When your hearts go BOOM!

2.8K 67 3
                                    

"So what do you want to do with your steak? Medium-rare? Grilled?" Narinig kong tanong ni Prince na nasa harapan ko. Medyo blanko pa ako. Sa totoo lang hindi ko siya haharapin kong di ko narinig ang boses niya.

... Oo, mas pinili kong samahan si Prince kaysa kay Charlotte. Hindi naman dahil gustong-gusto ko ng maranasan ang DATE, pero pinilit ako ni Charlotte. Masakit rin yun ah. Sandali, rineword ko ang dapat kong sabihin. Ehem... pinag-kukurot kaya ako ni Charlotte hanggang pumayag ako na sumama na lang kay Prince, kaya nga medyo blanko ako sa date namin ngayon dahil hinahaplos ko yung namumulang pasa ko.

"Are you alright?" narinig ko muli ang tinig ni Prince, mukhang nag-aalala.

"Oo, ayos lang ako... Kahit Grilled na lang yung steak ko. Di ko take ang medium-rare," sagot ko para mapawi ang pag-aalala sa mukha ni Prince.

Kaagad naman niyang hinarap ang waiter na naka-attire ng white long sleeves na nakaparehas sa black slacks niya at black neck-bow. Naka-90 degrees angle ang kanang braso nito habang may nakasamapay(?) na puting panyo(?) dito. Medyo pinikit ko ang aking mga mata dahil medyo naasiwa ito sa medyo vintage white na color na linalabas ng lightbulb(?). Lahat na lang may (?), halatang di ko sure ang mga pinagsasabi ko. Napatingin ako sa labas. Ang mesa namin ni Prince ay katabi lang ng malaking glass window kung saan kitang-kita mo lahat ang dumadaan, mapa-tao man o sasakyan.

"Are you sure your fine?" ulit na tanong ni Prince. Napatingin ako sa kaya at ngumiti.

Ngumiti siya bilang ganti. Tas ng walang ano-ano'y biglang namatay ang ilaw! WAHH!! Sabay sabay na hiyaw ng mga gulat na customer. Narinig na lang namin ang isa sa mga waiter na nagsabi na nasira daw ang generator nila kaya mag-antay na lang daw kami saglit dahil innayos pa. Madilim man, tuloy pa rin ang usapan ng mga tao. Para silang mga bubuyog, mahina pero nakakairita. Linapag ko ang mga kamay ko sa mesa, kinakapa kung nasaan ang baso ng tubig ko. Pero kaysa baso ang nakapa ko, kamay ang nahawakan ko.

"Umm... kamay mo ba 'to?" tanong ko kay Prince.

Hindi ko alam kung nanaginip ako, o nag-hahalucinate o kaya nasisiraan na ng ulo ko, pero nakitang kong kuminang ang mga mata ni Prince.

Sumagot ito, "Oo, kamay ko ang hawak mo."

Sandali! Tama ba ang narinig ko? Nag-filipino si Prince. Ang weird naman ata. Englishero si Prince eh. Si Prince ba talaga ito. Pero sa huli, nalaman ko na talagang si Prince iyon at tinutupak lang ako. Naramdaman kong pinatong niya ang kamay niya sa kamay ko at unting-unting kinulong sa palad niya. Wala akong maramdaman. Walang ano-ano'y bumalik na ang ilaw. Kaagad kong binawi ang aking kamay. Halatang nagulat si Prince sa ginawa ko, pero ginawa ko lan iyon dahil nakakailang.

"Excuse me, punta lang ako sa ladies' room," pagrarason ko ng hindi ko na makayanan ang weird na katahimikan namin. 

Nagmadali ako. Hindi na ako tumingin. Bigla ko na lang naririnig ang sarili ko na nagkokomento sa ginawa ko. Halatang tinutupak na talaga ako. Dahil bulag ang aking paningin dahil sa kakaisip sa nangyari, nabangga ko tuloy ang isang matangkad na lalaki. Buti at walang natumba sa amin. 

"Sorry," pag-uumanhin ko, di ko na siya tinignan sa mata. Ayaw ko rin niyang makita ang mukha ko. Nakakahiya.

"Ayos lang," narinig ko ang boses niya. Mababa pero, ang sarap pakinggan. 

Lingid sa aking kaalaman, unting-unting ko na palang tinitignan yung lalaki. Kailangan ko pang ianggat ang ulo ko kunti dahil napakatangkad ng lalaki, halos sa balikat niya lang ako. Pero kung kailan ko na makikita ang mukha niya doon pa siya lumingon sa likuran niya at umalis. Ngayon ko lang naramdaman ang pakiramdam na SAYANG! Sa kanyang pag-alis naiwan sa akin ang amoy ng kanyang pabango. Hindi masyadong mabigat at tamang-tama lang. Maalala ko pa ang pula nitong tight knitted sweather. Hapit sa maganda niyang katawan. Hay... Sandali, bigla na lang akong may nararamdaman. Ano ito? Parang bumagal ang tibok ng aking puso? Di ba dapat bumibilis? Kahit nawala na siya sa aking paningin, naalala ko pa ang kanyang anyo. Matangkad, maganda ang katawan (yeah right!), at ang malago nitong maitim na maitim na buhok. Pakiramdam ko tuloy, hindi na ako makahinga.

"Ma'am ayos lang kayo?" narinig ko ang boses ng waiter sa tabi ko. Napansin niya ata akong nahihirapan huminga. Alangan naman sabihin ko sa kanya na may ANGHEL NG KAGWAPUHAN na dumating kaya ako nagkakaganito, parang tanga lang.

"Ayos lang ako. Medyo emm... sinusulit ko ang hangin dito sa loob ng restaurant niyo, kasama rin ito sa bill namin eh..." nonsense kong sagot. Wala na kasing pumapasok sa ulo ko. Hangin na lang.

"Si Ma'am oh, trying hard magpatawa. Sige Ma'am, i-call niyo lang po ang attensyon ng staff pag may kailangan kayo," pagtatapos ng waiter at sa wakas iniwan ako.

Dali-dali akong bumalik sa table namin. Nakita ko si Prince. Naglalaro ng Candy Crush Saga sa iPhone niya. Na-bored ata sa kahihintay. Sorry naman.

"Sorry, Prince huh? Medyo maraming tao sa CR," pagsisinungaling ko.

Ngumiti lang siya sa akin. Sakto naman dumating na ang order namin. At oo, lumipas ang oras, kahit nag-uusap na kami ni Prince at nagkakasiyahan, ang utak ko ng oras na iyon ay lumilipad, ninanamnam ang oras noong nakita ko ang lalaking di ko man nakita ang mukha eh nagpatibok ng "mabagal" sa puso ko.

*__________________________________*____________________________*_______________*

Nga-nga...

...

..

.

Yun lang ang nagawa ko. Tuloy-tuloy pa rin sa pag sermon sa akin si Charlotte. Naikwento ko ang date ko sa kanya kagabi. Pero di ko kwinento ang lalaking nakabangga ko. Baka sabihin niyang naka-drugs ako dahil hindi ko naman nakita ang mukha ng lalaki eh hindi mawala-wala sa isipan ko.

"Darling, sana nag-effort ka naman na tumawa kahit corny ang jokes niya," ang narinig kong sabi ni Charlotte ng bisitahin na ako ng sarili ko.

"Corny nga di ba?" resbak ko na lang.

Kaagad akong sinuntok ng mahina sa ulo ni Charlotte.

"Hay naku... kung di lang kita kaibigan, Marie, sana pinatapon na kita sa dagat. Wa ka poise! Paano mo siya mapapasayo kung napaka-garapa ng style mo. Get's mo ko? You need to respond to his affection,"

Di ko alam pero pakiramdam ko malapit ng dumugo ang ilong ko sa huling sinabi ni Charlotte... Oh well...

"Charlotte, change topic muna, kumusta pala ang  investigation mo kay Bobby O.?" tanong ko para tumahimik na siya sa di matapos-tapos niyang sermon.

Bigla naman sumeryoso ang mukha nito, "Wala akong makalap," Medyo naglapit ang kilay ko, nagpatuloy siya, "Pero may last idea ako kung saan tayo makakakuha ng impormasyon. Sa publishing house kung saan siya naka-kontrata."

Pumalakpak na lang ako. Tama naman. Sigurado na ang mga tao sa publishing house kung saan siya naka-kontrata ay siguradong kakilala niya o nakakakilala sa kanya.

"So tara na," biglang yaya ni Charlotte.

Tumango na lang ako.

__________________________________________________________________________

WooOooh Tuloy-tULoY ang Update!!! Please Support, GIve IT a STAR and LEAVE ANY cOmMenTS beLOW...MUCh AppReciAted

_tagalog_ 

Hunting Bobby O.? [COMPLETED]Where stories live. Discover now