Kabanata 13

72 12 0
                                    

Sobrang sakit ng ulo 'ko at parang tinatarak ng kutsilyo, Hilong hilo ako pag'gising ko ilang beses kong hinilot ang ulo 'ko nang namalayan ko na wala ako sa bahay ay agad akong napabalikwas ng bangon nasan ako?

Hindi pamilyar sa'kin ang kwarto na'to panglalaking panglalaki ang itsura ng kwartong 'to luminga linga ako para tignan ang kurtina ay kulay white and black, may isang babasagin na lamesa din dito at may tv pansin ko'din ang mga poster ng ibat ibang banda at may dalawang acoustic guitar nanlaki ang mata 'ko ng makita ang isang portrait picture ni Lucas

Ibig sabihin? Sinuri ko ang itsura ko at nanlaki ang mata ko ng nakitang naka white sleeveless shirt lang ako at black na panty napasinghap ako sa itsura ko halos matulos ako sa pwesto ko ng makita 'kong pumasok si Lucas hinarang ko naman ang comforter para takpan ang pang'ibaba ko. Naka black short lang siya at plain na t-shirt nalakugay 'din ang buhok niyang hanggang batok napasinghap ako, bakit ang gwapo niya pa'din kahit ganiyan lang ang suot niya

Napangisi naman siya ng magtama ang paningin namin.agad naman akong napaiwas ng tingin at bahagyang tumikhim

"A-Anong ginagawa 'ko dito?" kabadong tanong 'ko napangisi naman siya, seryoso, bakit ba siya ngisi ng ngisi

"Don't you remember what happened last night" ngising sabi niya

"A-Ano bang nangyari?" maang na tanong'ko

Oo alam ko ang nagyari kagabi! Hindi naman ako tanga para makalimutan 'yon nag'init naman ang magkabila 'kong pisngi ng maalala'ko ang ginawa namin kagabi.Hinalikan niya'ko kagabi! At hanggang ngayon hindi pa'din mawala sa isip ko ang halik na''yon ramdam ko padin ang init ng labi niya sakin

"What happened last night felt good" ngiting sabi niya na umiiling iling pa mas lalo namang nag'init ang psingi ko

"Change your clothes, I ask kuya Lito to buy you a new clothes" aniya saba'y abot sakin ng isang paper bag

"Salamat" nahihiyang sabi 'ko

"Welcome, Magpalit ka'na I'II wait for you outside" ngiting sabi niya saba'y hakbang palabas nang mawala na siya sa paningin 'ko ay agad agad akong kumaripas ng takbo sa banyo halos mamangha ako sa itsura ng banyo, may bath tub pa'yon agad agad ko namang sinilip sa buong buhay 'ko ngayon lang ako nakakita ng ganito, Pati ang mga sabon at gamit pampaligo ay mukhang mamahalin 'din

Napailing na'lang ako pagtapos 'kong magsepilyo. ngayong ko'lang napagtanto na ibang iba pa'la ang pamumuhay namin sa isat isa parang napakalayo, bakit ngayon ko'lang naisip 'yon ang lakas ng loob 'kong magkagusto sa kaniya, ni hindi nga'ko nakapag tapos ng pag'aaral muling bumalik sa isip 'ko ang pag'iwas ko sa kaniya kaya dali dali akong naligo. Nahiya pa'ko ng makitang may undergarments 'pang kasama halos mamula na parang kamatis ang mukha 'ko

Nanlaki ang mata'ko ng ngayon ko'lang napagtanto na sumuka pala ako kagabi! Ibig sabihin nakita niya ang ano ko!? Tangina kaya pala nakapanty lang ako at suot ko'pa ang damit niya parang ayoko ng lumabas sa banyo sa sobrang kahihiyan halos makita niya na ang lahat lahat sakin

Putangina talaga

Nilagay 'ko ang pinaghubadan 'ko sa paper bag hindi ko pala alam kung nasan ang damit na ginamit 'ko kahapon, Sa susunod ko nalang ibabalik ang sleeveless na suot 'ko paglabas 'ko sa kwarto ay natagpuan ko siya sa kusina. At nakatalikod sakin nilibot ko naman ang paningin dito Parang nakakatakot magdumi dito sa condo niya sobrang linis kasi at halatang mamahalin maganda 'din ang combination ng kulay ng condo niya 'pang lalaki talaga

Tumikhim ako kaya agad siyang napalingon dito at ngumiti nakita 'kong nagsasalin siya nang pagkain sa plato pagkatapos ay nilagay niya na'yon sa lamesa at kumuha pa ng plato at kutsara pinagmamasdan ko'lang siya habang ginagawa niya 'yon

Chains Of Melody (Orectic Epigone Band Series #1)Where stories live. Discover now