Hunting Bobby O.?

9.3K 117 22
                                    

First Part...

Step One... wag mong sasagutin ang isang tao dahil niligawan ka lang niya...

Step Two... wag kang mainggit sa mga kaibigan mong may syota at wag na wag kang mate-tempt maghanap ng karelasyon dahil ikaw na lang ang walang syota sa inyong magkakaibigan...

Step Three... kung gusto mong magkarelasyon... magdalawang-isip ka muna... baka trip mo lang at baka hindi ka pa handa...

Step Four... kung gusto ng magulang mong single ka muna... irespeto mo yun... sila ang nagpapakain, nag-aalaga at nagpapa-aral/ sumusuporta ng pinansyal mo... 


Kaagad kung isinara ang libro. Inaantok na ako. Binasa ko ng malakas ang titulo ng librong binabasa ko. 

"Ways to deal with yourself!" 

Sinadya ko iyon para marinig ng parents ko. Binigay nila sa akin ang librong iyon para basahin ko daw, para intindihin ko daw bakit ayaw pa nila akong magka-boyfriend. Alam ko naman na ayaw nila eh, at rine-respeto ko iyon, pero, wala talaga silang tiwala sa akin. Napa-upo ako mula sa pagkakahiga sa kama ko. Katulad ng boring kong buhay, tambay na naman ako sa boring kong kwarto na napapalibutan ng mga boring na kagamitan. Bago ko ipagpapatuloy ang kwento ko, hayaan niyo kong sabihin ang pangalan ko. Ako si Marie Claire Baguio. Oo, Marie Claire katulad sa pangalan ng isang sikat na magazine at Baguio katulad ng pangalan ng isang lugar dito sa Pilipinas. Hay...

"Hahaha!!!" Narinig ko ang malakas na tawa ng kaibigan kong si Charlotte. 

Nasa isang coffee shop kami malapit sa kompanyang pinagtratrabahuan namin. Oo, nagtratrabaho na ako, pero grabe ang strictness ng parents ko sa akin. I'm already 23 years old at Assistant Editor ng isang sikat na Magazine Company, in short alalay ng lahat ng editors. Pero balik sa kaibigan ko, hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawa. Binabasa niya kasi yung librong binigay sa akin ng parents ko.

"Charlotte Santos! Pwede bang isara mo ang bunganga mo," napalakas kong sabi.

"Oo... Oo na..." sabi niya habang pinipigilan ang sariling tumawa pa uli.

Oo... alam kong nakakahiya. Ayaw ka pa rin pakawalan ng parents mo eh ang tanda-tanda mo na. Ito ngang kaibigan kong si Charlotte naka-apat ng relasyon. Ba't ba ang unfair ng buhay sa akin?

"Kausapin mo kaya parents mo darling," biglang bukas ng bibig ni Charlotte sabay inom sa black coffee niya.

"Wala... kinausap ko na sila ng ilang beses," sagot ko na parang nagdadabog na bata ang tono.

"Eh paano na si Prince Charming mo, di ba nililigawan ka na niya?" usisa ni Charlotte.

May nanliligaw sa akin. Prince Charming talaga siya! Siya ang Marketing President ng company namin. Halos limang taon lang agwat ng edad namin. Pangalan niya? Prince Harry Cruz. Lol... 

"May balak pa nga akong sagutin siya. Nasa kanya niya na lahat ng pwede kong hilingin. Gwapo, maputi, mayaman... at mahal ako," saad ko habang unti-unting inuubos ang strawberry cake sa harapan ko.

"Pero mahal mo ba siya?" tanong ng kaibigan ko.

Hindi ko na iyon sinagot. Alam naman kasi ni Charlotte na wala akong feeling kay Prince. Wala lang, gusto ko lang siyang sagutin. Kung baga sa OJT, gusto ko lang ng experience. Inabot sa akin ni Charlotte yung librong binigay sa akin ng parents ko. Hiniram niya sa akin yung librong iyon, a week ago. Napatingin ako sa pangalan ng awtor ng libro.

"Bobby O."

"Ang pangit naman ng pangalan ng awtor," sabi ko sabay lamon sa strawberry cake.

"Hay naku... miss... hindi iyan pangalan... kung baga sa mga artista, may screen name sila... sa kanya parang ganun na rin,"

"Paano mo nalaman?" 

"May napanood akong show na fini-feature siya. Unknown identity. Marami ngang nagsasabing English Professor siya sa isang sikat na university, yung iba naman isa daw siyang DJ sa isang sikat na radio station. Maganda daw mga books niya. Tapos mo na bang basahin iyang book na iyan?"

Inaamin ko, ayaw ko iyong ideyang binigay ng parents ko yung book sa kin, pero nagagandahan ako sa mensahe ng libro. Sa totoo lang, ang dami kong natutunan dahil dito.

"Oi friend, gusto mong i-hunt natin yung writer na ito," bulong sa akin ni Charlotte na mukhang seryoso.

"Ha? Bakit naman?" medyo nagulat ako.

"Narinig ko kanina sa office, may dumating na-nag-offer kay Editor Perez na i-hunt itong si Bobby O. Sabi nung nag-offer, kung mabubuking kung sino talaga ang writer na iyon, magbibigay sila ng five million pesos,"

"What?" napabulalas ako. Muntik ko ng itapon yung coffee ko sa mukha ng kaibigan ko, "Bakit ang laki naman?"

"Hay naku sis, as I said, isang sikat na writer si Bobby O. Kung baga, kung mare-release kung sino talaga siya sa public, malaking headline yun para sa mga media networks. So, are you with me?"

"Parang ang impossible naman..." sambit ko pero sa bandang huli, napilit ako ng kaibigan ko.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan magsisimula, o kaya ano ang sisimulan, basta alam ko may Five Million sa ulo ng taong iyon.

___________________________________________________________

FIRST TIME KONG MAGSULAT NG PURE TAGALOG NA STORY... PERO PAG-TIYAGAHAN NA LANG NINYO...

 _tagalog_

Hunting Bobby O.? [COMPLETED]Where stories live. Discover now