Kabanata 27

55 1 0
                                    

Pinag'mamasdan ko ang sarili ko sa salamin dumako ang tingin ko sa kwintas na bigay sakin ni Lucas hinawakan ko 'yon at hinaplos. Hindi kona tinanggal 'yon ito ang unang bagay na natanggap ko 'kay Lucas kaya isa ito sa iniingatan ko. Ang bracelet naman ay nakalagay sa kanang pulso ko. 

Sinulyapan ko ulit ang sarili ko. Naka suot ako ng white high waist short black tank top ang sapatos ko naman ay keds na kulay White dahil sa damit ko ay kitang kita ang kaputian ko. Napangiti ako at sinuklay ang hanggang bewang kong buhok. Hindi ko'na 'to pinagupitan, Pinahaba ko'na dahil bagay naman sa'kin ang mahabang buhok

Tumapat ako sa electricfan at pinatuyo ang buhok ko ng matuyo na ay nagsuklay ako at sinuot ang itim na bucket hat. bahagya pa'kong nag'lagay ng liptint narinig kona ang pag'tunog ng cellphone ko at nakita ko ang text ni Regina

Tinabi ko ang cellphone ko bago kinuha ang itim na duffle bag. Chineck ko kung kumpleto naba ang dadalhin ko itinabi ko sa isang lagayan ang dadalhin kong bikini dalawa 'yon at kulay pula at itim ang kulay non 

Sa pag'lipas ng panahon ay nasanayan ko nang magsuot ng damit pang'babae bukod kasi na gusto kong baguhin ang sarili 'ko ay mas naging conscious pa'ko sa sarili ko.

"Anak, Nandyan na sila Regina" sabi ni Nanay habang kumakatok sa pinto

"Opo, Nay!" sigaw 'ko sinarado ko ang duffle bag at tumingin pa ng isang beses sa salamin bago lumabas ng kwarto 

Pagbaba ko'y nagpaalam nako kila Nanay at Tatay. Nang makalabas ako sa gate ay nakita ko si Regina at Beah na nag'aantay sakin Naka floral dress sila pareho napangiti ako, Mukhang napilitan nanaman si Regina mag'suot ng ganiyan dahil sa Girlfriend niya.

"Oy" tawag ko habang papalapit 

Malawak na ngumiti sakin si Beah at niyakap ako "Ang ganda mo..." puri niya sakin tumingin ako kay Regina na bahagyang umirap pa, Ngumisi naman ako

"Salamat, Ikaw din" 

"Tss, Tara na kanina pa nag'iintay si Manong" singit ni Regina

Nakita ko ang isang taxi na nakaparada kumunot ang noo ko at bumaling 'kay Regina "Hindi mo dinala kotse mo?" 

"Hindi na, yung 'kay kelley daw ang gagamitin" aniya

"Sino-sino ba ang mga kasama? Kakasya ba tayo?" Tanong ko. kinuha niya ang duffle bag ko at inabot 'kay Kuya para ilagay sa likod ng taxi. 

"Hindi ko alam" pagkasabi'y pumasok na sa backseat sila naupo ni Beah. Sa passenger seat naman ako umupo. 

Habang bumabiyahe kami ay tahimik lang kami Tinignan ko sa rear mirror sila Regina at nakita kong magkahawak kama'y sila Bahagyang nakasandal ang ulo ni Beah sa balikat ni Regina at parehong nakapikit

Nang nakadating na kami UP town center Ay nakita kong nakapark na ang sasakyan ni Kelley 'don, Nagtaka ako ng siya lang mag'isa wala ba siyang isasama?

Ako na ang nagbayad ng makababa kami ay sinalubong agad kami ni Kelley, Ngiting ngiti siya ng lumapit samin Naka White Off shoulder siya at Denim shorts hindi siya nakasapatos bagkus naka Sandals siya.

"Ang gaganda niyo, parang mga hindi baliko ah" bungad  niya samin napatingin si Kelley 'kay Beah

"Hi, Nice to meet you, I'm kelley" pakilala niya sa sarili niya at nag'lahad ng kama'y

Ngumiti si Beah at tinanggap ang kama'y ni Kelley "Beah nga pa'la" nahihiyang sabi niya 

"You're the girlfriend, Lagi 'kong nakikita ang mukha mo sa nf 'ko" pabirong sabi niya

Namula naman ang mukha ni Beah at siniko si Regina na nasa tabi niya, Siguro ay kailangan ko'na atang mag install ulit ng facebook para makita 'ko 

Chains Of Melody (Orectic Epigone Band Series #1)Where stories live. Discover now