Kabanata 29

83 1 0
                                    

Kabanata 29

"Magpapahangin lang po saglit" Paalam ko sila Mama Bhadz.

Hindi ko'na sila pinag'salita at agad ng tumayo para makasagap ng hangin. Kahit indoor ang bar pakiramdam ko'y kinukulang ako sa hangin


Gusto ko ng umakyat! Hindi ko'na matagalan ang titig ni Lucas sa'kin Parang sasabog na ang puso ko. Hanggang ngayon ay malakas pa'din ang epekto niyo sakin. Sapat na ang malalamig niyang tingin sakin para bahagyang manghina ang tuhod ko

Habang nag'lalakad ako ay natanaw ko ang dagat. Naisipan 'kong mag'lakad lakad sa Dalampasigan tinabi ko ang suot kong sandals sa gilid at pinakiramdaman ang buhangin habang nag'lalakad. Tinanaw ko ang dagat na nag'rereflect sa kulay ng langit at buwan. Kumirot bigla ang puso ko. Hindi ko inaaasahang makikita ko siya ngayon... Kung noon ay tuwing makikita ko siya ay puno ng galak ang mga labi niya, Pero ngayon...Hindi ko na siyang nakikitang ngumingiti alam 'kong dahil sakin 'yon

Hindi nako mag'tataka kung may galit siya sakin hanggang ngayon, Ako ang nang'iwan sa kaniya...Siguro'y iba ang ineexpect niya sa relasyon namin, Hindi ganito...

Sobrang miss na miss ko na siya, Naalala ko pa 'non na kahit buong mag'damag lang kaming nasa kotse niya ay masaya na kami. Magdadala lang siya ng pag'kain tapos ay manonood kami ng kdrama sapat na 'yon para sa aming dalawa...

Kahit hindi ko inaasahan ang pag'kikita namin ay masaya ako para sa kaniya, Sobrang nakaka proud tuwing makikita ko ang litrato nila sa Billboard, Pero habang pinag'mamasdan ko 'yon ay parang may kirot parin sa puso ko dahil Para na siyang bituwin, Kahit nasa malayo ay napakaganda talagang hindi ka magdadalawang isip na tunghayin 'to Pero gaya ng bituwin ang hirap niya ng abutin..


Napalingon ako ng makita ko sa gilid ang isang batang lalaking nag'titinda. kahit gabi na ay nag'titinda pa'din siya para kumita ng pera.


Minsan ay hindi ako naniniwala sa sinasabi nila na kahit walang pera ay kaya mong maging masaya, Depende 'yan sa sitwasyon.... sa mga taong mahihirap kung wala kang pera ay magugutom ka, hindi mo matutustusan ang pangangailangan ng mahal mo sa buhay, Kaya maswerte pa'rin ang mga taong hindi nararanasan ang ganito


Sabi nila'y mararanasan mo ang totoong hirap ng buhay kapag nalaman mo'na kung gaano kahirap kumita ng pera.


Bahagya akong lumapit sa kaniya pinag'krus ko ang dalawa 'kong kama'y at hinawak sa braso ko dahil sa hangin.


Nilalamig na'ko, Mas lalo pa'kong nilalamig sa tingin ni Lucas kanina..


Nnag makalapit ako ay nakita ko ang balot na tinitinda niya, May nilagang mani din 'don at sigarilyo at candy

"Bili na kayo 'te" aniya habang nakaupo


Ngumiti ako at sinilip ang tinitinda niya "Mukang masarap ang mani ah" ani ko.


"Masarap talaga 'yan 'te Ang kapatid ko ang nagbalalot niyan sa plastic" ngiting sabi niya


"Ganon ba, Kung ganon bibili ako ng Limang piraso" ani ko lumawak ang ngiti ng bata at agad na tumayo at bahagya inabutan ng limang pirasong mani na nakabalot sa plastic. Kinuha ko naman 'yon at kinapa ang bulsa ko. nakita kong 500 na buo lang ang pera sa bulsa ko


"Magkano ba lahat 'toy?" tanong ko



"Sikwenta lang 'te" Aniya inabot ko sa kaniya ang limang daan. Akmang kukuha na siya ng panukli ng pigilan ko siya


"Wag mo na akong suklian 'toy" ngiting sabi ko. Nanlaki ang mata niya at tumingin sa limang daan na hawak niya


"T-Talaga?" Hindi makapaniwalang sabi niya.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 08, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chains Of Melody (Orectic Epigone Band Series #1)Where stories live. Discover now