Prince Charming vs. Bobby O.

4.4K 78 14
                                    

Narinig kong nag-ring yung alarm clock ko...

Yeah right...

Ignore...

...

..

.

"Hoy anak! Wala ka bang balak mag-ayos diyan? Nasa baba na si Charlotte, hinihintay ka! Mag madali ka at nakakahiya sa kanya!" Narinig ko ang matamis na tinig ng aking ina na parang musika sa aking tenga dahil SA LAKAS (sarcasm effect: done). Minulat ko ang mata. Palabas na si Mama ng kwarto. Napa-upo sa kama. Kamot sa batok. Kamot sa siko. Inot sa kaliwa. Inot sa kanan. Okay pwede na.

Pagkatapos ang ritwal ko sa banyo ng 30 minutos, bumaba ng ako ng kwarto. Nakita ko sila sa sala. Masaya silang nag-uusap. Alam ko na ang topic. Ako at ang single since birth na hindi mamatay-matay na subject. 

"Charlotte, tara na!" sigaw ko pagkababa ko ng hagdan.

"Sandali di ba kayo kakain ng agahan?" tanong ni Papa. Di niya sa akin yun tinanong, kay Charlotte niys tinanong. Minsan napapaisip ako kung ako ba ang anak nila o si Charlotte.

"Ay wag na po," pa-humble na sagot ni Charlotte sabay tayo mula sa pag-kaka-upo sa sofa.

Lumapit sa akin si Charlotte at nagpaalam na kami. GOODBYE PARENTS!

 *__________________*___________________________*

"Naiinis ako sa iyo dude... may mahabang attensyon span sa iyo ang parents ko," sabi ko habang naghihintay kami ng jeep sa kanto.

"Wag kang mainis darling... ganyan talaga ang parents, nagmamalinis at nagpapaganda ng imahe sa ibang tao... aminin na natin iyon," may pagka-logic na sagot ni Charlotte.

"Nga no... tama... kung sabagay, bakit ilalabas mo ba ang tunay mong kulay kong alam mong sasama ang tingin sa iyo ng iba?" sabi ko sabay dating ng jeep.

Seryoso, pagpasok namin sa jeep, puno na. Tas yung driver "ISA PA SA KALIWA AT KANAN OH... USOD..USOD"

Nang mga oras na iyon gusto kong sabihin na "IKAW KAYA MANONG ANG MAKIPAGSIKSIKAN DITO NO! TIGNAN NATIN KONG MAY ISA PA SA KALIWA AT KANAN! DIYOS KO!!" Pero unfortunately di ko magawa dahil, yeah, nahihiya ako.

After one hour na biyahe na 5 kilometro lang naman ang layo sa pinanggalingan namin (Thanks sa trapik), narating rin namin ang opisina. Di kami late ni Charlotte kasi holiday that time, oo, kami rin ay may holiday. Pinasok na namin yung opisina na binabantayan ng security na si Mang Gino. Magalang niya kaming binati at ganun rin kami sa kanya. Akala namin walang tao (except si Editor Perez) meron pala, si Prince Charming... este si Prince Harry Cruz ay meron. Unusual na makita ang isang higher ranking official sa opisina namin. Wala, dahil unusual lang.

"Nandiyan pala kayo ladies!" kinuha ni Editor Perez yung attensyon namin. Good Mood. Bakit pa nga ba? Meron Si Prince eh. Ah, kababata pala ni Editor Perez si Prince, at ehem... first love rin niya si Prince.

"Hi Ma'am," sabay naming greet ni Charlotte, medyo nahihiya. Kailangan eh. Gustong gusto ni Editor Perez ng mga style ng humble at mahiyain, so kahit plastic, go lang.

Lumapit kami sa kanila. Nakatitig sa akin si Prince. Alam mo yung feeling na, huwag kang tumingin, patay ako kay Editor Perez. Umubo si Editor, nakaramdam naman kaagad si Prince at binaling ang tingin sa kanya.

"So, girls, I heard that you wanted to take the, emm should I put it, mission to discover Bobby O.?" paninigurado ni Editor Perez, medyo nakangisi.

Hunting Bobby O.? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon