Kabanata 26

59 1 0
                                    

"Ma'am made'delay daw po ang pag'deliver sa Mga Bulaklak lalo na'po ang mga Tulips at Santan. Nag'hahanap pa'daw po ng pwedeng driver nag'kasakit kasi si Mang Dani " sabi ni Kuya Manalo

Ngumiti ako. "Okay lang 'po pakisabi na'lang na ideretso nila sa kabilang barangay tinext pakisabi na'din po ang adress Nandon po sila Tatay" magalang na sabi 'ko

"Sige po, Ma'am, Makakaasa po kayo salamat po."

Tumango at bahagyang ngumiti tinanaw 'ko si kuya manalo na makasaka'y sa jeep niya ng mawala na siya sa paningin 'ko ay pinasadahan 'ko ang mahaba  'kong buhok bago pumasok sa flower shop

Napangiti ako ng makita 'ko ang isang matanda na pumipili ng bulaklak mukhang may asawa nanamang magiging masaya ngayong araw bumaling ako 'kay Coleen na nasa counter at nagbibilang ng pera 

"Coleen" tawag 'ko sa kaniya agad naman siyang bumaling sa'kin

"Bakit 'te?" takang tanong niya

Nginuso 'ko si Lolo "Tulungan mong pumili ng magandang bulaklak si Lolo, ako na muna bahala sa counter" 

Tinabi niya ang pera ."Sige 'te" aniya at nilapitan si Lolo,

Si Coleen ay panganay na anak ni Ate Inday, Nakabukod na siya kila ate inday at dito naninirahan sa marikina, May anak na siya at asawa,  Pinresinta siya ni Nanay dito para makapag'trabaho dahil hindi daw sapat ang kinikita ng asawa niya mas matanda lang ako sa kaniya ng dalawang taon.

Lumapit ako sa counter para asikasuhin ang mga mag'babayad ng makaluwag luwag ang mga tao sa flower shop ay umupo muna ako habang nilabas ang cellphone 'ko tinanaw ko'pa si Coleen na nag'aayos ng mga halaman at bulaklak

Kelley:

Come one, It's just 2-3 days only, Mag relax ' ka naman puro 'ka trabaho

Ako: 

Pag'iisipan 'ko

Kelley:

Nag'tatampo na talaga 'ko sayo nung binyag ni Cleign dati hindi ka nakapunta. Natatandaan ko'pa 'yon ah.

Napangiti na'lang ako sa text niya nung nakaraan niya pa'ko kinukulit sumama sa kaniya sa La union mag'babakasyon 'daw pero nag'dadalawang isip ako dahil baka makita 'ko 'don ang iniiwasan 'kong makita

Ito na siguro ang masasabi 'kong buhay 'ko sobrang saya 'ko dahil nakamit ko'to ng lumipat kami sa marikina ay nag'simula ako kahit paunti unti. Kahit medyo nahirapan ay nakayanan 'ko ginamit 'ko ang naipon 'kong pera para mag'tayo ulit ng flower shop kahit inuupahan lang namin ang Lugar ay maganda ang kita

Kaya Noon ay pinag'sasabay 'ko ang pag'aasikaso sa flower shop sa gabi ay kumakanta ako sa bar nag'kakaroon ako ng maliit na gig sa mga bistro kasabay non ay ang pag'lago ng flower shop namin 

Ngayon ay meron na kaming dalawang branch dito sa marikina at sariling lupa namin hindi na kami nangungupahan ng lugar at si Caleb naman ay napasok ko'na sa magandang eskwelahan. 

Madami ng nag'bago kasaba'y non ay ang pagbago ng buhay 'ko ito na ata ang masasabi 'kong kuntento na'ko masaya ako sa narating 'ko ngayon 

Madami ng nag'bago sa limang taon pero ang nararamdaman 'ko ay hindi na ata nag'bago para sa kaniya

Kamusta na kaya sila? Ngumingiti na kaya si Miguel? Nakadami na kaya ng chix si Stanley? Sana maalala pa nila 'ko masaya ako sa narating nila, Deserve nila ang lahat ng meron sila ngayon. Siguro ay baka sabunutan ako ni Mama Bhadz pag nag'kita ulit kami pa'no kasi ay umalis na'lang ako bigla ng wala man'lang paalam sa kanila. 

"Lalim ng iniisip na'tin ah.." napaangat ang tingin 'ko ng makita si Rolly  gwapong gwapo siya sa suot niyang blue longsleeve at itim na slacks. Isa siya sa naging kaibigan 'ko dito sa marikina at talagang napakabait, take note, saksakan pa ng gwapo. Kaso halos maihi na sa salawal niya pag'manliligaw. Napakatorpe kasi.

Chains Of Melody (Orectic Epigone Band Series #1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum