Kabanata 5

157 81 1
                                    

PARA AKONG nasa langit parang lumulutang ang  mga paa ko habang pauwi ng bahay sobrang saya ko at ako ang nanalo. Matutupad na ang pangarap ko kila nanay at tiyak na matutuwa si Regina Mukha namang madali lang silang pakisamahan pwera nalang kay Miguel 

Naisipan kong tawagan si Regina para sabihin ang isang pinaka magandang balita na matatanggap niya ngayon 

"Ano kamusta nanalo ka" Sigaw na tanong niya bahagya ko namang nilayo sa tenga ko ang Cherry lobat ko dahil sa lakas ng pagsigaw niya

"Pwede ba ikalma moyang pukelya mo mabibingi ako sayo!" Balik sigaw ko

saglit namang natahimik sa kabilang linya na tila kinakalma nga

"O anong balita?" Mahinahong sabi niya

"Huminga ka muna ng malalim at kumalma" nang aasar na sabi 'ko

"Ano nga Shuta ka sabunutan kita diyang tomboy ka e" Asik nanaman niya

"Guess what" ani ko

"What!" iritang sabi niya

"Watawat" sabi ko sabay bungisngis

"Hindi ako natutuwa Carla" Seryosong sabi niya

"Oy ito naman sasabihin konanga alam m--"

naputol ang sasabihin ko ng makitang nalobat na ang Cherry lobat ko, kainis! Mukhang umuusok na ang tenga ni Regina sa Pambibiitin ko sa kaniya

Nang nasa tapat nako ng bahay nakita kopang nakapatay ang ilaw agad agad naman akong pumasok at binuksan ang ilaw pagbukas ko ay bumungad sakin si Nanay, Tatay at Caleb

"Congrats anak!" Masayang sabi nila Nanay at tatay habang si Caleb naman may Hawak na papel namay Hand letter na Congrats Ate!. Nanubig naman bigla ang mata ko at napakagat ng labi

"Pano niyo po nalaman?" Tanong ko, hindi kopa naman sinasabi sa kanila na nanalo ako.

"Ano kaba naman anak Matik nayan sakin ka ata nagmana" Masayang sabi ni Tatay

"Nay, Tay, Caleb Nanalo po A-Ako" ani ko at tuluyang naiyak hindi ko aakalain na ganito ako susuportahan ng pamilya ko. 

Lumapit naman sila sakin "Anak kahit ganito lang kami proud na proud kami sayo, Hinding hindi ka namin pipigilan sa pangarap mo susuportahan ka namin kahit anong mangyari" Naluluhang sabi sakin ni Nanay Napayakap naman ako sa kanila

"Matutupad konapo ang pangako ko sa inyo. Bukas makukuha ko ang premyo ko malaking halaga po iyon" 

"Wag mo munang intindihin yan anak, Tara kumain muna tayo binili ka namin ng Fried chicken diyan sa kanto at Cake diba gusto mo iyon anak?" masayang sabi ni Tatay tumango naman ako say umupo sa upuan sumunod naman sila

Napaluha ulit ako ng nakita kong merong Cake ,Fried chicken, kanin, at juice sa lamesa Alam kong pinang utang lng Nila nanay ang pambili nito. Dahil hindi naman naming kayang bumili ng ganito Pero gumawa padin sila ng paraan para macelebrate ang pagkapanalo ko

"Tay, san po kayo umutang ng pambili nito?"

"Hayaan mona anak, Wag mona intindihin yon ako na ang bahala"

"Tay naman bukas na bukas pag nakuha kona ang pera bayadan natin" ani ko

"O, siya sige na Kumain na muna tayo" ani ni Tatay

Masaya kaming naghapunan at kinwento ko naman ang nangyari sa Audition, Nagpapasalamat ako dahil hindi man ako  binayayaan sa materyal na Bagay, o salat sa pera binigyan naman  ako ng Supportive na magulang at kapatid. Na talagang nagpapasaya sakin idagdag mopa ang Hindot kong kaibigan

Chains Of Melody (Orectic Epigone Band Series #1)Where stories live. Discover now