Let me be the ONE

1.8K 45 1
                                    

Good vibes. Good day. Sana.

Nasa labas kami ng radio station na pinapasukan ni DJ Hansel. Sa mga oras na yun, gusto ko ng umalis. Pakiramdam ko kasi may mali. Naramdaman ko na huminga ng malalim ang katabi ko, si Charlotte. Pati tuloy ako napahinga ng malalim. Kung bakit kami nandito, simple lang, sasalihin namin yung pakontes nung DJ baka kasi makakuha kami ng impormasyon tungkol kay Bobby O. Pero to be honest, di lang naman yun ang balak ko. Gusto kong malaman kung si DJ Hansel ba ang "anghel ng kagwapuhan" (kahit di ko pa nakita ang mukha, feel ko lang eh) na nakita ko sa restawrant... este nakabanggahan.

"Umm... Charlotte Santos at Marie Claire Baguio, kayo na po ang neks sa pila," sabi ng isang employee ng radio station.

Ahh... oo nga pala, nakapila kami, currently. Well, tatlong oras lang naman po kami naghintay. Nakakaloka! Masyado bang gwapo si DJ Hansel kaya haba ng pila. Kung uutusan niyo ako ngayon na i-search ang mukha ni DJ Hansel sa google ngayon para matapos na at malaman kung gwapo talaga siya, eh simple lang ang sagot ko: Ayaw ko! Gusto kong personal siyang makita at para na rin may thrill. 

"Excited ka na ba?" biglang tanong ni Charlotte na nasa tabi ko.

Nakaupo na kami. Ilang saglit na lang, kami na ang papasok sa loob ng nakasaradong pinto sa harapan namin. Naninikip ang dibdib ko. Hindi dahil mahigpit yung nagamit kung bra, pero dahil hindi ako ready... weh! Anyways... ang importante mas kabado sa akin si Charlotte. Masaya na ako doon. Biglang bumukas yung pinto. Lumabas ang dalawang babae na kasunod lang namin. Alam mo yung mga mukha nila, parang kagagaling lang sa langit. Tas yung tipong sabay tili sila ng magkita ang mga mata nila. Yung tipong may telekinetiks kaya't sila nagkakaintindihan kahit walang salita. Weird.

"Neks na po," sabi uli ng employee.

Pumasok kami sa silid. Naramdaman ko ang pagbigat ng paghinga ko. Pati si Charlotte parang bumigat rin ang paghinga, kaya bawat buga niya ng hangin palabas ng bunganga niya naamoy ko yung kakakain niyang chicharon. Eeehhh... amoy suka!

Animo'y fairy tale ang peg ko pagpasok ko ng silid. Sa gitna nun, may isang bilog na mesa, dalawang bakanteng folding chair at isang lalaking nakaupo sa isa pang folding chair. Umiinom ito ng kape.udshfyiasdfbsdhfhusagfjds.... wait lang.fbdsjkfhdabfbdsdbhfsd.... MAY GULAY... wait lang, nalaglag ba ang panty ko... dfksabdfhfs gusto kong magmura $h!%...$h!%.... Siya ba? Siya ba si ANGHEL NG KAGWAPUHAN ko. Ang kinis ng mukha, makapal ang kilay, almond eyes, at ang sarap ng ngiti habang nagkakape at nagbabasa ng resume. Tigidig...tigidig.... sabi ni heart-heart sa loob ko. Tumingin ako kay Charlotte. Wala lang. Parang immune na sa mga gwapong lalaki. Anyways balik sa akin, napahinto ako sa paglapit. Nakaupo na si Charlotte at ako na lang pala ang hinihintay. Nakatingin silang dalawa sa akin. Sorry naman... sobrang na-star-struck lang ako. Super Gwapo!!!! Kamukha niya si Ok Taecyeon ng 2PM!! Pusang Gala!... Ehem.... Okay... Inhale... Exhale...

Where have you been all my la-la-life... - narinig kong tumugtog sa utak ko...

Relax Marie Claire, Relaks...

"Ms. ayos ka lang?" narinig kong tanong ni DJ Hansel. 

