Kabanata 28

58 1 0
                                    

Kabanata 28

Nagising ako dahil sa tawanan, Bahagya 'kong inangat ang ulo ko para makita kung sino 'yon, Napapikit ako ng makitang nag'tatawanan sila sa lamesa. Hinilot ko ang sentido ko bago dahan dahang bumangon, Medyo nahihilo pa'ko hindi ko'nga alam paano pa kami nakaakyat sa room namin 

"Oh, buti gumising kapa?" napalingon ako ng magsalita sa Regina sinamaan ko'lang siya ng tingin at pinakyuhan

"Balita ko naka score daw kagabi ah" dagdag pa niya nagsitawanan naman sila

Umiling nalang ako at dahan dahang bumangon, Tingnan ko ang cellphone ko at nanlaki ang mata ko ng alas dos  na ng hapon? bumaling ulit ako sa kanila sa lamesa. May mga pag'kain 'don lumapit ako sa kanila at kinuha ang tubig sa lamesa at ininom 'yon. Para akong uhaw na uhaw, Nanunuyo ang lalamunan ko

"Kanina pa kami gising.... Hindi ka na namin ginising mukhang maganda pa ang panaginip mo" sabi ni Kelley 

Pansin 'kong nakaayos sila "San ang punta niyo?"

"Malamang mag'sswimming, Alangan namang mag muni muni lang tayo dito" singit ni Regina kinaltukan ko siya

"Hindi niyo ba ako balak isama ha?! hindi niyo man'lang ako ginising para makasama" Asik ko

"Hoy! Anong pinuputak mo diyan? Sa tingin mo gigisingin ka'pa namin sa wet dreams mo" aniya

Nanlaki ang mata ko Anong sinabi niya?! Nag'init ang ulo ko ng  mag'sitawanan naman sila "Oh, Ah, Oh, Ah" asar na sabi ni Regina

"Shuta ka mukha kang unggoy" sabi ko sinaway naman ni Beah si Regina

Tiklop ang hindot 

"Kumain ka muna" sabi ni Kelley at tumayo sa pag'kakaupo para paupuin ako, Sumunod naman ako. Natakam ako ng makita ang ulam

"Bilisan mo'na aantayin ka namin, Hindi ka naman ata maliligaw dito" sabi ni Regina

Hindi ko'na siya pinansin at tinapos nalang ang pag'kain ko Nag pahinga muna ako saglit bago Pumasok sa banyo, Maliki din ang banyo ng hotel na'to at may bath tub 'din. Gusto ko sanang mag'babad sa bath tub kaso ay inaantay ako nila Kelley. hinubad ko ang damit ko at tumapat sa salamin

Nanlaki ang mata ko ng may makita sa Leeg ko! Bakit ako may chikinini?! Napasapo nalang ako sa noo ko ng maalala ang nangyari kagabi. Hindi ko aakalain na nag'iwan pa ng chikinini ang babaeng 'yon! nakatikim na'nga may remembrance pa. Paano ko'to tatakpan mamaya

Bwiset! Bahala na'nga

Inumpisahan ko ng maligo dinalian ko'na halos wasik wasik nalang ang paraan ng pag'ligo ko kinuskos ko ang leeg ko baka sakaling matanggal ang chikinini Kaso walang nangyari! Mas namula lang 'yon

Pagkatapos kong maligo ay nag bathrobe lang ako bago lumabas ng banyo. Nagsilingunan naman agad sila sakin

"Mag swimsuit ka ah" paalala sakin ni Kelley Naismid naman ako sa sinabi niya at tumango

Napapalakpak pa si Kelley sa pagpayag ko. Napabuntong hininga ako ng malalim bago dumiretso sa duffle bag ko para kunin ang isang maong shorts at ang kulay Red na swimsuit. Pumunta ulit ako sa banyo para magbihis. Pinag'masdan ko ang sarili ko suot kona ang red na swimsuit at pinatungan nalang ng maong shorts ang sa pang'ibaba ko

Napairap naman ako ng madako ang tingin ko sa dibdib ko "Ano? wala kana 'bang ilalaki?" sabi ko sa dibdib ko. Pano kasi ay lumipas ang limang taon ay wala man'lang nagbago Parang flat na gulong pa'din

Nang matapos na'ko ay lumabas nako sa banyo Nag'katinginan kami ni Kelley at ngumiso kumunot ang noo ko ng Mas lumaapd ang ngiti niya, Kung hindi ko lang soya kaibigan iisipin ko ng may kalokohan siyang gagawin

Chains Of Melody (Orectic Epigone Band Series #1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin