Baguio!!

1.5K 33 2
                                    

Di ko alam. Pero without a reason, nakatayo ako sa taas ng bundok na di ako pamilyar. Mahamog ang lugar at malamig. Feeling ko nasa Baguio ako. No pun needed, if you know what I mean. Ano ba iyan! Di niyo ata gets... Marie Claire Baguio *coughs*... okay, di niyo pa rin gets... sige balik tayo sa monologue mga slow-minds...

Mahamog ang lugar. Katulad nga ng sinabi ko, wala akong ideya paano nakapunta sa tuktok ng bundok na kinakatayuan ko ngayon. Napayakap ako sa sarili ko sa lamig kahit na ang kapal-kapal ng suot kong over-all.

"Oi!" May tumawag sa akin...

Di ko lang siya makita...

"Oi ka rin!" sagot ko pabalik...

Narinig ko siyang tumawa. Biglang may yumakap sa akin sa likuran. Sa sobrang gulat ko *insert gulat face here* di ko na siya liningon.

"Peste! Sino ka?" napalakas kong tanong na parang sumira sa kaliwang eardrum ko.

Tumawa lang muli ng malumanay yung lalaki. Oo, lalaki ang yumakap sa akin. Yung tawa niya, ang sarap pakinggan... wait... sarap? Natitikman ko na pala ang tawa. So anyways, ignore that... Di masyadong mahigpit ang yakap niya sa akin. Yung tipong pwede akong kumawala sa kanya... any moment na trip ko. Pero, ang yakap niya, kakaiba... yung feeling na ngayon ko lang ito naramdaman...

"Sino ka sabi ko?" ulit kong tanong. Gusto ata ng paulit-ulit.

Di ito sumagot, suminghap lamang sa likuran ng tenga ko. Alam mo yung feeling na kiniliti ka? Yun yung feeling ko pagkasinghap niya. Ang weird! Pero sandali! Paano nga ba ako nakapunta dito? At sino ba itong lalaking ito?

"Bago ka umalis," sa wakas nagsalita na yung lalaki, pero di ko talaga liningon dahil natatakot akong malaman kung sino siya. Wala lang... para naman may thrill... ANO BA! So tinuloy niya ang sinasabi niya, "Gusto kong malaman mo na mahal kita..."

"Peste uli! Anong mahal? Sino ka ba?" pasagot ko sabay kumawala sa yakap niya.

Alam mo yung tipong paglingon ko para makita kung sino iyon ay bigla siyang nawala. Ah... okay... so panaginip lang ito. Lol, Bakit ngayon ko lang na-realize? At the first place di ako nandito sa bundok ngayon kung walang "tag-tag-inep" (in Filipino: Panaginip).

....

...

...

"Marie, gising ka na?" tanong ni Mama.

Napamulat ako ng mata. Nagtataka pa rin kung sino iyong 'creep' na nagparamdam sa panaginip ko kanina. Nakita ni Mama ang linalaman ng isip ko at agad umupo sa tabi ko habang ako'y nakahiga pa rin.

"Anong problema?" tanong niya. Oi! Himala! Seryoso ng boses ng nanang ko ah!

"Wala naman," kunwari wala sa mood kong sagot sabay tayo at diretso sa banyo para mag-ayos.

____________

"Mariang!" tawag sa akin ni Charlotte habang nagkakape ako mag-isa sa kapeterya ng opisina. Solo flight ako that time. Ako lang kasi ang may break  ng may oras na iyon. At nakapagtatakang meron ata si Charlotte.

"Ano iyon?" sagot ko na lang. Kunwari pa rin wala sa mood. Di ba Drama ito? Ah... hindi... Adventure dapat? Hala.. Huwag niyong isisi sa akin kung ganito kinalabasan! Yung writer dapat!

"Tungkol ito kay Bobby O.," napasamid ako sa sinabi niya, pero tuloy pa rin siya sa pagsasalita, "Tsinek ko yung usb na binigay mo sa akin na galing kay DJ Hansel... este Xander. Marami akong nalaman besides yung basic info..."

Biglang nag change mood ako. Yung tipong kunwari si Charlotte si Sherlock at ako si Watson.

"Isa siyang official sa isang magazine company at the same time, freelance writer. Marami siyang alias including Roberto Franco, which is known for his opinion articles sa isang national newsaper. Also, he's currently residing here in Makati. Narinig mo ko! Kapit-bahay lang natin siya Marie! He's anywhere here, right now!" Nakaka-thrill ang pinagsasabi ni Charlotte. I'll be honest, di ko tsinek ang laman ng usb at saka... you remember that part na nabuksan ko yung isang private document ni Xander... di ko na lang sinumbong kay Charlotte. Baka kasi... nagkataon lang iyon.

Hunting Bobby O.? [COMPLETED]Where stories live. Discover now