Kabanata 10

78 21 0
                                    

"Kinakabahan 'ako ate" ani ni Caleb saba'y kapit sa kanang braso 'ko

"Hindi 'yan, sabi 'ko naman sayo kagat lang 'yan ng langgam" ngiting sabi 'ko

Ngayon kasi ang araw na magpapatuli si Caleb nandito kami ngayon sa center para samahan siya at kasalukuyan kaming nakaupo at nag'iintay

"P-Parang hindi naman A-Ate.. May nakikita akong umiiiyak ate," garalgal na sabi niya

"Ano ka bakla? Hindi pa'nga nag'uumpisa iiyak ka'na agad" iritadong sabi 'ko pa'no kasi halos maluha at maihi na siya sa pwesto niya

"H-Hindi, na'po ate" aniya habang pinupunasan ang luha, bumuntong hininga naman ako luminga linga ako kung 'san pwede makabili nang makakain

"Dyan ka'lang bibilhan ka ni ate ng Ice cream" sabi 'ko tumango naman siya at pumunta na'ko sa bilihan ng Ice cream

Bumili ako nang ube flavor kay Caleb at ako naman chocolate pagbalik 'ko sa upuan namin kumunot ang noo 'ko ng may nakita akong mga batang yagit na kausap si Caleb

"Ang laki laki mo'na nag papasama ka'pa, bakla ka siguro 'no?" nang aasar na sabi ng batang kamukha ni takeshi ng doraemon

"Hindi ako bakla, L-Love lang talaga ako ng ate 'ko kaya ako sinamahan" kabadong sabi niya

"Sus, bakla ka'lang talaga magdadahilan ka'pa e" aniya saba'y tawa ng mga kasama ni takeshi napailing naman ako at lumapit 'na

"Hoy, burdagul anong tinatalak mo'dyan ah" ani'ko habang pinanlilisikan ng mata nanlaki naman ang mata nila at biglang tumakbo

Tsk mga batang hamog 'nga naman ang yayabang

"Kung ako sa'yo sinapak ko'yon" sabi 'ko habang inaabot sa kanya ang ice cream tinggap niya naman agad

"Hindi ako pumapatol sa panget ate" aniya humalakhak naman ako, anak nga talaga kami ni Marlon

Mga ilang minuto'y tinawag na si Caleb para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang siya

"Oh, wag'kang iiyak, anak tayo ni marlon, walang iyakin sa pamilya natin" sabi'ko sinenyasan 'ko naman na pumunta na siya naluluha naman siyang tumango bago sumama sa isang nurse

Kinakabahan ako habang nag'aantay 'kay Caleb, halos kumabog ang dibdib 'ko parang ako ang tutuliin sa kaba  nag'aalala ako kay Caleb iyakin pa naman 'yon, dibale sinabi 'ko naman na parang kagat lang ng langgam 'yon

Mga ilang buntong hininga pa ng lumabas na si Caleb, Mugto ang mata niya habang hawak ang itaas ng Shorts niya napahalakhak naman ako sa itsura niya

"Oh, kamusta sabi'ko sayo kagat lang ng langgam 'yan e" natatawang sabi 'ko sinamaam naman niya 'ko ng tingin

"Hindi naman kagat ng langgam ate, S-Sinungaling ka," naiiyak na sabi niya binatukan 'ko naman siya

"Kasalanan mo'yan sa'kin ka nagtatanong kung masakit e wala nga'kong etits" sabi'ko napabuntong hininga naman siya habang pinupunasan ang luha

"Wag 'ka mag 'alala ibig sabihin nyan lalaking lalaki ka'na" masayang sabi 'ko

Habang pauwi kami ay nakaalalay lang ako 'kay Caleb ikaika siya maglakad dahil masakit 'pag nasasagi

Nang kinagabihan 'na halos lagnatin si Caleb dahil masakit ang tuli niya nakasuot 'din siya ng bestida ni Nanay para maiwasang masagi buti na'lang at hindi namin kailangan pumunta sa studio ngayon may inaasikaso kasi si Mama Bhadz ngayon para sa endorsement ni Miguel

Nang matutulog na'ko kinagabihan ay nagulat ako ng biglang may nag text sa'kin agad agad naman akong bumangon sa pagkakahiga

Unknown Number:

Chains Of Melody (Orectic Epigone Band Series #1)Where stories live. Discover now