Kabanata 3

150 134 1
                                    

"Nay, Nakita moba ang T-shirt ko na white?" Tanong ko kay Nanay

Pupunta na kasi ako Kila Regina para mag practice mas maganda mag practice don, kasi meron siyang electric, Acoustic Guitar, Tsaka piano Isang anak lang kasi si Regina At Nurse ang Tatay niya sa Amerika Kaya ang ibang gusto niya ay nabibigay ng magulang niya.

"Mata ang pinanghahanap Carla Hindi bibig" Sabi ni nanay habang nakatutok sa tv

"Mahal naman ang Highblood monaman agad, nagtatanong lang si Carla" Malambing na sabi ni Tatay

Si nanay talaga parang laging nireregla

Linggo ngayon kaya kumpleto kami dito sa bahay Nandito sila nanay at tatay nanonood at si Caleb naman nasa Labas at mukhang naglalaro

"Oo nga naman Nay, Grabe ka talaga sakin" Sabi ko sabay tingin kay Nanay

"Ewan ko sa inyo Mag ama nga kayo"

"Aba totoo naman, lahat ng kagwapuhan ko kay tatay ko namana diba Tay" nagmamayabang na sabi ko sabay tingin kay Tatay

"Oo pati kalokohan sa tatay mo namana" Sabi ni Nanay

"Mahal, anong kalokohan Hindi naman ako maloko dati ah" sabi ni Tatay na parang hindi mapakaniwala

"Ay sos maryosep bahala ka diyan" singhal ni Nanay

"Ito naman galit agad" Malambing na sabi ni Tatay sabay haplos pa sa hita ni Nanay Aba

Tumingin naman sakin si Tatay ay binigyan niya ko ng Wag ka ng mang asar look

"Tay Pagnanalo ako sa audition na sinalihan ko Bibilhan ko kayo ni Nanay ng ticket trip to japan" Sabi ko

"Aba Galingan mo anak Dati nung kabataan ko naalala ko non lagi din akong nanalo sa mga ganiyan" Sabi ni Tatay

"Sus hindi ka naman magaling" Sabi ni Nanay kay Tatay

"Hindi daw magaling, Ayon nga ang dahilan kung bakit nabuo si Carla diba Lagi mokong pinapanood pag tumutugtog kami noon" nakangising sabi ni Tatay

"Wag kang feeling diyan si Renato talaga ang sinisilayan konon sadyang makulit at papansin kalang talaga" sabi ni Nanay

Bigla namang nagdilim ang awra ni Tatay at nagtagis ang bagang 

"Aba Edi dapat si Renato ang pinakasalan mo" Singhal na sabi ni Papa

"Wag mokong inaartehan diyan Marlon, ikaw nga ang dami mong babae noon"aniya

"Alam mong hindi totoo yan"

"Maryosep ka hindi molang alam ang dami kong kaagaw sayo! lalo na pag kumakanta kayo ng kabanda mo dati, Kaya wag mokong ganyanin sakalin kita riyan e" Gigil na sabi ni Nanay

Aba para akong nanonood ng away ng Mag jowa May asim pa sila Nanay at tatay

Kinuwento sakin ni Tatay dati na Tumutugtog din sila Dati ng mga ka banda niya sa iba't ibang Lugar Umalis lang daw siya nung nabuntis si Nanay Sakin, Gusto daw niya umalis para bumuo na ng pamilya kay Nanay at alagaan Siya. Maselan kasi ni Nanay nung pinagbubuntis niya ako

"Mahal naman alam mong ikaw lang ang Mahal ko" Pagsusumamo ni Tatay

Hindi padin sila Tapos sa LQ nila? Makaalis nanga ito nalang susuotin ko bakit pa kasi ako mag poporma kila Regina lang naman ako

"Nay, Tay alis napo ako sa kwarto niyo nalang ituloy yang pag aaway niyo" Sabi ko

"Bwiset ka talagang bata ka" Sabi ni Nanay

Chains Of Melody (Orectic Epigone Band Series #1)Where stories live. Discover now