka ba nahihiya?" natatawang sabi ni Liam.

"La akong paki, basta ayaw ko" reklamo ni Vance.

"Ayaw mo ha, mga Part ano pang hinihintay niyo buhatin na" utos ni Eon. Nagsilapitan sila kay Vance except kay Zero at Kris.

"Shit, bitawan niyo ako" sigaw ni Vance. Kahit anong sigaw ni Vance wala parin siyang nagawa, ayaw talagang sumakay. Tapos sa Galactic pa siya dinala nila Eon. Pinaka ayaw ko talaga yung galactic, di nga rin ako pinapayagan ni Zero sumakay dun baka mapano raw ako.

"San mo gustong sumakay Val?" tanong niya sa akin.

"Hmmm kahit saan"

Napili naming sumakay sa Ferris wheel. Tamang tama kasi malapit ng lumubog yung araw.

"Val" tawag niya sa akin.

"Bakit? " tanong ko. Hinawakan niya yung kamay ko.

"Pwede bang pag nag away tayo pakinggan mo muna ako, ayaw ko kasing matulog ng di pa tayo nagkakaayos" mahinahong sabi niya.

"I'm sorry, I promise makikinig muna ako sa explanasyon mo sa susunod" sagot ko. Ngumiti siya.

"Anong sa susunod?" pinitik niya ng mahina yung noo ko.
"gagawin ko ang lahat wag lang tayo mag away" dagdag niya.

"Okay, di na kita aawayin" nagsmile ako sa kanya.

"Still remember the punishment?" hala oo nanalo pala siya nung nag arcade kami. Anong kayang punishment ko.

"Oo"

"punta tayo bukas sa bahay" nagulat ako sa sinabi niya.
"No its not what you think" dagdag niya.

"you mean sa bahay niyo? Hindi sa condo? " tanong ko.
"Don't tell gagawin mo akong maid niyo" dagdag ko.

"their's no way I'm letting you do that" reklamo niya.

"so ano? " tanong ko. Napatingin ako sa sunset, ang ganda.

"I'll introduce you to my family"

"okay, Val ang ganda ng sunset" tumingin ako sa kanya. Ngumiti siya kanina pa pala siya nakatitig sa akin.

"Nag okay ka na wala ng atrasan ha" anong nag okay.

"Huh?"

"then it's final, I'll introduce you to my family"

Officially His Property [COMPLETED]Where stories live. Discover now