Kabanata 2

162 135 4
                                    

NANDITO KAMI ngayon sa office ni Maam Cecilia siya ang pinaka head dito isa din ito sa mukhang menopouse na at hindi na nakakaranas ng dilig

Nakaupo kami ni John sa tapat ng lamesa niya at parehas nakayuko pinipisil pisil ko ang mga daliri ko sa sobrang kaba

Paglingon ko kay John nakita ko siyang tulala at nakatingin sa sahig May sugat siya sa ibaba ng labi niya at may sugat sa kilay, namumula din ang mga kamao niya

"Alam niyo naman kung bakit kayo nandito diba"

Malamang alangan naman mag prayer meeting tayo dito

Bahagya akong napaayos ng upo  Magsalita Si Maam Cecilia.

Pangalawang beses ko palang siyang nakikita nung una ay yung interview at ang pangalawa ay ngayon at masasabi mo talagang para siyang si Miss minchin chubby version ngalang.

"Opo" sabay naming sagot ni John

Para kaming dalawang maamong tupa ngayon

"Nakakahiya ang pinag gagawa niya, Dahil sa ginawa niyo Nagsi alisan ang nga costumer naten!" Sigaw samen ni Maam Cecilia

Napayuko nalang ako at mas lalong pinisil ang mga daliri ko, Kasalanan koto kung sana pinalampas konalang ang mga manyak nayon edi sana walang ganito

"Nag tetraining pangalang kayo ganito na agad ang nangyari"

"Ikaw naman Miss Lejano sana naman pinalampas muna ang mga lalaking yon, nagdagdag kapa ng eskandalo dito tiyak na magagalit ang may ari nito!" Sigaw ni Maam

"Ma'am wala pong kasalana si Carla, Hinipuan po siya ng mga lalaking yon" Pagtatanggol sakin ni John

"Aba sumasagot kapa, Gusto modin bang matanggal?" Tanong ni maam Kay John na nanlilisik ang mata

Ano!? Matatanggal ako? Hindi pwede, kailangan ko ng trabaho at pagkikitaan

"P-Pasensya napo M-Ma'am hindi napo mauulit" Sabi ko

"Talagang wala ng mauulit dahil wala kanang Trabaho simula ngayon" Sabi ni maam sabay ngisi

Nanlaki Naman bigla ang Mata ko

"M-Ma'am pasensya napo talaga H-Hindi napo mauulit, wag niyo lang po akong tanggalin, kailangan kopo ng trabaho" Garalgal Ang tinig kong Pakiusap kay Maam

Hinawakan naman ni John ang kamay ko At pinapanatag ang Loob ko

"Wala nakong magagawa, Hindi ko kailangan ng palpak na employee dito" Sabi ni Maam sakin

"Maam, wag niyo naman pong pagsalitaan si Carla ng ganyan" Sabi ni John Sa malumanay na tono

"Aba wag mokong sagut sagutin ako padin ang boss niyo dito" sabi Ni Ma'am

Napabuntong hininga naman si John

"Kaibigan kopo si Carla, Pinag tanggol niya lang po ang sarili niya sa mga manyakis na iyon"

"Malay mo naman Ginusto niya den 'yon" sabi ni Ma'am sabay ngisi

Kumuyon ng mariin ang kamao ko at nagtagis ang bagang

Tumingin siya sakin mulo paa hanggang ulo sabay na kinainsulto 'ko naman

"Mukha namang ginusto niya rin"

Hindi kona napigilan ang sarili ko at biglang napatayo

"Mawalang galang napo, Una sa lahat hindi ko'po ginusto ang nangyari, Talagang 'na puno lang po talaga ako pangbabastos ng  mga manyakis nayon, Pangalawa hindi ko naman po alam na ganiyan ka kitid ang utak niyo babae 'din po kayo, Kayo ang mas dapat makaintindi sa sitwasyon ko ngayon, Sa lagay niyo po ay parang hindi niyo kilala ang GABRIELA" Sabi ko sabay ngisi

Chains Of Melody (Orectic Epigone Band Series #1)Where stories live. Discover now