Unexpected Trio

1.1K 33 4
                                    

Baguio...

For some reason naramdaman ko agad ang pagka at home sa lugar. Mula sa balkonahe ng hotel room na inuukupahan ko, nasisilayan ko ang kagandahan ng Burnham Park. Maaga pa. Mga nag-ja-jogging, mag-aaral at nagmamadaling empleyado pa lamang ang mga nakikita ko. May humaplos na malamig na hangin sa aking mukha.

"Mag-ayos ka na... may ipapakilala ako..." walang ano-ano'y pumasok si Xander sa loob ng kwarto ko.

Sa loob-loob ko, paano kaya nataminggan niyang nagpapalit ako... aba'y napakaswerte niya! Yung tipo kasing di siya kumatok. Ngumiti at tumango na lang ako.

Hindi ito kaagad lumabas. Pinagmasdan mo na ako ni Xander saglit. Parang sinasabi ng mata niya na...

"Sige hintayin na lang kita sa labas," saad niya sabay labas ng kwarto ko.

Dahan-dahan niyang sinara ang pinto. Sa palagay ko may bumabagabag kay Xander. Ang mukha niya kasi ay napaka-blanko. 

Sandali nga...

Ba't ba ang seryoso ng mga monologue ko?

Anyways...

Pagkatapos ng ilang minuto ng pagpapalit, lumabas ako ng kwarto ko. Wala doon si Xander. Sabi niya aantayin niya ako sa labas ng kwarto ko?! Peste! Pinagloloko ata ako. Napagdesisyunan ko na lang pumunta sa hotel lobby at saka itext siya na puntahan na lang ako roon. Pagpunta ko roon, nakita ko si Xander, may kausap na mama na naka-over-all coat at bonet. Nakatalikod kasi kaya di ko sure kung foreigner o ano. Basta ang alam ko kokomprantahin ko si Xander at pagagalitan dahil di ako inantay.

Ang kapal rin eh. Yung tipong aantayin ka daw sa labas ng kwarto, sabay may pinuntahan pala. Peste!

"Oi Xander!" sigaw ko habang palapit sa kanila. Wala akong pakialam kong pagtitinginan ako dahil mas trip ko siyang ipahiya.

Halatang medyo namutla ito. Maglalakad sana ito ng palayo ng bigla siyang hinatak pabalik ng mamang naka-over all coat. Medyo nagulat ako, kaya napatigil ako ng napalapit sa kanila. Yung aura ng mama... pamilyar...

Wait lang...

Yung height...

Yung puti...

Wait..

No..

No..

NO WAY!!

"P... Prince?" bulalas ko.

Lumingon sa akin yung mamang naka-over-all coat. Napatakip ako ng bunganga. Di ako makapaniwala. 

"Hi!" bati niya sa akin.

Wait lang! Wait lang! Anong meron? Anong meron! Ba't siya nandito? Ba't sila nag-uusap ni Xander? Di ba hindi sila magkakilala? Anong meron?! Sakto rin ba na nagbabakasyon dito si Prince? Anong meron? Peste!

"Labas muna tayo, saka na lang ako magpapaliwanag," wika ni Xander ng makita na nahihilo na ako sa nangyayari. Hinawakan ni Xander ang aking kamay at saka hinatak ako palabas. Sumunod na lamang si Prince na naglalakad sa aking tabi. Medyo nag-iba nga lang ang aura niya ng hinawakan ni Xander ang aking kamay. Pero ako... nga-nga... Ano ba kasing nangyayari?

Pumara ng taxi si Xander at saka agad kaming sumakay. Sinabi niya sa driver na ipunta kami sa Green Valley. Green Valley? Ha? Ano yun? Coffe Shop? Mall?

Pero sa sobrang out-of-words ko sa nangyayari... di na lang ako nagsalita...

Fast Forward...

Wow.

Yun lang ang lumabas sa bunganga ko habang nakatayo sa gilid ng kalsada na nasa taas ng isang bundok. Mula sa kinatatayuan namin, makikita mo ang mga karatig bundok na punong-puno ng pine trees. Sa baba lang namin ay may parang isang subdibisyon na halatang para sa mga nakakaangat. Oo, nakakita na ako ng view ng bundok at mga pine tress pero kakaiba ang tanawin sa kinatatayuhan na namin. Kakaiba ang aura niya. Napakalakas ng malamig na hangin. Ang sarap sa pakiramdam. Parang ang tagal kong hinintay maranasan ang pakiramdam na iyon. Pero, bukod roon, aaminin ko... kakaiba rin itong nangyayari ngayon.

Nakahawak sa kaliwang kamay ko si Prince habang sa kanang kamay ko si Xander. Sa pagkakaalam ko di nila alam na parehas nilang hawak ang aking kamay. Kaming tatlo ay nakatingin na lamang sa magandang view sa harapan namin. Di na ako magtataka kung tinawag itong Green Valley. Simpleng Ganda.

Sa ngayon, titigil mo na ako sa pagbibirada. Ngayon lang, tatahimik ako. Ngayon lang, hayaan niyo kong magseryoso at namnamin ang oras na ito.

Kahit ngayon lang...

Ngayon lang...

__________________________

So, malapit ko na pong tapusin yung story, baka three to five chapters na lang. Nawawalan na kasi akong ng oras at nagbabalak po akong gumawa ng bagong story. Pero, salamat po sa supporta. Sana ay nagustuhan niyo yung flow ngayon. Please leave comments below para alam ko naman nasa isip niyo at saka please vote. Thank you! :)

_tagalog_

Hunting Bobby O.? [COMPLETED]Where stories live. Discover now