This is for Claire...

1.4K 28 0
                                    

So... 

So... wala na... wala ng nangyayaring interesting...

Di na makalapit si Prince... Well batay sarado kami ni Editor Perez eh...

Di na rin nagpaparamdam si Xander...

...... Peste!!

Bakit ganoon? Bakit pakiramdam ko ang lungkot-lungkot ko bigla? 

Ganito  ba ang pakiramdam pag di na SILA nagpaparamdam sa iyo?

O sadyang minamalas ako?

Gusto kong iuntog ng Bonggang-bongga ang ulo ko..

.....

...

..

"Oi!" narinig kong tawag ni Charlotte sa likuran ko.

Nasa parke pala ako. Hulaan mo kung saan... No need to mention... Di ko feel mag promote ng lugar sa monolugue ko... Hmph..

Nginitian ko siya (kahit pilit at peke), "O friend, bakit?"

Tumigil si Charlotte sa paglapit sa akin. Gulat ang ekspresyon. Dahan-dahan siyang lumapit sabay haplos sa noo ko.

"Wala ka namang lagnat... never pa kitang narinig EVER na nagsabi ng 'O friend, bakit?'... Sis, you're just weird," etchusera niyang sabi sabay upo ng may arte sa tabi ko.

Napadighay ako ng wala sa oras. Sinusupsop ko kasi yung coke na nasa can na umagos papunta sa bunganga ko gamit ang pulang straw. Dapat bubuntong-hininga ako pero epic fail. Biglang tinapik ni Charlotte ang likuran ko.

"Wagas ah! May amoy pang kasama," komento niya sabay labas ng libro ni Bobby O.

Napatingin ako sa libro saglit bago hinablot sa aking kaibigan. Tinignan niya ako ng paninigurado.

"Di mo pa nabasa iyan, no?" tanong ni Charlotte sabay tingin sa akin ng 'kilala-kita-look'.

Umiling na lang ako at hinahayaan na hagurin ng aking mata ang cover ng libro. Ng walang ano-ano'y nagsalita muli si Charlotte.

"Yung totoo, masyado kang nadidistract sa mga nangyayari ngayon, no?"

"Halata ba?" sagot ko na may halong sarcasm, ngunit di ata tumalab.

Ngumiti na may halong awa si Charlotte, "Nalaman ko na linipat ni Editor Perez ang desk mo sa opisina niya para mabantayan ka niya at para di ka malapitan ni Prince," huminto muna siya at luminga-linga, naniniguradong walang makikinig na iba, "Sobrang obsess niya."

Napangiti ako. Konti lang. Totoo naman kasi yung sinabi niya eh. Parang obsess si Editor Perez kay Prince. Dahil ayaw ko ng halungkatin ang love life ko, binuklat ko ang libro. Napamulat ako sa nabasa ko.

This is for Claire...

Huh? Claire? Nabasa ko na ito, ah...

Flashback (sa hotel room ni Xander noong una at huli naming date)

"So tapos mo ng basahin?" tanong ni Xander habang palapit sa akin sa kama.

"Kakaabot mo pa lang po sa akin ng laptop, paano ko po mababasa agad," tanging na-i-sagot ko.

Narinig ko siyang umubo... ng pilit... na parang ikinukubli ang kahihiyang kanyang kinaharap. (Ang lalim ah!)

Hunting Bobby O.? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon