That?

1.5K 34 2
                                    

"Oh Marie," tawag sa akin ni Mama ng makita akong palabas ng bahay, buhat-buhat ang makapal na envelope na naglalaman ng articles na ipa-pass ko kay Editor Perez. Medyo napatango ako, naghihintay na ituloy niya ang kanyang sasabihin.

"Aalis ka? Akala ko on-the-hunt kayo kay Bobby O.," saad ni Mama sabay haplos ng kamay niya sa hello kitty apron. Naghuhugas siya ng plato. Halata.

Medyo natigilan ako nang sinabi ni Mama yung pangalan ni Bobby O. Naalala ko tuloy si Xander at yung nangyari...

...

...

Ikwekwento ko pa? Wow grabe naman iyan...

Sige... siya sige...

...

...

Pagkatapos ng simple naming dinner, parang gentleman na pinasakay ako ni Xander sa kanyang sasakyan. Para akong ice statue na di makagalaw sa passenger's seat. Pakiramdam ko, humihigpit ang seatbelt. Pakiwari ko... di ako makahinga... napapikit ako pagkatakbo ni Xander sa kanyang sasakyan.

"You alright?" narinig kong tanong ni Xander.

Nakapikit pa rin ako at tumango na lang. Dalawang beses ata akong napalunok. I am not prepared! Peste! Wrong timing! Why oh why? Why now?! Narinig kong biglang tumawa ng mahina si Xander. Napamulat ako. Pinaparada niya na ang kanyang sasakyan. Ang lapit lang pala... sayang di na naman mahaba ang monologue ko.

"You seems scared? First time?" ngisi ni Xander sabay alis ng kanyang seatbelt pagkapatay niya sa makina ng sasakyan.

Parang inosenteng bata, tumango ako ng mabilis habang mulat na mulat ang aking mata. Fast forward, nasa loob na kami ng hotel. Di ko na sasabihin ko saan. My free advertising pa sila dito sa monologue ko... NO..NO..NO WAY!... Nakikinig ako sa usapan ng desk officer at ni Xander. Mukhang nagpareserve pala ito ng room beforehand. So meaning... balak niya talaga ito. So meaning... may pagnanasa siya sa akin... este... Peste! So... Maniac talaga siya?... Tahimik ko lang siyang sinundan sa may elevator. Kami lang ang nasa loob. Parang konti ang guest ng hotel o kaya sadyang tulog na ang majority sa kanila. Pri-ness ni Xander ang button 27. Sa 27th floor pala ang landing namin, huh?

"I feel you're nervous," silip sa akin ni Xander sa gilid ng kanyang mata.

Di na lang ako sumagot. Kinakain na ako ng iba't ibang emosyon at pag-iisp. Tumakbo na lang kaya ako? Awkward naman... wala pa naman nangyayari eh. Tanga lang... Back-out kaya ako, pwede pa. O kaya sigaw ako kunwari rinerape ako? No, baka magharap pa kami sa korte... sure ako na mananalo siya. Peste! Bahala na.

Ding!

Nandito na kami sa 27th floor. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko... bawat tapak ko sa sahig, habang sinusundan ang lalaki sa aking harapan, parang bumabagal ang oras...

"Here's our room..." malumanay niyang sabi sabay swipe ng parang credit card sa isang security-swipe-thingy para buksan yung door. Nag-unlock yung door. Aba.. hightech! First Time eh! Binuksan niya ang pinto... di ko alam pero agad na nagsitalunan ang adrenaline ko at agad kong yinakap ang binti ni Xander.

"Sir... Sir.... hindi naman siguro pupunta sa ganitong level... Sir... maawa naman kayo sa future husband ko... sir.. pass na lang ako.. sir," agad kong drama with matching close eyes.

Naramdaman ko na hinatak niya na lang ako sa loob ng kwarto. At muli, tumalon si Adrenaline at napasigaw ako ng tulong. Naramdaman kong tinakpan ni Xander gamit ang kanyang kamay ang bunganga ko. Sa isang iglap, nasa kama na ako, nakahiga. Nakapatong siya sa akin. Nakapatong? sa akin? Natameme ako. Tinanggal niya ang kanyang kamay sa bunganga ko nang sa wakas ay tumahimik ako. Pakiramdam ko nanllisik ang kanyang mga mata. Halos hininga lang ang agwat ng kanyang mukha sa aking mukha. Akala ko iyon na... kaya pumikit ako... akala ko..

Hunting Bobby O.? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon