Beauty and the Beast... and the other Beast

1K 26 1
                                    

Type. Type. Type.


Nakaharap ngayon ako sa laptop na pinahiram sa akin ni Xander. Trip ko ngayong mag-encode ng mga bagay-bagay na di ko alam kung saan naman pupunta.

Nasiraan lang ng ulo.

Oh well. Ganito pala yung feeling na on process ka pa lang sa pagintindi sa nangyayari.

Ang weird.

Buti na lang may free Wi-Fi na service, kaya kahit papaano na-open up ko ang youtube para magpatugtog. Wala kasing laman na music o files yung laptop. Parang binura lahat. Format nga ba.

"Pst," narinig kong may tumawag sa akin mula sa nakabukas na pinto.

Napatingin ako siyempre. Para naman akong tanga pag-hindi di ba.


Si Prince.


Si Prince ang tumatawag sa akin. Nakangiti ito at may hawak na rosas. Isa lang. Isang pulang rosas. Napatingin ako doon. Napansin ko kasing namumula ang kamay niyang nakahawak doon.

"O! Namumula kamay mo," sabi ko sabay tayo at lapit sa kanya para inspeksyunin ang kanyang kamay.

Medyo nagulat ako ng napansin na hindi pa natatanggalan ng tinik ang rosas. Kaya pala namumula ang kanyang kamay. Medyo nagsisimula na rin itong dumugo. Balak ko sanang kunin ang rosas sa kanya, pero pinigilan niya ako.

"Come with me," sabi niya sa akin sabay lakad papunta sa pasilyo.

Ako naman agad sinundan siya pagkatapos kong i-lock ang hotel room ko. Medyo nakalayo na siya ng habulin ko siya sa pasilyo. May konting pasikot-sikot kaya nawala siya sa paningin ko. Peste naman oh! Bigla na lang nawala. Para tuloy magic. Nagbabakasakaling nasa dulo siya ng pasilyo kaya tumakbo ako papunta roon. Napansin ko ang fire exit. Feeling ko nandoon siya. Feel ko feel niyang magtagutaguan. Joke lang. Pagbukas ko ng pinto, isang malakas na kamay ang humatak sa akin paloob. Dahil sa sobrang bilis ng pangyayari di ko alam ang iisipin; ang gagawin. Di ko alam kung sisigaw ako o hahatawin ng fire extinguisher na malapit sa pinto. Pero bago pa ako makakilos... palayo...


may nangyaring di ko inaasahan...


Isang pangyayari na di ko alam kong ikakagalit ko...


O kaya... ikakasiya...


May labi na dumampi sa mga labi ko. May malakas na bisig na yumakap sa akin. Sa bawat hinga niya, mainit na hangin ang humahaplos sa aking mukha. Nang mapagtanto ang nangyayari... pilit kong tinutulak ang taong iyon palayo sa akin, ngunit napakalakas niya at di ako mabitawan. Di na lang ako gumalaw... nagbabakasakaling bibitawan niya rin ako.


Oo, sobrang kakaiba sa pakiramdam...


Para akong kinukuryente... pero ang init sa pakiramdam... aaminin ko parang ang tamis ng nakadamping labi sa akin...


Matamis? May lasa na pala ito ngayon...


Bakit ganito? Pakiramdam ko tumatalon ang puso ko? Bakit parang bumaliktad ang sikmura ko? Hala!


Di ko alam... pero unti-unting tumulo ang luha ko... Hindi ko alam bakit... Hindi ko alam...


Hunting Bobby O.? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon