A beautiful day to DECIDE

1K 32 0
                                    

"Marieeee!!!!" mahabang bigkas ni Charlotte sa aking pangalan ng salubungin ko siya sa labas ng aming bahay.

Agad niya akong yinakap ng mahigpit na kinatuwa ko naman kahit papaano. Matagal na rin kaming di nagkikita ng babaita.

Oo, nakauwi na ako mula sa bakasyon namin sa Baguio. Pero, hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko. Alam niyo naman na di ba, kung sino talaga si Bobby O. Di ko inaasahan ang kanilang inamin. Di ko inaasahan.

"So, nakapag-relaks ka naman na kaya balik na tayo sa hunting natin kay Bobby O.," tuwang wika ni Charlotte pagkatapos akong pakawalan sa mahigpit niyang yakap.

Ngumiti lang ako, ngunit sa loob-loob ko gusto kong sabihin na itigil na namin ang kalukohang ito, kung kalukohan ba talaga itong masasabi.

***


Masama ang tingin sa akin ni Editor Perez. Pakiramdam ko tungkol pa rin ito sa issue ko kay Prince. Tumingin na lang ako sa sahig ng di matiis ang nakakamatay niyang titig. Sa totoo lang, para siyang halimaw na nakasuot ng katawan ng magandang dilag. Wolf in sheep's clothing ika nila. Tinawag niya ang attensyon pagkatapos ng mahabang katahimikan.

"Ba't ka nag-leave ng walang paalam? Ganun na ba kakapal ang mukha mo?" tanong niya sa akin habang palapit sa akin.

Nasa loob kami ng opisina niya. Wala na akong gana na makinig o mag-rason pa. Hindi ko alam. Narinig ko na huminga siya. Naiirita ata sa di ko pagsagot.

"It's surprising! Ang tahimik mo ata."

Napatingin ako sa kanya. Malungkot na tingin ang naibigay ng aking mata. Mula sa bulsahan ng aking panatalon, hinugot ko ang isang envelope. Oo, tupi-tupi. Inabot ko ito kay Editor Perez. Halatang nagulat ito ng inabot niya ang envelope mula sa akin.

Mas lalong sumama ang kanyang tingin, "Ano ito?"

"Ma'am, resignation letter ko po," sagot ko sabay labas ng opisina niya.

Sabihin mo na nasisiraan ako ng ulo. Alam kong napaka-reckless ko. Pero kung ang trabaho ko kay Editor Perez ang rason para layuan ko si Prince, pwes aalis ako.

***


Sinapak ako ng mahina ni Charlotte sa ulo. Naiiyak ito. Namamasa-masa ang kanyang mga mata. Alam ko naman kung bakit eh.

"Sira ulo! Bakit ka nag-quit?" tanong niya habang sinisinghot ang para bang tutulong sipon niya.

"Sorry Friend," paumanhin ko, "Di ko na kaya..."

Tinignan na lang ako ni Charlotte. Ngumiti na lamang ako at saka ininom ang inihain na mocha ng waiter. Nasa coffe shop kami ni Charlotte. Yung tambayan namin lagi, na pakiramdam ko, simula ng oras na iyon, ay hindi na.

"Paano na si Bobby O.? Alam mo ba, i-istalk dapat natin si Prince. Sigurado ako na siya si Bobby O. Marie! Limang milyon ang pinapakawalan mo... bakit mo ko iiwan?" at doon na ay umiyak siya na parang bata.

Biglang pumait ang lasa ng mocha na iniinom ko. Nabura ang ngiti sa aking mga labi. Wala akong magawa pag umiiyak si Charlotte. Wala akong magawa. Kilala ko siya. Ayaw niyang pinapatahan siya pag umiiyak. Ayaw niya iyon.

***


"Oh anak, wala ka bang trabaho ngayon? Limang araw ka ng nakahiga sa sofa ah," sabi ni Mama ng makita akong nakahiga pa rin sa sofa simula ng umuwi ako ng bahay, ilang araw ng nakakaraan.

Hindi naman na literal akong nag-stay sa sofa ng diretsong limang araw. Siyempre pumupunta ako ng kusina para kumain, sa banyo para gawin ang mga importanteng bagay at sa labas para magmuni-muni.

Hunting Bobby O.? [COMPLETED]Where stories live. Discover now