Sa mga sandaling iyon, sigurado na ako. Sure na sure na... siya si ANGHEL NG KAGWAPUHAN ko. Ang boses niyang mababa, napakalalaki. YUMMY!... ehem ehem... Nang sinugod na ako ng katinuan pagkatapos lang naman po ng sampung segundo, unti-unti akong lumapit sa kanila, ngunit bakit ba wrong timing si kamalasan. Di ko napansin yung maliit na crate na nakaharang sa daanan ko (at hindi ko sure kung para sa ano iyon at haharang-harang) kaya naman nadapa ako. Wag kang assuming na nasalo ako ni DJ Hansel na parang sa fairy tale, HINDI! Walang ganoon. Nadapa lang ako at napaluhod, medyo nasubsob ng konti pero parang beauty queen, I know to stand again with smiling face. Agad naman tumayo si Charlotte at sinakluluhan ako. Alam kong nagmukha akong tanga at sa harapan pa ng ANGHEL NG KAGWAPUHAN ko.

"A-ayos ka lang?" tanong ni Charlotte habang akay-akay akong pinaupo sa isa sa mga bakanteng folding chair.

"Oo," yun lamang ang nasagot ko.

Hindi ko makita ang reaksyon ni DJ Hansel sa nangyari dahil hinaharangan ng mahaba kong buhok ang paningin ko. Hinahaplos ko pa ang nananakit kong noo na nasubsob. Ouch.

"I think that's all for the day, you may go," narinig namin ni Charlotte ng walang ano-ano mula kay DJ Hansel.

Medyo nagulat pa kami sa sinambit ng DJ. Ha? Tapos na, eh, hindi pa kami nainterbyu.

"We-wait... so yun lang, pinapunta mo lang kami dito? Di mo kami kakausapin or anything?" tanong ni Charlotte ng naguluhan sa nangyayari.

"Actually, I'm given 5 minutes for every interview and we almost consume the time. We'll just call you kung nakapasa kayo para sa kontes," walang anong etchos ni DJ.

Di ko alam pero sobrang na bad trip ako sa sinabi niya. Peste!

"Wow, so anong ginawa namin dito?!" medyo naiinis na muling tanong ni Charlotte, "Naghintay kami ng tatlong oras para lang mapalayas?! Naka-drugs ata kayo!"

Ngumiti ng pilyo si DJ Hansel, "No, it was actually worth it. This interview is to confirm if you really are the people in these resume. And also, para sa'kin, ito ata ang pinakamagandang paraan para makilala ko ang mga mapipiling kontestants."

"So no questions?" ako naman ang nagtanong. Ayaw ko na lang na si Charlotte ang nagmumukhang magaling sa lahat ng parts ng kwento ko. No Way!!

"No questions needed. We'll just call you if you passed," sagot ni DJ Hansel.

Unti-unti kong inaayos ang buhaghag kong buhok. Nang maiayos ko na, at sa wakas nakikita na ang mukha ko, napatingin sa akin si DJ Hansel. Halatang medyo nagulat ito. Bakit kaya? Hmm...

"Sandali," wika niya sabay turo ng daliri niya sa akin. Ngunit parang nagdalawang-isip ito at di na itinuloy, "Sorry, nevermind. Pwede na kayong umalis."

So much disappointed kaming umalis. Ako, disappointed dahil di ko nalaman kung ano ang gusto niyang sabihin. Si Charlotte naman disappointed dahil walang pinuntahan yung tatlong oras naming hintay. Habang naghihintay ng masasakyan na taksi, naramdaman ko na nag-vibrate ang phone ko sa bulsahan ng maong kong pants. Agad ko naman kinuha. May message ako. Di ko kilala, unknown number. Binuksan ko yung message. Napasigaw ako. Siyempre tinginan lahat ng tao. Kaagad na tinapalan ni Charlotte ang bunganga ko.

"Ano ba?! Nakakahiya ah! Ano bang nangyari?" tanong ni Charlotte sabay tanggal ng kanyang kamay sa bibig ko at punas ng nalawayan niyang kamay sa blusa ko.

Pinakita ko kay Charlotte ang nareceive kong message. Atleast di siya sumigaw sa nakita niya, nagmura nga lang ng limang beses. Muli kong binasa yung message.

Are you the one? You're chosen as one of the top 5 contestant for DJ Hansel's DJ Princess... Please report to the station before 5 pm this day to fully profile you. Thank You.

Good Vibes. Good Day. Good Luck.

____________________________________

SuPpOrT pLeAsE... LeaVE Any COMmeNTs BelOW.. Thank for READING

_tagalog_

Hunting Bobby O.? [COMPLETED]Where stories live. Discover now