Trapped...

1.7K 32 3
                                    

"Opo," tanging na-i-sagot ko sa tao sa kabilang linya.

Nasa sala ako ngayon, may katawag ako sa telepono. Oo, seryosong usapan. Si Editor Perez, yung boss ko, yung may crush kay Prince, tinawagan ako.

"Editor Perez, baka ho bukas na ako makapasok," muli kong wika ng di siya umimik sa huling sagot ko.

Narinig ko ang pag-buntong hininga niya, "Okay, I just anticipate that you already finished the two featured articles for the free spaces of our magazine. Delikado, ayaw natin magpublish ng issue na may blanko-blanko."

"Yes po," magalang kong muling sagot.

Wow, ang bait-bait ko pala pag si Editor Perez kausap ko. Peste! Bakit kaya hindi ko maganito parents ko? Well, di naman sila katakot-takot katulad ni Editor Perez eh, kaya oks lang.

"By the way, may seryosong pag-uusapan tayo bukas," huling wika ni Editor Perez bago niya pinutol ang linya.

Kaagad kong binababa ang telepono. Seryosong Usapan? Ano kaya iyon? Napakunot-noo ako at napakamot sa aking batok. Di ko alam, pinagmamasdan pala ako ni Papa mula sa sofa. Nagkakape ito at pasimpleng nagbabasa ng dyaryo, pero binabantayan pala ako. Napansin ko siya at minataan.

"Pa, anong problema?" agad kong tanong ng makita ang nakapagtatakang pagmamasid niya.

"Sino yun, anak? Si Prince o si DJ Hansel?" tanong ni Papa sabay baba ng dyaryong "kunwari" binabasa niya.

"Di ba nasabi ko na, na ang pangalan ni DJ Hansel ay Xander kaya huwag na kayong mag-effort na tawagin siyang DJ Hansel. Hay naku!" komento ko. Napakamot tuloy muli ako sa batok ko.

Naikwento ko na sa parents ko ang nangyari sa date namin. Well... di lahat. Di ko na ikwenento yung part na yung you-know... nabasa mo naman siguro sa unang chapter before ito. At kung hindi! Peste, paano ka napunta sa chapter na ito! Skip-skip lang! Anyways, going back, kung tatanungin po ako kung anong nangyari after nung "nangyari" sa last chapter eh... tara at i-rewind natin.

Exactly 10 hours ago; 10 pm

"Date?" patanong ni Prince sabay tingin sa akin.

Buhat-buhat pa rin niya ako. Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Sa totoo lang, gusto ko ng ibaba ako ni Prince. Napansin ko kasi na marami na ang nakakapansin sa amin, nakikisosyoso, in short mga pakialamero't pakialamera.

"Yeah, she's my date, dude. So, would you care to bring her down now," seryosong tugon ni Xander; binulsa niya ang kanyang mga kamay sa bulsahan ng kanyang maong pants.

Peste! Mano-nose bleed ata ako sa usapan ng dalawang ito.

"I don't mind," saad ni Prince sabay baba sa akin, "If I may ask, why are you dating?"

Napataas ng kilay si Xander at napangisi. Napamaang naman ako sa tanong ni Prince. Tono kasi ng boses niya, para siyang syota ko na nagseselos. Eh... anyways...

Bigla akong inakbayan ni Xander, napakunot-noo si Prince, di makapaniwala sa nakikita. I feel the heated 'aura' fight between them... wow ENGLISH!! WOOHH NAKA-ENGLISH AKO!!

"Why are you asking? Are you her boyfriend?" pasimpleng tira ni Xander. Aware kasi itong wala akong syota. Sure ako, binasa niya resume ko eh!

Medyo napa-tilt ang ulo ni Prince habang pinagmamasdana ang mukha ni Xander, "Wait, I you look familiar," biglang change topic ni Prince.

"Yeah, I'm a DJ... no, ex-DJ I mean," inunahang sagot ni Xander.

"No," resbak ni Prince, "I saw you once in this restaurant before. Oh, yeah, you were the one who bumped into Marie before near the ladies room." 

Medyo napahiya si Xander sa tugon ni Prince. Ako naman, wait... what?!! Don't tell me sinundan ako ni Prince noon? Eh paano niya nalaman na nakabangga ko ang lalaking naka-akbay sa akin ngayon?

"Wow dude! You are surely somewhat a... what should I called that... a memory retainer," komento ni Xander, "Anyways, we should be get going back at the resturant. We need to finish our date."

Napangisi naman si Prince, "You're dating her?"

"Yeah, that was her prize for winning the contest," 

"Contest?" di makapaniwalang ulit ni Prince. Magsasalita pa sana ito, buti na lang nag-ring ang phone niya. May tawag. Sinagot niya ito.

"I'll get going then," paalam ni Prince pagkatapos niyang sagutin ang tawag. 

Napatingin muna ito sa akin saglit sabay talikod at umalis. Medyo nakonsensiya ako. Isipin mo, bukas kasi lalabas kami, tas, makikita niya ako na may kasamang iba ngayon. Siyempre, kung ikaw ang nasa katayuhan niya, anong iisipin mo? Baka pa nga isipin mo na haliparot ako eh.

"Shall we?" turo ni Xander ang entrance ng restaurant.

Tumango na lang ako. Pagbalik namin sa restaurant, parang kami ang naging hot topic ng mga customers. Pati ata yung mga waiters, eh. Peste! Nakakahiya! Gusto kong tumakbo palayo!

"While waiting, what shall we talk about?" tanong ni Xander sabay patong ng siko niya sa mesa.

Lumunok muna ako bago nagsalita. Ngunit nagdadalawang-isip ako kung i-o-open up ko agad yung tungkol kay Bobby O. Pero natigilan ako nang biglang magsalita muli si Xander.

"Mr. Orille told me earlier that you wanted to talk about Bobby O.," basag niya sa akin.

Napatingin lang ako sa kanya, "M-Mr. O-orille?"

"Yup, the one who entertained you at the Publishing House, the manager."

Ulol! Alam ko kung sino! Inulit ko lang. Etsusera pala yun eh. Inunahan ako. Pero ayos lang, at least di na ako aatakihin ng sari-saring teknik kong paano ko iyon i-o-open up, di ba?

"I would tell you all about him," muli siyang nagsalita; napangiti ako sa sinabi niya, "However, in one condition."

At yeah, napasimangot ako doon sa sumunod na sinabi niya sa akin, "Ano?" ako naman nag tanong, desperado na ako.

"Well talk about it after dinner. Let's go somewhere private. Maybe in a hotel room?"

Napamulat ako ng mata. Peste! Maniac ata to eh! Ano na Marie? Laban o Bawi? Marie last resort mo na itong gwapong ito? No choice!

"O-okay," mahina kong sagot.

Ngumiti siya at saka ininom ang wine na nasa harapan niya.

__________________________

Up-Update! Yeah! Thanks for Reading! Please keep your support to the story!! Thank you, again!

_tagalog_

Hunting Bobby O.? [COMPLETED]Where stories live. Discover now